Hindi na maalis-alis sa mga labi ni Sabina ang ngiti pagkalabas niya sa opisina ng Sir Aquill niya.
Paulit-ulit na nagrireplay sa utak niya ang sinabi nito sa kanya kanina.
"That's why I like you,Sabina..palagi mo pinapagaan ang loob ko,I'm so lucky to having you here...with me,"
Lalo nagpapangiti sa kanya ang unang salita sa mga sinabi nito..na gusto siya ng boss niya.
Oo nga kaso nga lang hanggang empleyado lang ang turing niya sayo..sikmat ng kontrabida niyang isip.
Nakagat niya ang pang-ibaba labi niya. Oo nga naman. Empleyado lang siya nito at posible na magustuhan siya ng Sir Aquill niya na higit pa roon.
Napabuga siya ng hangin. Natanggap na niya na hindi lang simpleng paghanga lang ang pagtingin na meron siya sa boss niya. Higit pa dun.
She's already fell in love with him...
Napahawak siya sa kanyang ulo.
Sabina! Ano ba ito?! Tama bang mainlove ka sa boss mo?!
Hindi tama yun! Ugh!
"What's wrong? Masakit ba ulo mo?"
Agad na sumikdo ang puso niya ng marinig ang boses ng Sir Aquill niya.
Nag-angat siya ng mukha at nakita niya ang pag-aalala sa madidilim nitong mga mata.
Maitim ang kulay na mga mata ng boss niya pero imbes na maintimidate sya sa kulay niyun namangha siya dahiL sa kabila ng kadiliman niyun nagliliwanag ang mga mata iyun kapag naging playful na ito at ngumiti.
He looks so intimidating and dark pero kabaliktaran iyun sa pinapakita nito sa lahat.
Kaya naman lalo tumindi ang paghanga niya rito hanggang sa mahulog na nga siya rito.
Agad na inalis niya ang pagkakasapo ng mga kamay niya sa ulo niya.
"Ahm,No,Sir..ahm,may bigla kasi ko naalala na nakalimutan kong gawin ," palusot niya rito.
"Are you sure? Kung masama pakiramdam mo,you can go home now and take a rest,alam mong ayaw kong nagkakasakit ka..."matiim nitong saad.
Agad na inawat niya ang sarili na masapo ang dibdib kung saan ubod ng bilis na tumitibok ang puso niya.
Oh Sabina! Nalulunod na siya sa sobrang lalim na nararamdaman niya para sa boss niya!
"I-i'm fine,Sir.." tangi naiusal niya pagkahamig niya sa sarili.
Matiim na pinakatitigan siya ng maiitim nitong mga mata na tila pilit na binabasa ang isip niya kung nagsasabi ba siya ng totoo.
Pasimple siyang humugot ng hininga.
Calm down,heart!
Nginitian niya ito bilang pagkumpirma na ayos lang talaga siya.
"Okay lang talaga ako,Sir Aquill.."
Hindi naglaon nakumbinse na niya ito sa palusot niya.
"Pinag-alala mo ako,sabihin mo agad sakin kapag may masakit sayo,okay?"
Please,Sir Aquill...mababaliw na ko sayo!
Crazily in love with you!
Tumikhim siya bago niya ito tinugon. "Yes,Sir Aquill.."
Ngumiti ito sa kanya na lalo nito kinagwapo.
"Good to hear that," anito.
Kailangan na niya ata magpatingin sa doktor ng mga puso. Aatakehin na ata siya dahil sa gwapong boss niya!
BINABASA MO ANG
HALPERT TRILOGY : AQUILL HALPERT by CallmeAngge(INCompleted)
VampireLove and family