Billionare's Wanted Wife

20K 331 5
                                    

PROLOGUE:

"Ahhh..,Isang malakas na sigaw na lang ang namutawi kay kylie ng maramdaman ang marahas na pag bundol ng isang magarang sasakyan sa hulihan ng minamaneho niyang bike dahilan para matumba siya at tumilapon ang dapat sana ay paninda niyang mga isda na nakalagay sa isang batya na nasa likod ng bike niya.

     "Ang tilapya ko." kanda iyak ni Kylie habang isa-isang dinadampot ang panindang nag kalat sa daan hindi pa man na tatapos sa pag dampot sa mga paninda galit na kinatok niya ang bintana ng may ari ng magarang sasakyan na nakabundol sa kanya.

     "Hoy! bumaba ka diyan." Galit na katok niya sa bintana ng sasakyan pero nakakailang katok na siya hindi parin bumababa ang nasa luob nito.

     "Bumaba ka diyang mayabang ka walang hiya ka." Patuloy sa pag katok si kylie.

   "Ano? bang problema mo," Inis na tanong ni Daniel ng makababa sa kanyang sasakyan at hinarap ang babaeng kanina pa kumakatok sa bintana ng kanyang sasakyan na halos basagin na sa lakas ng pag katok dito.

     "What?" ako pa ang may problema pag katapos mong bundulin ang bike ko  tapos sasabihin mo anong problema ko ok ka lang?" histerikal na sigaw niya sa lalaki na tila walang pakiaalam na nabunggo siya nito.

     "Anong? sinasabi mong binundol kita eh! ikaw yung biglang huminto ikaw ang may kasalanan hindi ako,"

    "Anong ako? ako pa ang may kasalanan ako na nga yung binunggo mo ako pa ang may kasalanan adik kaba?" hindi mapigilang kumento ni Kylie sa lalaking antipatikong nasa harap niya ngayon 

       "So anu?" ang gusto mong gawin ko?" Naiiritang tanong ni Daniel para hindi na lumaki pa ang usapan.

     "Bayaran mo ang mga tilapya ko." sigaw niya dito.

    "Ano?" eh! ang papangit naman na ng tilapya mo parang hampok na."  Ng aasar na pinag mamasdan nito ang iba pang mga tilapya na nakakalat sa daan.

    "Hoy! ang kapal lang huh! fresh na fresh ang isda ko huwag ka ng marami pang sinasabi bayaran mo na ako." irap niya sa lalaki habang nakalahad ang kamay.

     "Mag kano ba yan?" Sarkastikong tanong ni Daniel.

      "Five thousand." mabilis na sagot ni kylie.

     "What?" Five thousand kinukutungan mo ba ako?" Galit na tanong ni Daniel sa dalaga dahil sa tingin niya hindi five thousand ang halaga ng mga paninda nito at malamang gusto lamang siyang kutungan nito.

     "Ano?" hindi ah." Hindi makatinging sagot niya sa lalaki na matamang nakatitig sa kanya na tila hinuhubaran siya ng mga tingin nito.

"Iiling-iling namang dinukot ni Daniel ang wallet sa bulsa habang palihim na sinusulyapan ang dalaga na kanda haba ang liig kakadungaw sa wallet niya. Mmmm maganda sana mukha nga lang pera." iiling-iling na bulong niya habang kumukuha ng limang libong papel sa kanyang wallet at mabilis na iniabot dito.

"Here!" wika niya habang iniaabot ang limang libo sa dalaga na mabilis pa sa alas kwatrong kinuha ang pera sa kamay niya.

    "Mag babayad ka naman pala ang dami mo pang sinasabi salamat." At walang likod na tinalikuran na siya nito at isa-isang dinampot ang mga isdang nag kalat sa kalsada iiling-iling lang na nasundan na lang ng tingin ni Daniel ito maya-maya lang ay napagpasyahan na niyang pumasok ng sasakyan at lisanin ang lugar na iyon.

      "Nay---" Nandito na po ako." tawag ni Kylie sa ina pag uwi niya ng hapong yun habang masaya niyang inilapag ang pinamili sa naruong lamesa hapon na siyang nakauwi dahil ibinenta pa niya ang mga paninda na pwedi pang pakinabangan maaga siyang nakauwi ngayon kumpara sa alas singko niyang uwi kadalasan pag matumal pa ang bintahan alas sais na siyang nakakauwi.

    "O!  anak ang aga mo naman ubos na ba ang mga paninda mo?" bungad na tanong ng kanyang ina mula sa pintuan ng kanilang maliit na kwarto.

      "Opo...Nay maagang naubos kaya maaga akung nakauwi." Masayang pag babalita niya sa ina ngunit inilihim na lamang niya ang nangyaring pagbundol sa kanyang bike ng aroganteng lalaki kanina dahil ayaw na niyang mag alala pa ang ina, dalawa na lang sila sa buhay maagang nawala ang kanyang ama kaya ang kanyang ina na lang ang mag isang bumuhay sa kanya pag titinda ng isda sa palengke ang ikinabubuhay nila napilitan siyang tulungan na lang ang ina sa pag hahanap buhay ng makatapos siya ng high school dahil narin sa mahina ng pangangatawan nito simula ng mag kasakit ang kanyang ina siya na ang bumubuhay sa kanilang dalawa siya na ang pumalit dito sa pag titinda ng isda sa palengke hindi na niya pinayagan pa itong mag trabaho dahil lalo lamang lumalala ang sakit nito sa puso.

       "Kain na po tayo nay bumili po ako ng ulam kay aling Dora pag saluhan na lang po natin ito." anyaya niya sa ina habang inilalagay sa platito ang ulam na nabili.

      "Mabuti pa nga anak at kanina pa akung nagugutom." wika nito habang marahang hinahaplos ang tiyan at  naupo sa bangko na gawa sa kahoy.

      "Pasensiya na po kayo nay hayaan niyo mamimili ako bukas para pag umaalis ako hindi kayo nagugutom." Naaawa siya sa ina dahil ang laki ng ipinayat nito mula ng magkasakit ito matapos siyang kumuha ng kanin agad niyang idinulog ito sa hapag para makakain na ang ina pag katapos nilang kumain maaga na siyang nag pahinga dahil kailangan na naman niyang magtinda ng maaga para maaga siyang makaubos ng paninda.

"Hey! insan bakit ang aga-aga nakasimangot ka?" tanong ni Daniel sa pinsan niya ng madatnang malalim ang iniisip at problemadong-problemado ito isang malalim na buntong hininga nito ang narinig niya bago nag salita ito. 

Note:

.........................................................

YOU CAN LEAVE YOUR VOTE AND COMMENT AND ALSO YOU CAN ADD THIS STORY TO YOUR READING LIST THANKZ GUZZZ..

August 1, 2014

Friday, 9.48 PM

Billionare's Wanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon