Seven

75 6 1
                                    

Nasa kalagitnaan kami ng talakayan ng professor ko sa Philosophy nang maramdaman kong mag vibrate ang phone ko mula sa bulsa ko. Someone is calling me. Sinilip ko kung sino ang tumatawag pero unregistered ang number.



“Ma’am excuse me, emergency call.” – I said raising my right hand. Agad din naman akong pinalabas ni Ma’am Bonifacio.


I wonder if it’s a call from Mom…


“Hello?” Boses ng lalake ang sumagot, medyo rough at feeling ko nasa mid-40s ang edad, may pag-ubo ubo pa sa kabilang linya. Di kaya scam ito?


“Hello… Sino po sila?” Sagot ko.


“I-Ihaa…. N-nakapulot *coughs* ako ng gintong… barya….” Bigla akong kinabahan sa sinabi ng matanda.


“Ano pong kai—“ Bigla nyang pinutol ang sasabihin  ko at gulat ko ko na lang nang tipong umayos ang boses ng kausap ko sabay sabing: “IPASA MO TO SA BENTENG KATAO O PITONG TAONG MAMALASIN ANG MGA MAHAL MO SA BU—“


“S-sorry po! Wala po akong pantawag!” Sabi ko at dali-daling pinatay ang tawag. Nagdasal ako bago bumalik sa classroom. Pati ba naman sa tawag may nanggaganon. Akala ko sa text at emails lang!



---



“HAHAHAHAHAHAHA!” - Bakugo


“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!”- Astrid

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!”


Walang tigil ang tawanan naman ng tatlong lalake sa loob ng Student Council Office nang patayan sila ni Sachi ng tawag.


“Hayop naniwala nga! Hahahahaha!”- Clevor


“Sorry po wala po akong pantawag! The hell. Hahahaha!” –Astrid


Nagpupunas ng luha habang nakahawak sa tiyan si Bakugo na hindi makapag salita, bilang may pakana ng tawag na yon. “I told you, sa mga kagaya nya gagana yon. Hahaha!”




“Tama na kakatawa nyo hahaha, i-text mo na sya na pumunta dito mamaya bago umuwi.” –Astrid


“Edi malalaman nya na pinagtripan natin sya. Wag na, ako na magtetext akin na number nya.”-Clevor


Nagtinginan sina Astrid at Bakugo, may nakakalokong ngiti habang nakatingin kay Clevor. Nang mapansin naman ito ni Clevor ay agad nya pinagbabatukan ang dalawa.


“It’s not that I want her number. Ayoko lang magkaproblema pa tayo baka hindi yon pumunta dito pag nalaman nyang pinagtrioan natin sya. Tss.” –Clevor


“Wala naman kaming sinabi ah, diba Bakugo? Haha.” –Astrid



---



“Pumunta ka dito sa Student Council Office after class.” Eh? Sino na naman tong unregistered number na ‘to? Hindi naman ito yung tumawag sakin kanina.


I replied: Who u?

Maya maya lang ay nagreply ito ng: Clevor.


Clevor? Pa’no nya nakuha number ko?



Mag-isa akong kumakain sa cafeteria nang marealize ko na 2 unregistered number ang nagcontact sakin ngayon araw. Ang isa ay si Clevor kaya di malabong siya or rather- sila ang nangtrip sakin kanina. Napa-kunot ang kilay ko habang iniisip kung gano sila kasaya kanina habang ako walang tigil ang pagdadasal habang nasa room. Lintik lang ang walang ganti!



Padabog akong tumayo at naglakad para isauli ang tray ko nang sa hindi inaasahang pangyayari ay may nabunggo akong lalake sa pagmamadali kong pumunta sa SCO.



“OMG. I’m sorry! I’m so sorry!” Bumuhos sa kanya lahat ng natitira kong pagkain sa tray. Agad kong pinunasan ang damit nya gamit ang sarili kong panyo pero itinulak nya ako palayo.



“T*ngina hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?” Sigaw nya. Ramdam kong nakatingin samin ng lahat ng estudyante sa cafeteria.



“Sorry talaga! Hindi ko sinasad—“


Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang mukha nya. Kinuha ko ang ID nya at tiningnan kung tama nga ang hinala ko.


“The fuck’s with you, bitawan mo nga yung ID ko!”  Tinapik nya palayo ang kamay ko at akmang susuntukin ako nang hawakan ito ng di hamak na mas matangkad na lalake.


“Ops. Sigurado ka ba sa gagawin mo?”  Nginitian sya ni Clevor at binitawan ang kamay nya. Lumapit sa akin si Astrid at Bakugo.


“Ang aga nyo naman magkita Sachi. Haha.” –Astrid


Agad na tumalikod ang lalake sa amin pero hindi pa sya nakakalayo ay humugot ng panghuling banat si Clevor.


“See you later, Harvey.”


The Trouble of HellosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon