OPEN 21: Mutual Dream

57 2 8
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


OPEN 21: MUTUAL DREAM


Honey's POV


Pagkalabas namin ni Kier ay mabilis ang lakad namin sa hallway na ang tanging ilaw ay dimlights subalit napahawak ako sa likod ko dahil masakit. Peste! Pinalo ako ni Beam kanina sa entablado at humanda siya sa'kin.


"Anong gagawin natin Eyz? ...". Tanong niya na nagpahinto sa'kin. Hinablot ko sa kanya ang Hunting Knife at itinutok sa pagmumukha niya. "...yung pinsan ko kasi e. Inamin niya pa kina Lewis na siya ang dahilan kung bakit ka nagka-tattoo"


"At sa tingin mo ba, bubuhayin ko si Justin Inocencio?". At nagsmirk ako.


Nauna akong naglakad sa kanya at para ko siyang buntot na sunod ng sunod sa'kin. Hinding-hindi siya magiging anino ko dahil alam kong takot siya. Takot siyang mamatay lalo na't takot siya sa'kin.


Nag-stop sign ako nang makita ko sina Leslie at Timmy na naglalakad.


Nilingon ko si Kier at sinenyasan na tumahimik ngunit nagtaka pa.


"May gagawin tayo". Sabi ko.


Timmy's POV


Kanina ko pa pinipigilan si Leslie sa gagawin niya. Inudyukan na talaga siya ng galit niya dahil sa pagkamatay ng kapatid niyang si Luna.


"Hindi sana madadamay ang kapatid ko kung hindi nila sinulsulan". Sabay hinto niya ngunit umalingawngaw ang sigaw ko nang biglang may bumagsak na taong nakasabit sa harapan namin.


Si Lea na maraming pako sa katawan niya.


Nakanganga siya at kitang-kita namin ang tattoo sa balikat niya.


Pumunta ako kaagad sa likod ni Leslie dahil nakakapangilabot ang mukha ng dati kong matalik na kaibigan.


Bahagya niya akong nilingon at, "Akala ko ba, magiging matapang ka?"


"Magiging matapang lang ako sa laro pero sa mga patay, hindi no"


Hinawakan niya ang pulso ko't hinatak ako. "Let's go Good Timmy. Hindi ko inasahan at ni sa panaginip makakasama kita. Sa totoo lang, ikaw dapat ang unang mamatay sa barkada pero sadyang matindi ang kapit ng swerte sa'yo"

OPEN FORUM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon