Chapter 6

1.1K 43 11
                                    

Pag daan ng ilang minuto ngayon ay nasa labas na sila ng isang mamahaling restaurant pakiramdam ni Kylie para siyang nanlalamig sa hindi maipaliwanag na dahilan unang bumaba ang binata sa sasakyan at pinag bukasiya ng pinto ng sasakyan.

"Let's go.' Anyaya nito at agad siyang inalalayan ilang sandali pa at nakapasok na sila sa mamahaling restaurant hawak parin ng binata ang kanyang kamay at dahil dito nakaramdam siya ng hiya dahil halos lahat ng babae na dinadaanan nila nakatingin sa kanilang dalawa na para bang inggit na inggit ang mga ito sa kanya sino nga naman ang hindi makakaramdam ng inggit kung ganito nga naman ka gwapo ang kasama mo tiyak na maraming maiinggit sayo maya-maya narating nila ang sulok ng restaurant na may pailan-ilang tao. 

" Sorry i'm late." Marahang wika ni Daniel ng makita ang isang lalake na marahil ang sinasabing pinsan nito. "Okay, lang have a seat." Wika ng lalaking nakaupo at agad naman inalalayan ni Daniel si Kylie na maka upo pero agad itong nag seryoso ng tumingin sa gawi niya.

 "Who is she?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang babaeng kasama ni Daniel. 

" Ahmm... ahh si Kylie nga pala ihahatid ko na sana siya sa kanila nung tumawag ka pero dumiretso na lang kame dito kasi malapit lang naman kame dito sa restaurant." Mahabang paliwanag ng pinsan niya.

 "Daniel alam mo namang walang dapat makaalam sa pag uusapan natin diba?" Inis na litanya nito habang nakatingin sa labas ng restaurant at sa tinatakbo ng usapan nakakaramdam ng hiya si Kylie dahil mukhang naiinis ang lalake dahil naruon siya.

 "Ahm...Okay, lang Daniel siguro hintayin na lang kita sa labas. "Hindi mapigilang singit ni Kylie sa usapan ng dalawang lalake. 

"Pero baka mainip ka." Nag aalala si Daniel sa sinabi niya. 

"Hindi dun lang ako sa upuang iyon. "Turo niya sa upuan sa labas ng restaurant.

 "Ahh..Sigurado ka?" Naninigurong tanong nito. "Oo." Sagot niya na iniwanan ng isang matamis na ngiti ang lalake habang  hindi nakaligtas ang ngiti ng babae kay Gabriel na nuoy nag mamasid sa pag uusap ng dalawang kaharap agad namang tumayo si Kylie at agad na lumabas ng restaurant.

 "Ang pogi sana ang sungit nga lang boset buti pa si Daniel napaka bait." Bubulong Bulong si Kylie habang nakaupo sa upuang bato na yari sa semento na nasa ilalim ng malaking punong kahoy hindi niya mapigilan ang sarili dahil sa inasal ng pinsan ni Daniel.

 "Sino siya Girlfriend mo?"  Hindi mapigilang tanong ni Gabriel sa pinsan ng makaalis na ang babae. "Hindi ah..kaibigan ko siya" Sagot ni daniel na bahagya pang lumingon sa labas ng restaurant kung saan nakaupo ang dalaga.

 "Don't give me that alam kung higit sa kaibigan ang tingin mo sa kanya." Ngiting wika ni Gabriel kahit na may kung anung kirot ang naramdaman niya sa isiping meron nga itong gusto sa babaehindi niya maintindihan ang sarili pero gusto niya ang mukha ng babaeng kasama nito maamo ang mukha na kung ilalarawan niya ay mukha itong anghel na may malambing na boses higit sa lahat ang labi nitong malarosas ang kulay napapakunot si Gabriel sa isiping iyon .

 "So anung importanteng pag uusapan natin?" Tanong ni Daniel ng biglang natahimik ang kausap. 

"Ah..I'm sorry may iniisip lang ako. Paghinging paumanhin ni Gabriel sa kausap. "Nakipag kita ako sayo dahil kailangan ko ang tulong mo tinawagan ako ni mama kanina kinausap nila ako ni Dad  tungkol sa kasal at sa last will ni lolo." 

Kuyom ang kamaong paliwanag niya sa pinsan hanggang ngayon hindi niya matanggap ang nakasaad sa last will ng kanyang lolo sa dinami dami ng pweding ipagawa nito sa kanya ang pag papakasal pa ang napili nito at tuwing iisipin niya ito hindi niya maiwasang magalit sa yumaong matanda. 

"So anung plano mo?" Tanong ni Daniel na hindi maiwasang maawa sa pinsan alam niyang ayaw nito ng dinidiktahan lalo na sa buhay at mga bagay na gusto nitong gawin lumaki silang dalawa na mag kasama tinalo pa nila ang mag kapatid dahil sa sobrang close nila sa isat-isa 

Lagi itong tumatakbo sa kanya pag may problema ito sa kompanya man o sa ibang bagay at ganuon din naman siya dito tuwing siya ay may problema gusto man niyang tulungan ito ngunit hindi niya alam kung sa papaanong paraan. "I think kailangan ko ng babaeng mag papanggat na Girlfriend ko mag babayad ako kahit gaano kalaki. Wika nito na desperado na ang tuno ng boses.

"P-Pero Alam mong hindi papayag si uncle sa plano mo." Pag tutol ni Daniel sa Desperadong pinsan. "Pero ito lang ang alam kung paraan look i don't have choices kailangan may maiharap ako kila dad as soon as posible at hindi ko na alam ang isasagot ko pag kinulit na naman nila ako tungkol sa kasal na ipangako ko din sa kanila na ipapakilala ko sa kanila ang babaeng pakakasalan ko.

" Ng hihinang paliwanag ni Gabriel sa puntong iyon hindi niya na alam ang gagawin o dapat gawin ayaw man niyang mag sinungaling sa mga magulang pero ito lang ang naiisip niyang paraan para makuha niya ang kanyang mana.


You Can Leave Your Vote And Comment And Also You Can Add This Story To Your Reading List Thankzzzzz.

December 31, 2018

Monday, 5:40 PM


Billionare's Wanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon