Chapter 1

2.7K 121 5
                                    

Pasimple na sinulyapan ni Aquill Halpert ang sekretarya niyang si Sabina Alenor. Tatlong taon pa lang ito nagtatrabaho sa kanya pero agad nito nakuha ang atensyon niya at dahil hindi sila magkauri at iba siya rito nilihim niya ang tunay na damdamin niya para rito.

Ayaw niya na katakutan siya nito sa oras na malaman nito ang tunay niya pagkatao.

Hindi madali sa kanya na maging bampira tanggap na niya iyun pero minsan naitanong niya sa sarili kung bakit siya naging isang bampira na wala man lang kahit anong ideya kung paano siya napadpad sa lugar na ito hanggang sa isang araw na may sumulpot sa bahay niya at nakilala niya ang kakambal niyang si Aquilles at doon niya naLaman ang lahat. Ang pinagmulan niya..at paano siya napunta sa mundong ito.

Ngayon kailangan nila maghiwalay pasamantala ni Aquilles habang hinahanap nila si Aquer. Yes,triplets sila at iyun ang kinamangha niya. Ang tatlong sanggol na lagi niya napapanaginipan ay walang iba kundi sila magkakambal.

Napabuga siya ng hangin. Nag-iingat na rin siya ngayon na maggala-gala dahil nanganganib na matagpuan siya ng sakim na kapatid ng kanilang ina na si prinsesa Roisa.

"Uh,Sir..?"

Agad siya napukaw ng marinig ang boses ng sekretarya niya. Alanganin ito nakangiti sa kanya habang nakatayo sa harapan ng desk niya.

Agad na umayos siya sa pagkakaupo sa likuran ng desk niya mula sa pagkakasandal niya na tila relax na relax lang.

"Yes,Sabina?" friendly niyang saad rito.

"Ahm,kailangan ng pirma," anito saka nilapag sa harapan niya ang tatlong folder.

"Bukod diyan may dumating na invitation card para sa golden anniversary ni Mr.Asit," inporma nito sa kanya saka nilapag ang kulay gintong parisukat na papel.

Napabuga siya ng hangin. Hindi siya mahilig dumalo sa mga event o party,Oo,mukha lang siya laman ng mga bar o club para makapaggoodtime pero hindi talaga siya mahilig,well,dahiL nga naiiba siya ayaw niya may makaalam o makalapit na kahit sino sa kanya..kahit pa na ang mga babae na ang lumalapit sa kanya nakikipagflirt siya pero kapag nararamdaman na niyang nadadala na ang babae sa kanya agad na iniiwan niya ito sa ere. Alam niya ang rude nun mambitin ka ba naman ng magagandang babae eh,well,that's his way to avoid the consequences..to scared them.

"Kailangan ko bang dumalo?" aniya.

Palagi niya hinihingi ang opinyon nito sa lahat ng tao na gusto niya mapalapit sa kanya in limit ang sekretarya niya iyun. Si Sabina lang ang hinahayaan niyang mapalapit sa kanya.

Nagkibit ito ng balikat. "Mr.Asit is one of your board members,remember?" paalala nito.

Napabuga siya muli ng hininga.

"Yeah,right,ano bang concept? Need ba na may ka-date?" muli niya pagtatanong rito.

"Yes,Sir..since it's about couple married for many years," tugon nito sa kanya.

Napakamot sya sa pagitan ng makakapal niyang kilay.

"You are free,that time?" tukoy niya sa araw na dadaluhan na anibersaryo.

Hindi ito kaagad nakaimik kaya napatitig siya rito.

Matiim siya nakatitig sa maganda nitong mukha. Hugis-puso ang mukha nito,makinis ang maputing balat at sa lahat na nagustuhan niya sa pisikal nitong anyo ay ang mga maliliit na lunal nito sa mukha na tila ba iyun freckles na nakakalat sa maputi nitong balat.

Simple lang din ito mag-ayos at manamit na lalo kinamangha niya sa dalaga.

"Do you want me to come with you,Sir?" maya-maya pukaw nito sa kanya mula sa pagsipat niya sa anyo nito.

Tumikhim siya. "Yeah,if you don't mind," aniya.

"Ahm,kaso,Sir..wala naman ako isusuot para dun," anito at alanganin na natawa sa huling sinabi.

Napangisi siya. "Don't worry about that,let me take care about that," aniya at sumulyap sa suot niyang relo.

"Maaga kang mag-out para makapamili tayo ng susuotin mo,okay?" aniya.

"Hindi naman siguro bawas yun sa sahod ko,right?" nababahala nitong saad.

He chuckled. "I know you,Sabina..alam kong isang malaking pera ang nakikita mo sa kagwapuhan ko," nakangisi niyang saad rito.

Napanguso ito. "No offend,sir.."

Muli siya natawa. "It's free,happy now?"

Napangiti ito na siya lalo kinaganda nito.

"Thank you,Sir!"

Nakangiti na napailing-iling na lang siya.

Masaya siya kapag napapangiti niya ito. Para bang nakakaramdam siya ng init sa kabila ng pagiging malamig ng temperatura ng katawan niya.

Sapat na para maramdaman niya na may damdamin din siya kahit pa na isa siyang bampira.

HALPERT TRILOGY : AQUILL HALPERT by CallmeAngge(INCompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon