OPEN 14: The Boat is Sinking

134 5 8
                                    

Si mabait

Si masiyahin ...

Si mataray ...

at si bastos ....

OPEN 14: THE BOAT IS SINKING

OPEN 14: THE BOAT IS SINKING

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



----


Lea's POV


Idinilat ko ang mga mata ko sa matinding pagkakatulog. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagkakapalo at pagkakasaksak sa tuwing gigising ako na hindi na gumagana ang tetrodotoxin sa katawan ko.


Nang maramdaman kong hindi na ako makahinga ay kinuha ko ang remote para signalan sina Noel. Rinig ko sa itaas na naghuhukay na sila. Hindi nga ako nagkakamali dahil nagsisipatakan na ang mga lupa sa kabaong ko.


Ilang minuto ang hinintay ko bago may bumukas. Tumayo ako kaagad at suminghap ng hangin.


Tumingin ako kay Noel nang sumampa siya sa itaas ng lupa. Inabot niya ang kamay niya sa'kin at tinulungan niya akong maakyat.


Pinagpag ko ang buo kong katawan. Nakadamit pangpatay pa ako, Tangina! "Sabi niya sa'kin pagkatiwalaan kita—Awww". Napainda ako sa sugat ko.


"We're friends since then Lea ...". Pero nagtaka ako sa babaeng nakikita ko sa 'di kalayuan. Kumakaway siya sa'kin hanggang sa tumakbo siya patungo sa amin ngunit hindi ko inasahan na sasampalin niya ako. "...ouch! The face"

OPEN FORUM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon