===========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
===========================================================
4
Nag-check out na kami ni Jane sa motel. Nag-aya itong kumain dahil nagutom daw ito. Buti na lang ay may mga bukas pang kainan kahit dis-oras na ng gabi. Nag-drive ako papuntang West Ave at huminto sa isa sa mga kainan duon. Tinanong ko si Jane kung gusto niya ba dito. Okay lang daw kahit saan.
Nag-park na ako ng kotse. Bumaba ako at pinag buksan ko ng pinto si Jane. Kahit yun lang ang pakay ko kay Jane at alam kong binayaran ko ito para doon, hindi naman nangangahulugan na hindi na dapat ako maging gentleman sa kanya.
Ang pinuntahan naming resto ay open ang area. Wala yung mga conventional na pader dahil kalahating mga bricks lang ang nage-enclose sa kabuuan ng kainan. Hindi ito airconditioned bagkus ay napapalibutan ito ng maraming ceiling fan na parang antique ang disenyo. Mukhang mga umiikot na bituin ang mga iyon. Malabong kulay dilaw na mga ilaw ang nagbibigay liwanag sa buong lugar. Halos dim-lighted nga ito.
Mukhang luma ang kainan pero maganda pa rin ito. Nakikita ko sa mga mata ni Jane na natutuwa din siya sa lugar.
Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang maraming mukhang luma na mga upuan at mesa. Mas lalo naming nakita ng malapitan ang mga ceiling fan at mapusyaw na mga dilaw na ilaw.
Nakita ko naman na ang mga mata ng karamihan ay nagdako sa akin at kay Jane. Sanay na akong tinitignan ng mga tao. Dalawa lang ang ibig sabihin kung bakit sila tumingin sa akin, it’s either kilala nila ako o na-gwapuhan sila sa akin. Parehas na ako kasi iyon—sikat at gwapo.
Pero hindi ko maikakaila na napatingin din sila sa kasama ko. Lalo na ang mga lalake. Parang hinuhubaran na ng mga lalake ng tingin si Jane. Lalo na sa kadahilanang litaw na litaw ang puti ng balat nito against her black dress. I felt a protective feeling towards her. Bigla akong nainis sa mga tumitingin dito. Akin siya. Binayaran ko siya.
Pinulupot ko ang isang braso ko sa balikat ni Jane. Wala akong tinitignan sa lahat ng nakatingin. I walked with my eyes on our destination though I can see in my periphery that everyone is gawking at the sight of us.
Inilapit naman ni Jane ang katawan niya sa akin. I felt her warmth. D*mn it. Naalala ko na naman na bitin ako ngayong gabi na ito at parang nabubuhay na naman ang natutulog kong dugo.
Naupo na kami at nilapitan kami ng isang waitress. Binigyan kami nito ng menu at dalawang service water. Sinimulan na naming um-order. After umalis ng waitress ay kinausap ako ni Jane.
“Mukhang sanay ka sa attention. You didn’t even flinch kahit na every eye in this room pierced you.”
“Why should I? Looks can’t kill me.” Sabi ko dito. I took a sip from the served water. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala nanunuyot ang lalamunan ko at uhaw na uhaw na ako.
Jane mimicked me at uminom din siya ng tubig. The tension grew strong when we had this awkward silence...pero ako lang ata iyon. Jane seems to be still composed. Pero alam kong hindi naman nito nalaman na na-tense ako for a minute or two. I can also handle myself very well.
Naglabas ito ng maliit na notebook at pen galing sa bag niya and she started scribbling. I realized that what she’s writing is the said contract.
BINABASA MO ANG
Taking Revenge On Nixie Oletha (Completed)
Romance(SPG -- Read at your own risk) Inilingkis nito ang mga braso niya sa leeg ko at inamoy-amoy ang leeg ko. Dinama ko naman ang makinis at maputi nitong hita. Ang suot niya kase na skirt ay sobrang ikli, akala mo wala na. Nakiliti naman ito sa ginawa k...