Ang VishKat Couple ang pinakasikat na Couple dito sa school bukod sa perfect pair na sila ay talaga namang sinasamaba sila ng halos lahat ng mga estudyante dito.Paanong ako ang naging dahilan ng pagbebreak nila? Paanong ako?? Samantalang di naman ako gumawa ng kahit na ano
"Ang dami mo ng basher,bhi"sabi ni Ches habang nakatingin sa cellphone niya marahil ay binabasa niya ang mga pangbabash sa akin.Vacant hours namin ngayon at narito kami sa rooftop ng building namin para makaiwas sa mga tao
"Alangan naman fans,eh halos samabahin na yung dalawang magjowa na yun dito.Akala mo mga anak ng mga diyos"pilosopo ni Lisa
"Wala kang naitutulong,liit.Ako lang ang anak ng diyos dito dahil sa kagandahang taglay ko bwahaha!"pagbabara ni Alice
"Tss,ilusyunada.Bakit ikaw may naitutulong ka?Wala naman din eh."
"Nag-iisip ang maganda at matalino kong utak noh"
"Baka nga"
"Tumahimik na nga kayo.Pareho kayong di nakakatulong"saway ni Ches sa dalawa
"Paano sila nakakasigurong ako nga iyun??Hindi ko gagawin yun no.Ano ako nasisiraan ng bait?Paniguradong pakana to ng mga may ayaw sa kanilang dalawa pero bakit ako pa ang ginamit nila?Bakit sa dinami dami ng pangalan ako pa ang naisip nila.Hindi ba nila alam na ginagawa nilang komplilado ang simple kong buhay.Nagpapaka low profile na nga ako pàra hindi mapansin eh.Ano to?Haiyst!"naguguluhang tanong ko "Gulong gulo na yung utak ko.Hindi ko na alàm kung anong gagawin ko? Bakit ba saàkin to nangyayari?"nakagat ko ang ibaba kong labi sa sobrang frustration na nararamdaman ko
Lumapit sila saakin sàka binigyan ako ng ng yakàp
"Wag kang magalala.Tutulungan ka namin.Naniniwala kami sa iyo na hindi mo iyun gagawin dahil hindi mo iyun gawain"
"Tama,saka alam naming hindi ka gagawa ng ikasisira ng iba"
"At alam namin na nakalaan na ang puso mo para sa isang tao kung kayat hindi mo yun magagawa para magpapansin pa"
"Alam niyo iyun pero alam ba ng iba?"
•••••••
"Siya yun diba,yung malanding nagpadala ng letter"
"Oo,siya nga yun"
"Malandi"
"Deperada"
Susugurin na sana ni Alice yung mga dumadaan pero pinipigilan lang siya ni Lisa at Ches
"Hindi malandi at desperada ang kaibigan namin.Wala kayong alam!"hindi mapigilan ni Alice na mapasigaw
"Tama na yan,Alice.Tara na sa Library"awat ni Lisa
"Mabuti pa nga kaya tara na"
Hindi kami or should I say hindi ako tinatantanan ng mga batalyon ng mgà estudyante.
•••••
YOU ARE READING
Love Letters
De TodoPaano kung dahil sa Love letter (na di mo naman ginawa) ay makilala mo ang bubwiset sa buhay mo? Anong gagawin mo?? Hahayaan mo na lang bang pagbingtangan ka?? O Lalaban ka na? Ako si RJ at wala akong inuurungan na kahit na sino.