***********************
"Alam mo? kung sana inayos mo lang yang buhay mo noon, malamang isa ka ng SIKAT na modelo ngayon! kaso hindi e. Sikat ka nga. Pero bilang basagulero naman! ay ewan ko na ba sayong bata ka. Ang Tiggas talaga ng ulo mo. O'siya, dyan ka na muna at may lakad pa ako."
"tss. Ingat sa daan! baka mahagip kayo dyan. Naku patay tayo niyan.." Natatawa kong sabi sa tatay ko na ngayon ay papalabas na ng pintuan.
"Magluto ka lang dyan kapag nagugutom ka. Wag ka na munang maglalalabas ngayon. Baka mamaya pag initan ka ng mga taong ginulpi mo. Wala na akong maipambabayad dyan."
"Yes boss!" sagot ko na naka salute pa. Di niya nga nakita e. Sayang! sarap pa namang asarin nyang matandang yan. Salbahe ba? wala kang pakealam :*
Ay! nga pala. Ako si Salva. Salva-HE . HAHA. e ayun sabi nila e! magagawa ko naman diba? xD Disi-otso anyos na ko. Maganda, makinis, sexy tsaka higit sa lahat Salva-HE. LOL! baka maniwala kayo ha? naku naku! ang tatay ko naman kasi kung ano-anong sinasabi. Yan tuloy =__= ge na. Tama na daldalan. Ikakasal na ko e. LOL! i mean papasok na muna ako sa kusina. Papakasal na kami ni Kikiam. Bumili ako kanina e. Iluluto ko na lang ngayon.
--
"HEY SALVA!" nagulat ako sa taong nasigaw mula sa labas ng bahay.
"SALVAH HEY! YUHOO! ARE YOU THERE? HELLO? ANYBODY HOME?"
Nilabas ko yung taong kanina pa nagiiskandalo sa labas. "HUWATT?! WHAT ARE YOUR PROBLEMS? WHY ARE YOU CALLING ME IN THE MIDDLE OF A SILENT NIGHT?! WITH HOLY NIGHT?! HAH! YOU. YOU STUPID YOU!" Duro-duro ko ang pagmumukha niya habang sinisigawan siya pabalik. Aba anak ng teteng to! iniingles ba naman ako? hah! dumugo kaya ilong ko dun! my gosh lang ha.
Bigla naman itong napatawa ng malakas na siyang ikinalingon lalo ng mga walang kwenta naming kapit-bahay. Mga chismosa yan aba! kung hindi niyo naitatanong, mabilis pa sa balita ang mga yan.
Binalingan ko ulit yung tao- ay teka, tao pa ba to? 'Hoy. Ang saya mo a? kita na pati bituka mo sa sobrang saya mo a? ano? tawa pa dali!"
"E-eh kasi naman.. HAHAHA! anong 'In the middle of a silent night, with holy night' ba ang sinasabi mo dyan? e tirik na tirik pa naman yung araw. HAHAHAH! mga banat mo talaga e no? xD"
"Ah ganon? gusto mo ikaw ang patirikin ko ngayon? ha? sabihin mo lang.." nakakapikon tung lalaking to! "ba't ka ba kasi nandito?! kahit kailan talaga napakalaki mong ISTORBO! " kulang nalang ang pagpadyak ko. Nakakaiyak naman kasi! Hindi ko pa nasusubo o kahit manlang natitikman yung iniluto kong kikiam, may bigla nalang eepal na kupal sa buhay ko -3- asan naman ang hustisya dun diba?
Pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko, aba! bigla ba namang dumiretsyo papasok ng bahay ko. Take note ha? tinabig pa niya ko! Bastos e no?
"Ang bastos talaga ng ugali ng kengkoy na to! aish."
"Anong pagkain natin? gutom na ko e.." Ano daw? pagkain? as in yung kinakain? PAGKAIN?!!
"Waaah! yung pagkai- AAAAH! AKIN YAN! AKIN YAN! ILUWA MO LAHAT YAN! HUHU T_T akin yan e.." waaaah!! nakakainis! isinubo na niya.Nasubo niya na yung iba bago ko pa narealize na may kikiam nga pala ako sa mesa. "Bwisit ka talaga! ba't mo kinain?! Patay gutom ka yata talaga e! kada punta mo nalang dito, ubos ang pagkain ko! hindi ka ba pinalalamon sa inyo, ha?"
BINABASA MO ANG
This So Called Love(On-Going)
Ficção AdolescenteMy bespren is my bepren. Bow. JOKE! ayokong maglagay ng description. Tinatamad ako! pfft~