Tairen's POV
"Tairen, Welcome to Warriors Survival Clash."
Andito na ako sa loob ng WSC. Well ok naman sya. Nakatayo ako ngayon sa sentro ng tinatawag na Shinura Realm.
Para syang kastilyo na gawa sa diamante. Matataas din ang mga pader nito. Marami ring pamilihan sa paligid. Well baguhan palang naman ako dito kaya gagala muna ako.
"Lahat ng gusto agad makipag bakbakan sa isang misyon pumunta na sa 3 letira. Inuulit, lahat ng gusto agad makipag bakbakan sa isang misyon pumunta na sa 3 letira." anunsyo dito sa Shinura Realm.
Pumunta naman ako doon sa 3 letira. Pag dating ko doon naupo ako sa gilid. Para syang malaking stadium na pabilog.
"Magandang araw sa inyo warriors!!! Ako si General Saturo, ako ang magiging pinuno nyo dito sa misyon na toh." sabi nung lalaki na nasa gitna na may pang mandirigmang kasuotan.
"Para sa mga baguhan, ituturo ko sa inyo kung paano mag laro ng WSC. Ang WSC ay nahahati sa 4 na realms. Ang Shinto Realm sa timog. Ang Shintaru Realm sa silangan. Ang Shinhen Realm sa kanluran. At ang Shinura Realm dito sa hilaga."
"Pag kumuha naman ng misyon pumunta kayo sa isa sa mga letira ng kahit anong realm. Sa isang realm ay may 10 letira. Sa bawat letira ay may general na magiging pinuno nyo sa misyon."
"Kailangan nyo rin bumili ng armas para sa pakikipaglaban. At kailangan nyo rin bumili ng damit. Kada matatapos nyong misyon ay may perang dadagdag sayo. Tataas di ang level nyo."
"Kada misyon ay may tatapusin kayong boss. Pag namatay kayo sa game....bawal na kayong mag laro ng WSC gamit iyang mga account nyo."
"Dito sa WSC may itinuturing tayong hari at reyna. Si haring Shinske ay ang gumawa ng WSC online game. Ang asawa naman nito ay si reyna Yawmi. Ang kaisa isang anak naman nila ay ang prinsipe ng WSC, at yun ay si prinsipe Yauto."
"Matatagpuan ang kinaroroonan ng hari at reyna sa gitna ng WSC World. At tinatawag namin tong Shento Kingdom."
"Oo nga pala, sa mga baguhan, humanap na kayo ng partner. Siya ang iyong magkakasama ano mang oras dito sa WSC. Mapapalitan mo lang sya bilang partner mo pag sya ay namatay na." mahabang mahabang paliwanag ni general Saturo.
"Ngayon, pag usapan na natin ang misyon....."

BINABASA MO ANG
Warriors Survival Clash
Fantasía"Online Games" maraming tao na ang adik sa ganyan. Madalas sa online games ay pataya, barilan o labanan. Paano kung may naimbentong online game na babago sa buhay mo??? Yung tipong, ayaw mo nang bumalik sa totoong mundo at doon ka na lang mamuhay...