PROLOGUE

2 0 0
                                    

Simula na ng panibagong semester para sa taong ito.Maaga ang pasok namin kung kaya't alas sais pa lamang ay nandito na ako sa school.Ang Saint Reign University na exclusive for boys and girls na talagang pangmayayaman lang.

Iilan pa lamang na mga istudyante ang nandito sa classroom.Si Alice palang ang bestfriend kong nandito.Wala pa yung mga maiingay at magugulo naming BFF.Well,lahat naman sila maiingay.

"RJ!!"tawag ni Alice or should I say sigaw niya habang lumalapit sa akin.May kausap kasi siya kanina ng dumating ako "Bwahaha! Ang aga aga nakita mo agad kagandahan ko no!"

"Dream on girl"

"Oh! Nandito na pala si Dwarf"asar niya sa kararating lang na si Lisa

Inirapan lang siya nito saka inismiran"Hindi ako Dwarf!"

"Bwahaha! Sabi mo eh!"

Mukhang maaga pa lang sasakit na ang ulo ko.Nandito na ang alaskador at ang inaalaska niya.Yung isa na lang.Napahilot na lang ako sa sintido ko.Sino kayang makakatagal sa mga taong to.Siyempre ako lang

"Oh!,napano ka diyan?"nagtatakang tanong ni Alice.Lumapit siya sa akin saka hinipo ang noo ko "Wala ka namang lagnat"

"Malamang dahil yan sa kaingayan mo.Nagtataka ka pa"

"Aysus! Baka dahil sa kagandahan ko,Bwahaha!"

"Tigil tigilan mo ako sa ilusyon mo,ilusyunada"

"May sinasabi ka liit"

"Hi,guys!!"Haist! dumating na ang kambal ni Alice sa kaingayan "Wazzup,tagal nating di nagkita.Namiss niyo ba ako"

"Gaga,namiss mo mukha mo kakakita lang natin kahapon.Wag kang ano diyan"sagot ni Alice pero tinarayan lang siya ni Ches

"Wala man lang kayong sense of humor.Walang support.Anong klaseng kaibigan kayo?"nagiinarteng sabi niya na halos magpahaba ng nguso niya "By the way,I have a news,a big one news"

Nakalimutan ko bang sabihing may pagkatsismosa ang isang ito.

"Ano na naman yan?"

"Halikayo,lapit,lapit kayo saakin" isinenyas niya pa ang kamay niya para lumapot sa kaniya dahil katabi ako ni Ches ay yung dalawa na lang yung lumapit "Ganito kasi yun,yung Vishkat Couple daw kasi nagbreak na"pabulong na sabi niya

"WHAT?"

"Why?"

"How?"

"Ano ba! Wala tayo sa english class.Wag niyo akong paulanan ng WH-Question"

"Ano na nga,sagutin mo na lang.Ang dami mong satsat diyan"angal ni Alice

"Kung di ko na lang kaya sabihin"

"Dalian mo na.Ang dami pang alam.Hindi naman yan pipirmi sa bunganga mo"dagdag pa ni Lisa kaya wala ng magawa si Ches

"Ito na nga"

Sandali kaming nagintay sa mga sasabihin  niya.Unti unti bumuka ang labi niya pero walang lumabas na salita

"Takteng yan"

"Yung totoo Ches,niloloko mo lang ba kàmi"

"Kasi ano..."bumuntong hininga siya "Ito na nga...dahil sa..dahil daw yun sa Love letter na ipinadala ni...."sabay tingin sa akin.Nagtataka ko namang sinalubong ang titig niya "RJ"

"WHAT!"pati ako ay napasigaw na rin dahil sa pagkabigla

Inaantay kong bawiin ni Ches ang sinabi niya pero wala na siyang sinabi pa.Gulat na gulat ang buong mukha ko.Ano itong kalokohang nangyayari na to?

A/N:

Totoo kaya iyun? Abangan ang susunod na mangyayari.

Don't forget to vote and Comment heart heart

Your dearest Author
                           — YOOMI_KIM.                                   

Love LettersWhere stories live. Discover now