Prologue

2.7K 102 3
                                    

(COMPLETED ON DREAME)
A/N : CallmeAngge

Abala si Hermes sa pagsasalansan ng mga kahoy na gagamitin bilang pangluto nila. Namuhay sila ng simple ng kanyang mag-iina na si Rebeka at ang kanyang tatlong kambal pagkatapos sila paalisin sa womanland ng Reyna ng malaman nito na lalaki ang naging anak nila ni Rebeka na hindi pinahihintulutan sa teretoryo ng Reyna.

Gayunpaman,hinayaan sila ng Reyna na mamuhay malayo sa womanland hanggang sa sumulpot si Prinsesa Roisa na siya alam niyang may kinalaman sa pagkadiskubre ng kanilang lihim.

"Magandang gabi,mahal kong Hermes," pagsulpot ni Prinsesa Roisa ng gabing iyun. Nasa likod-bahay lamang siya at kasulukuyan namamahinga na ang kanyang mag-iina.

Agad na naikuyom niya ang mga palad. Mapang-akit na lumapit ito sa kanya at yumapos sa kanyang leeg.

"Labis ko ng pinangungulilaan na makapiling ka,Hermes," anito sa mapang-akit na boses.

Napatiim-bagang siya at matigas ang anyo na inalis niya ang mga braso nito sa leegan niya.

"Isa kang traydor,Prinsesa Roisa," mariin niyang saad rito.

"Hayaan mo na kami,nangyari na ang gusto mong mangyari ang palayasin ang sarili mong kapatid sa palasyo niyo," matigas niyang saad.

Nawala ang pagiging maamo nitong anyo at napalitan iyun ng bagsik at poot.

"Hindi ako makakapayag na maging masaya kayo ni Rebeka habang ako nagdurusa dahil mas pinili mo siya kaysa sakin!" asik nito sa kanya ng puno ng galit.

HALPERT TRILOGY : AQUILL HALPERT by CallmeAngge(INCompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon