Chapter 2

7.9K 273 1
                                    

     "Kylie..." tawag sa kanya ng kaibigang si Andrea ng hapong iyun kasalukuyang nag hahanda siya para umuwi dahil sa maagang naubos ang kanyang paninda.

    "Andrea ikaw pala." nakangiting wika niya dito.

    "Ang galing mo talaga ang aga mong nakaubos ng paninda." pumapalatak na papuri nito.

   "Sinuwerte lang." 

   "Uuwi ka na ba?" tanong nito na tumutulong narin sa pag liligpit niya ng gamit.

   "Oo Andrea pero mamimili muna ako bago ako umuwi naaawa na kasi ako kay nanay ayukong nagugutom siya gusto kung may pag kain lang sa bahay pag umaalis ako para hindi siya nagugutom." Mahabang paliwanag niya dito na inilalagay na ang mga gamit sa bike niya na siyang ginagamit niya papunta sa palengke ganoon narin sa pag uwi.

       "Ganoon ba sige mag iingat ka." wika nito na bumalik narin sa pwesto habang nag simula na siyang mag tipa ng kanyang bike patungo sa grocery  matapos makapamili agad niyang inilagay ang pinamili sa batya na nasalikod ng kanyang bike at nag simula na namang mag tipa nito dahil may kalayuan pa ang kanyang uuwian.

"Nag aagaw na ang dilim at ang liwanag ng makarating siya sa kanilang bahay nadatnan naman niyang tapos ng mag luto ang kanyang ina at kasalukuyang nag hahanda ng niluto nito.

        "Nandito na po ako Nay." bungad niya sa ina na agad kinuha ang kamay nito para mag mano.

        "Tamang tama ang dating mo anak tapos na akung mag luto alam kung gutom kana hala at kumain na tayo." Anyaya ng kanyang ina na nag patiuna ng maupo sa hapag.

       "Wow Nay adobo mukhang masarap itong niluto niyo ah! siguradong marami na naman ang makakain ko nito." wika niya na agad kumuha ng plato at nilagyan ng kanin habang masaya namang pinag mamasdan siya ng kanyang ina na maganang kumain.

           "Yan talaga ang niluto ko para sayo kasi alam kung paborito mo yan at alam kung marami kang kakainin.

          "Salamat nay." wika niya sa pagitan ng pag nguya at bahagyang nginitian ang ina.

"Pag katapos nilang kumain siya na ang nag hugas ng pinag kainan nilang mag ina maaga na niyang pinag pahinga ito dahil alam niyang pagod din ito sa bahay pag katapos mag hugas ng pinag kainan nag pahinga narin siya dahil kailangan niyang dumaan sa bahay ng kanyang tito dahil kailangan niyang bayaran ang na utang niya dito nitong mga nakaraang araw.

"Maaga pa ng magising siya kinabukasan maaga siyang umalis para pumunta sa bahay ng tiyuhin nag lakad na lang siya dahil hindi naman kalayuan ang bahay nito sa kanila ilang minuto din ng marating niya ang bahay ng tiyuhin.

         "Tito..." tawag niya dito ng madatnan niyang nag papakain ito ng mga hayop sa likod bahay.

         "Kylie napadaan ka?" wika nito ng lingunin siya.

     "Opo.." babayaran ko lang yung perang inutang ko pasensiya kana tito ngayon ko lang nabayaran ngayon lang kasi kame nakaluwag-luwag eh." pag papaliwanag niya sa tiyuhin.

         "Ano kaba? Hija Okay lang yun sabi ko nga sayo huwag mo ng bayaran diba?"

         "Tito hindi po pwedi alam ko kung gaano kahirap kumita ng pera kaya tanggapin mo na ito." wika niya sabay abot sa dalawang libong peso sa tiyuhin na agad namang tinanggap nito dahil alam nito na ipag-pipilitan na naman niya na tanggapin  nito.

Billionare's Wanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon