==========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
==========================================================
23
One month passed at naging maayos naman ang pagiging personal secretary ni Nixie sa akin. Although naging mahirap dahil most of the time gusto naming i-consume ang aming passion kahit nasa office kami.
“I told you that this is a bad idea!” Natatawang wika ni Nixie habang lihim ko siyang ninanakawan ng halik when she delivered some documents in my office.
“Dapat hindi ka masyadong nagsusuot ng mga sexy office attire.” Natatawa kong wika dito.
“Eh sino bang bumili ng mga ito?” Kunwaring reklamo nito. “At saka hindi naman ‘to sexy! Ang haba-haba nga nitong binili mong palda sa’kin!”
“Eh kahit ano namang isuot mo, you’d be the most sexy person for me, Ms. Nixie Oletha.” I told her habang hinapit ko ang bewang nito palapit sa akin. There is an undeniable heat between us whenever our body come in contact. Delikado talagang nagkakalapit kami ng babaeng ito.
“Mr. Easton, let’s keep it professional kapag nasa office.” Nakangiting wika ni Nixie sabay kinindatan ako nito. Tila matutunaw naman ako kapag ginagawa niya ang bagay na iyon.
Tinulak ako nito ng malakas at ng makaalis ito mula sa aking bisig ay naglakad ito kaagad palayo sa akin. Natawa naman ako sa tinuran nito. Parang hayok na hayok ako sa kanya—which is no doubt very true. Sino ba namang hindi mahahayok sa isang kagaya niya?
Kumakaway itong lumabas ng pintuan ng office ko at natulala naman ako sa kinatatayuan ko. It took me 2 seconds para bumalik sa office table at tignan ang mga dokumento na dinala sa akin ni Nixie.
Monday, Wednesday at Friday ang schedule ni Nixie para sa night school. After ng office ay hinahatid na namin siya ng chauffer ko diretso sa school na pinapasukan niya. Nauuna na akong umuwi sa bahay at susunduin na lang siya after ng klase niya. Naging ganuon ang aming siste isang buwan na ang nakakalipas.
I gave Nixie her own room pero kadalasan ay nandun din ako. Niloloko ako palagi ni Nixie na iniistorbo ko siya sa pagpapahinga whenever I feel the urge to make love to her.
“Di naman kita pipilitin kung ayaw mo.” I told her while softly kissing her shoulder.
“Eh paano ako tatanggi eh ang sarap ng ginagawa mo sa akin?” Wika nito.
We consumed our passion almost every night at tila hindi kami nagsasawang gawin ito sa isa’t isa. Sa katunayan ay mas lalong tumitindi ang aming pananabik sa isa’t isa na tila hindi kami sa iisang bahay nakatira.
Kung hindi ako ang pumupunta sa kwarto ni Nixie, ito ang nangangatok sa kwarto ko.
“Nix, pagod ako.” Kunwaring reklamo ko habang hinahalikan ako nito sa tenga. Hindi naman ako nagla-lock ng kwarto ko since dumating dito sa bahay ko si Nixie. Alam ko kaseng gusto nitong pumunta sa silid ko minsan. At kahit minsan kunwari nag-iinarte ako, gusto ko rin naman.
“Eh pwede mo naman ako patigilin eh,” Paanas na wika ni Nixie, sabay dila niya sa tenga ko. Hindi ko napigilang umungol ng malakas. Sobrang sarap kapag si Nixie ang gumagawa.
“Ano yun? Pinapatigil mo na ba ako?” Kunwaring nagtatampong tono ni Nixie. I felt her hands tracing my chest at wala na akong nagawa pa ng itulak ako nito sa kama ko at pumaibabaw ito sa akin.
XXX
Pagkatapos ng office isang Biyernes ng hapon ay as usual, diniretso hatid namin si Nixie sa evening classes nito. And as usual, nauna akong umuwi sa mansyon.
Laking gulat ko na meron palang naghihintay sa akin pag-uwi ko! Hindi ko talaga iyon ini-expect!
“Dad?” I called the man seating on my sala as I went inside the mansion.
Tumayo kaagad ang aking ama at sinalubong ako nito ng mainit na yakap. Alam kong medyo awkward ang aming pagyayakap dahil parehas kaming hindi showy sa aming mga emosyon at nararamdaman. Peor what the hell. Kailan pa ba kami nagkita ng tatay ko? Hindi ito ang panahon upang makaramdam ng awkwardness.
“Darwyn, anak,” He beamed at me. “You look different! You’re glowing!” Masaya nitong wika. Tinapik pa ako nito sa balikat.
“I’m good Dad. Maayos ang business.” Kwento ko dito.
“Akala ko ba may pinagdadaanan ka? Mali naman ata ang kwento ng mga kasambahay mo sa akin?” Natatawang wika ng ama ko.
“Naku Dad, naka-move on na po ako sa problema kong iyon,” Wika ko sa tatay ko. Parehas kaming naupo at pinagpatuloy ang pagku-kwentuhan. “Kailan ka pa dumating Dad? I am so surprised! It’s been a long time.” Wika ko. Pinipigilan kong pumatak ang mga luha ko, pero hindi ko nagawa. How I missed my Dad. Inakbayan naman ako nito.
“Balak ko talagang sorpresahin ka, anak.” Mahinahong wika nito. “Pasensya ka na sa mga pagkukulang ko sa iyo...sa mga panahong wala ako tabi mo...Alam ko namang alam mo na parehas tayong wasak nun since namatay ang mommy mo.” Bakas sa tinig ng matanda ang kalungkutan.
“Natakot akong gumagaya ka na sa akin...isang duwag na lalake na hindi kayang harapin ang katotohanan, bagkus ay tinatakbuhan ito,” Tumingin sa akin ang aking ama. “Pero alam kong mas matatag ka sa akin...alam kong kaya mong suungin kahit anong pagsubok...look at you now!” Proud na wika ng daddy ko. Tumingin ako dito and gave him a reassuring smile.
“Hindi po totoo na pinabayaan niyo ako. You’re always there for me kahit na malayo tayo sa isa’t isa. At alam kong kailangan niyo ang time na iyon para mapag-isa...Alam ko ang pinagdaanan niyo ng mawala sa atin si mommy...Wala po kayong kasalanan sa akin.”
Nagyakap muli kami ng aking dad and everything felt instantly better. “Dad, wag na kayo bumalik ng US. Dito na lang kayo.” I told him.
“Pero anak? Paano ang trabaho ko dun?”
“Wag na po, ako ng bahala sa inyo...isa pa malapit na ako ikasal.” And suddenly my face lit up again.
“Ang weird mo talaga anak. Nung isang buwan, bitter ka. Ngayon naman, ikakasal ka na? Hindi ko man lang alam na malapit na pala ako magka-apo?” Biro ni Dad.
“At iyon pa pala Dad,” I laughed. “Sobrang lapit niyo ng magka-apo.”
Tinitigan ako ni Dad at nararamdaman kong sobrang proud nito sa akin at sobrang suportado niya kung ano man ang mga nais kong gawin sa buhay.
“Kailan mo siya ipapakilala sa akin, anak?” Wika ni Dad.
“Mamaya po ‘pag uwi niya ay makikilala niyo na siya.” I chuckled.
“Dito siya umuuwi sa bahay mo?” Dad asked looking confused but amused as well.
“Long story, Dad. Pero iku-kwento ko sa inyo lahat mamaya. Sa ngayon ay magpahinga muna kayo. Alam kong malayo ang inyong binyahe at alam kong baka may jetlag pa kayo.” Inakay ko ang aking tatay patungong 2nd floor, patungo sa kwarto nito na sinadya kong ipagawa talaga nuong pinapagawa ko pa lang ang mansyon na ito. Tinawag ko naman ang ilan kong kasambahay upang utusang iakyat ang mga gamit ng tatay ko sa kwarto nito. Nag-utos din ako na magluto ng masasarap na putahe para sa gabing ito.
I’m feeling festive this evening dahil ang dalawang pinakamamahal ko sa buhay ay parehas na nasa aking tahanan.
==========================================================
Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3
==========================================================
BINABASA MO ANG
Taking Revenge On Nixie Oletha (Completed)
Romance(SPG -- Read at your own risk) Inilingkis nito ang mga braso niya sa leeg ko at inamoy-amoy ang leeg ko. Dinama ko naman ang makinis at maputi nitong hita. Ang suot niya kase na skirt ay sobrang ikli, akala mo wala na. Nakiliti naman ito sa ginawa k...