OPEN 11: Fall Down

137 3 10
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



OPEN 11: FALL DOWN


Lin's POV


Pagkaupo ko ay inilapag ko ang aking bag sa damo. Napatingin ako kay Heza na katabi ko sa left side. Nakahiga siya sa kanyang bag habang kumukuha siya ng litratong mahahagip ng dslr niya. Sa kada tapos niyang i-click ay tinitignan niya ang litrato.


"Patingin ...". Sabi ko at ipinakita niya sa'kin. May future siyang maging photographer at tsaka mahilig siya sa gadgets. Kaya siguro computer science ang kursong kinuha niya. "...maganda". At ningitian niya lang ako. Kumuha siya ulet ng litrato.


Nang tumingin sa kanya si Rissy ay, "Smile loves ...". Nagulat ako nang humarap si Heza sa'kin habang nakatapik ang dslr niya sa kanyang mata. "...ikaw din Ate Lin. Ismaaaaayl". Pero nag-wacky ako.


Mabilis na tumayo si Heza at nagpagpag ng pants niya. Pumunta siya sa harap nina Beam at Honey na katabi ko sa right side. 


Iniluhod ni Heza ang isa niyang binti at, "Stolen ate at kuya ... Okay na. Oh! ...". Medyo gumapang siya papunta sa dalawa at natawa na lamang ako sa kanya. Yan ang totoong tao. Walang arte sa katawan. "...maganda? ...". Tinitignan na pala nina Beam at Honey ang kuha niyang litrato. "...isa pa ba?"


"Maganda ...". Sabay na ibinalik ni Beam ang dslr sa kanya. Kumunot ang kilay niya dahil parang walang kalutay-lutay ang sagot ng lalaki. "...at isa pa". Napangiti siya at tsaka niya inuluhod muli ang isa niyang binti.


"Helly! ...". Si Ate Chen na tinawag siya. Katabi niya si Ate May at ang katabi naman ni Ate May ay si Rissy. "...picturan mo naman kami ni Mayas. Para mawala na rin 'tong pakiramdam niyang hindi maganda"


"Sana nagpaiwan ka na lang sa van kanina Ate May". Sabat ni Timmy na katabi ni Ate Chen. Nakaupo siya't nakatalikod kay Chab. Nakahiga siya sa dibdib ng boyfriend niya na medyo nakadausdos.


"Oo nga naman ...". Pagsang-ayon ni Leslie na nakatalikod mula sa barkada. Nakatayo sa gilid nina Chab habang nagseselfie. Pagkalingon niya sa amin ay kinuha niya ang shades niya. Ibinalik niya at tsaka ngumisi. "...you should rest Ate May. I thought you're strong"


Napaakap si Ate May ng mga tuhod niya at napansin kong kinuyom niya ang kamao niya. Nawala na lang ang paningin ko sa kanya nang tumayo si Heza.

OPEN FORUM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon