Chapter 4

2K 85 0
                                    

Puno ng pagdadalamhati ang isang babae na may mahabang buhok na kasingkulay ng ulap habang buong higpit na yakap nito ang isa sa sanggol.

"Mahal na mahal kita,Aquill,anak ko," lumuluhang saad ng babae. Mariin nito pinatakan ng halik ang nuo ng sanggol at binigay ito sa isang babae na may hawak din isa pang sanggol. Kipkip ang isa sa braso at nakasukbit naman sa likuran nito ang isa pang sanggol na mahimbing na natutulog.

"Iligtas mo sila...sabihin mo kung gaano ko sila kamahal..pati na rin ang kanila ama,"luhaan saad nito.

Nawala sa dilim ang babaeng may hawak ng mga sanggol at nagsimulang umiyak ang isa...

" Sir...Sir Aquill,"

Napasinghap si Aquill at nagising mula sa panaginip na iyun.

Bakas sa magandang mukha ng sekretarya niya ang pag-aalala. Hindi lang ito ang unang beses na ginising siya nito mula sa pananaginip niya kapag nakakatulog siya sa opisina niya.

"I'm sorry..nakatulog pala ako," medyo paos niyang saad.

Mabilis na tinungo ni Sabina ang maliit na kusina sa opisina niya at napangiti siya ng kumuha ito sa mini-ref niya ng isang bote na may kulay pulang likido.

Wala ito kaalam-alam na dugo iyun mula sa hayop at ang pagkakaalam nito strawberry flavor lang iyun since may pag-aari siya ng strawberry farm at iyun ang pinaniwala niya rito.

"Thank you,Sabina.." aniya ng abutin niya rito ang bote at agad na inubos niya iyun.

Masarap talaga ang sariwang dugo mula sa hayop at hindi niya nanaisin na makatikim ng dugo ng tao..hindi niya gagawin yun. Hindi siya papatay ng tao para lang matighaw ang pagkauhaw niya sa dugo.

"Napanaginipan niyo na naman po ba ulit?" marahan nitong usisa sa kanya.

Tumango siya rito. Naikwento niya rito ang tungkol sa panaginip na iyun na paulit-ulit na dumadalaw sa panaginip niya. Kung dati isang malaking katanungan kung bakit siya nanaginip ng ganun pero ngayon nasagot na mula ng matagpuan siya ng isa sa kakambal niya. Si Aquilles. Ang isa sa tatlong sanggol sa panaginip niya.

"Hindi ko pa nasabi sayo,nakita ko na ang isa sa sanggol sa panaginip ko," aniya.

Natigilan ito at kuryusong napatitig sa kanya.

"May katriplets ako," aniya sabay ngisi niya rito.

Unti-unti nanlaki ang magaganda nitong mata.

"Totoo,Sir?" hindi makapaniwala nitong saad.

"Yes,Si Aquilles..nagkita na kami ilang buwan na ang nakakalipas," kwento niya rito.

Napaisip ito. Mataman niya pinagmamasdan ang bawat reaksyon ng maganda nitong mukha.

"Kaya po ba palagi kayo wala dito dahil natagpuan niyo ang isa sa katriplets niyo?" hinuha nito.

"Yes..at nasagot na ang katanungan ko kung bakit palagi ganun ang panaginip ko..nagkahiwalay kami tatlo dahil sa isang mapait na pangyayari," pahapyaw niyang inporma rito.

Tumango ito. "Kung ganun,masaya po ako na natagpuan niyo na ang isa sa kakambal niyo at sana matagpuan niyo na rin ang isa pa,"anito.

" Salamat,Sabina..hayaan mo makikilala mo din sila..makikita mo na ako ang mas gwapo sa kanila,"aniya na sinamahan niya ng pagngisi.

"No comment,Sir..nakakamangha na tatlo ang mukha niyo," anito.

Napakurap-kurap siya at ng matanto na biro yun hindi niya napigilan na mapahalakhak.

"That's why I like you,Sabina..palagi mo pinapagaan ang loob ko,I'm so lucky to having you here...with me," aniya na puno ng sensiridad pagkatapos niya makabawi sa pagtawa.

Napangiti ang dalaga at iwas ang mga mata sa kanya na tila bigla ito naawkward sa mga sinabi niya.

"Ahm,maliit na bagay lang yun,Sir..saka madali kayo pakisamahan,ahm,maswerte din ako na kayo ang naging amo ko,mabait kayo sakin at...hinahayaan niyo ako na minsan na maging bossy sa inyo," anito na may ngiti sa mga labi nito.

He chuckle. Mataman niya ito pinakatitigan.

"Masaya ako na nagkakilala tayo,Sabina.."

At sana hindi lang sa pagiging boss and secretary lang ang maging relasyon nila..gusto niya na humigit pa roon.

He's hoping that..pero alam niyang mahirap yun sa sitwasyon niya..sa tunay niyang pagkatao.

HALPERT TRILOGY : AQUILL HALPERT by CallmeAngge(INCompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon