OPEN 5: Sabit

118 5 1
                                    



Don't be Angry with people who don't have the capacity to change~~





OPEN 5: SABIT


May's POV


Pumunta kami sa lamay ni Lea. Kasama ko sina Chen at Airry. Hindi ko maiwasang makaramdama ng galit sa kung sino mang hayop na yun ang pumatay sa kaibigan namin. Sobrang bait niyang tao tapos ganoon lang kahihinatnan niya? Mga walang kaluluwa!


Habang papasok kaming tatlo sa pintuan ay bumungad kaagad sa'kin ang malaking picture frame ni Lea. Todo-ngiti siya sa litrato niya pero nagtaka ako nang mapatingin ako sa kabaong niya dahil nakasarado. Nakatayo sina Tita Paula at Leo sa gilid habang may kausap silang taong nakikiramay.


Napatingin ako sa mga umuupo sa left side. Magkakatabi sa pinakaharap sina Beam na kinocomfort ang umiiyak na si Timmy. Si Rissy na katabi si Heza. Nasa likod naman nila sina Chab na nakasandal sa kanya si Honey. Hinihimas niya ang braso ng kaibigan namin to comfort her at si Lin na nakatingin sa kabaong ni Lea habang umiiyak.


Tumabi ako kay Lin. Napatingin siya sa'king. Namumugto na ang mga mata niya sa kakaiyak. Nang pinunasan ko ang luha niya'y niyakap niya ko kaagad.


"Ateee ...". Pinapatahan ko siya pero mas lalo lang siyang humikbi. Nilingon ko sina Airry at Chen. Tumayo sila kaagad at pumunta kina tita at Leo. "...h-hindi k-ko s-siya n-naligtas"


Napatingin ako kay Heza nang lumingon siya sa amin. Hinimas niya ang likod ni Lin sabay sabing, "Mabibigyan din ng katarungan ang pagkamatay ni Ate Lea ...". Nagsalubong ang kilay ko nang tumingin siya kina Honey at Chab. "...hindi ba't iniimbestigahan na Ate Honey?". Ahh kaya pala.


Umupo ng maayos si Honey. Nagpunas siya ng luha. "Oo at sana mag-ingat ang mga pulis sa pag-iimbestiga". Hindi ba dapat maingat hindi mag-ingat? Hay naku. Wrong choice word ka bhe.


Napatingin ako sa kabaong ni Lea nang binuksan ng mama niya at, "Sandali lang Lin ha? I want to see Lea. Honey paki-comfort sa kanya". Pagkatayo ko ay inayos ko kaagad ang damit ko. Napatakip ako nang bibig ng makita ko ang kaibigan kong kinawawa. Sobrang halata sa mukha niya na hindi maganda ang sinapit niya sa kung sino man ang murderer na yun.


Napalingon ako nang may naglalakad sa kinaruruonan namin na mga pulis. May hawak silang isang bagay na tinatakpan ng tela.


"Misis? ...". Tawag ng pulis kay Tita Paula. Napansin kong dumadami na ang mga tao sa loob. Imbis na makiramay ng iba ay nagawa pang magbulungan o 'di kaya makiusyuso. Mga tao nga naman. "...nakita po namin 'to sa bodega niyo"


Kumabog ang dibdib ko pagkabukas ng pulis dahil puno ng natutuyong dugo ang paddle.


"Alam ko ang klase ng paddle na 'yan ...". Napatingin ako kay Leo. "...ginagamit 'yan ng mga fraternity"


OPEN FORUM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon