1

4.8K 77 4
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

 1

 

 

 

Agad nag-iwas ng paningin si Nixie sa akin. Hindi ko alam if kilala pa ba ako nito o as usual, na-gwapuhan lang din sa akin kagaya ng countless women before her.

Patuloy na tumugtog ang sexy music. Patuloy na gumiling si Nixie sa harapan ng stage. Patuloy ang erotic niyang sayaw. Pumilantik ang mga kamay nito. Iginalaw mabuti ang bewang...mab agal, mabilis, mabagal...mabilis.

I’m sure si Nixie ito. Kahit 13 years ko na siyang hindi nakikita ay hindi ako maaaring magkamali sa itsura niya.

Habang nagsasayaw ito ay nararamadaman ko ang namumuong puot sa aking dibdib.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na pinahiya ako ni Nixie. Hinding-hindi ko ito mapapatawad.

Kasabay ng matinding galit na kumukunsumo sa akin sa mga sandaling iyon, kinukunsumo din ako ng pagnanasa para dito.

God, I wanted to touch that luscious, fair skin. Hindi pa rin ito nagbabago. Maganda at makinis pa rin.

Mas lalong nagkalaman ang dibdib nito at kung dati nung High School kami ay malaki na ang hinaharap nito, ngayon ay...ay nako ayoko na i-describe.

Tumayo ko bigla at nalaglag naman sa malambot na sofa ang babaeng kanina’y nakakandong sa akin. Nilabas ko ang wallet ko at tinapunan ko ito ng 3 thousand pesos. Di na ito umangal sa biglaan kong pag-alis. Pumunta ako sa reception area. Tinanong ko sa bantay duon if pwede ba “i-book” iyong nasa stage na sumasayaw.

May naka-reserve na daw para duon sa babaeng iyon. Napag-alaman kong Jane ang tawag dito.

Ang mga escort service ay hindi gumagamit ng tunay na pangalan kapag nasa “trabaho” nila. Lalo na kapag makikihalubilo ang mga ito sa mga “customer” nila.

Naglabas ako ng blangko na cheke mula sa aking wallet. Tinanong ko uli ang nasa reception kung pwede kong i-book si “Jane”

Alam ng nasa reception na kapag nag-labas na ako ng cheke ay ibig sabihin, serious business na ang pakay ko. Gagawan daw nito ng paraan.

Bumalik ako sa table ko kanina. Naroon pa rin ang ka-table kong babae kanina. Inuubos nito ang in-order kong beer kanina. Hindi na si “Jane” ang sumasayaw sa entablado.

Lumingkis-lingkis uli sa akin ang ka-table kong babae. Maikli na nga ang palda nito ay mas lalo pa nitong nililis pataas. Hindi naman ako natutuwa sa pinaggagagawa nito kaya naman inalis ko ang braso ko mula sa pagkakakunyapit nito.

Maya-maya pa ay may lumapit sa aking lalake. Binulungan ako nito. Pwede ko na daw i-book si “Jane.” Sumenyas ako ng “pa-bill-out” naman sa isang waiter, kinuha naman nuon ang maliit na clipboard na may naka-attach na sobre. Hindi ko tinignan kung magkano ang inabot ko para sa gabing ito. Naglabas lamang ako ng credit card at iniipit ko ito sa clipboard na maliit.

“Hindi mo ba ako ilalabas?” Pa-cute na tanong sa akin ng ka-table ko.

Nginitian ko lamang ito. “Next time na lang.” Sabi ko rito. Pero alam ko sa sarili ko na hindi iyon mangyayari.

Bumalik na ang waiter at ibinalik ko na sa wallet ko ang credit card. Tumayo na ako.

Nag-aantay na sa akin sa may lobby si “Jane.” Naka-dress na ito na lagpas-tuhod ang haba pero hapit na hapit ito sa katawan niya. Ang neckline naman ng damit niya ay sobrang baba kaya naman nagmumura ang cleavage nito. Lumapit ito sa akin. Napansin kong backless din pala ang damit nito at halos sa pwet na nagsimulang magka-tela.

Ngumiti sa akin si “Jane” ng mahinhin. Ang “Jane” na kaharap ko ngayon ay malayo sa “Jane” na gumigiling kanina sa stage. Ang babaeng kaharap ko ngayon ay tila hindi makabasag pinggan.

Bumeso ako dito at hindi naman ito pumalag, sa halip ay humawak pa ito sa isa kong balikat. Ang hawak niya na iyon ay mas lalong nagpabuhay sa aking dugo.

“Shall we go?” Tanong ko dito. Tumango naman ito at kumapit sa aking inialok na kamay.

Sa labas ng high end na men’s club ay naka-parada ang aking bago at magarang sasakyan. Dinukot ko ang susi nito mula sa aking bulsa at pinindot ang control button na nakakabit sa susi nito. Natanggal ang lock ng kotse pagka-pindot ko ng control at bilang senyales na na-unlock ko sito, umilaw ang isa sa mga ilaw nito sa harapan.

===========================================================

 Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3

Taking Revenge On Nixie Oletha (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon