12

3.4K 52 10
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

12

 

 

 

 

Nakasakay na kami ni Jane ngayon sa eroplano papuntang Kalibo, Aklan. Galing doon, magva-van na lang kami papuntang Caticlan Jetty Port kung saan sasakay kami ng motorboat papuntang Boracay.

Of course, we took the first class seats. Hindi naman ako bumabyahe ng hindi first class. Meron akong private jet plane pero I reserve that only for special occasions.

Which made me thought, hindi ba ito special occasion?

Napatingin ako kung saan naka-pwesto ang upuan ni Jane. Nakadungaw ito sa maliit na bintana ng eroplano. Maya-maya pa ay napansin ata nitong nakatingin ako sa kanya kaya naman pumihit ito paharap sa akin.

“What?” Confused nitong wika.

I just gave her a mysterious smile and just shook my head.

Kung hindi mo alam kung saan nagtatrabaho si Jane, hindi mo mahahalata na ganuong uri siyang babae. Right now, she’s the most classy and sophisticated girl in this plane.

I’m not saying that because of her looks alone but the way she carries herself. She’s nothing but mysterious and very alluring which greatly appeals to my senses.

Bagay sa kaniya ang maxi dress na blue na suot niya ngayon. Floral ito at pa-tube. Pero none of her upper body parts were exposed. She covered the tube maxi dress with a flimsy pale yellow sweater. Ang kaniyang brown na buhok ay loosely tied at ang dulo nito ay fashionably curled. Hindi na-overdo ang pagkakulot unlike sa ibang babae na akala mo kung saan pupunta palagi.

Napangiti ako sa train of thoughts ko. Why am I even thinking about Jane eh kasama ko na siya?

I gazed too sa maliit na bintana ng eroplano.I took a sip on my freshly squeezed juice. Pero parang gusto ko ng liquor...Hmm...I might get some mamaya when we’re in Boracay.

XXX

After hours ng mahabang pagbiyahe, finally, nakarating din kami sa isla ng Boracay. Malapit na maghapon kaya naman hindi na masyadong matingkad ang sikat ng araw. Kanina pa kami hindi nag-uusap ni Jane ng maayos. Simpleng tanungan lang ng “okay ka lang?” or “gutom ka na?” ang ginawa namin sa buong biyahe. Akala ko baka pagod na ito sa mahabang biyahe, kaya naman nagulat ako nung bigla itong parang bata na nagtatatakbo sa puting buhanginan. Kunot-noo ko ‘tong pinagmasdan.

I’ve been here sa Boracay too many times already kaya naman wala na akong excitement na nararamdaman every time I go here. Maganda ang Bora, no doubt about it, pero na-experience ko na rin ang ilang beaches abroad, mga first class resorts and hotels kaya masasabi kong nothing’s new to me regarding on things like this.

Pero ngayong hapon na ito, tila may iba akong nararamdaman...excitement? Hindi ko alam pero nararamdaman kong buhay ang aking sistema...I never felt like this for such a long time kaya naman nanatili akong parang tuod sa sulok na pinapanuod si Jane sa pagtakbo.

Taking Revenge On Nixie Oletha (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon