#WSC-2*(my partner)

2 0 1
                                    

Tairen's POV

Hay sawakas!!! Yung misyon na yung topic.

"Pupunta tayo sa timog para matagpuan ang Palco Cave. Sa loob na Palco Cave andoon ang Palciño ang boss ng blue fire. Isa syang malaking halimaw na kulay asul na may dalawang ulo. Ang kay langan lang nating gawin ay patayin ang Palciño." paliwanag ni general Saturo.

"Bibigyan ko lang kayo ng 2 oras para mag handa bago umalis para sa misyon. Sa mga baguhan, bumili na kayo ng gamit at sandata. Mag hanap na rin kayo ng partner. Mamaya na lang utit warriors!!!"
dagdag pa ni general Saturo sabay alis.

Umalis na ring kaming mga gamers. Mamaya ko na proproblemahin yung magiging partner ko. Kailangan ko muna ng gamit at armas.

Tignan ko nga kung ilan ang pera ko. Well meroon lang akong 120 tilko. Tilko ang tawag sa pera dito sa WSC.

Pumunta ako sa bilihan ng armas.

"Hi isang gamer!!! Ako si Miri. Ako ang nag bebenta ng mga sandata dito sa bilihan na toh. Anong hanap mo?" bungad saakin ng isang babae na maikli ang buhok.

"Kailangan ko ng isang ispada. Yung matalim pero medyo magaan. Gusto ko rin ay kulay itim."

"Ganoon ba? Meroon ako nyan. Saglit lang." sabi nya sabay pasok sa isang maliit na kuwarto.

Habang naghihintay ako may biglang pumasok na babae na naka maskara. Bibili rin ata toh.

"Kuyang gamer eto na po yung ispada. Ay!!! Satzuki!!!" sabi ni Miri doon sa babaeng naka maskara.

"Miri nasaan na yung pinapagawa kong armas???"

"Ay eto." may inilabas si Miri na isang puting ispada at isang puting pana na may maraming arrows.

"Magkano?" tanong nung babaeng naka maskara.

"67 na tilko na lang para sayo." sagot ni Miri. Nag bayad naman yung babae.

"Ikaw naman kuyang gamer. 43 na tilko na lang tong ispada para sayo." baling naman saakin ni Miri. Nag bayad ako at umabot nya saakin yung ispada.

"Baguhan?" tanong saakin nung babaeng naka maskara.

"Oo?"

"May partner na?"

"W-wala pa"

"Gusto mo partner tayo?"

"S-sige."

Isinet namin ang mga account namin as partners.

"Ako si Satzuki isa ring baguhan."

"Ako si Tairen."

"Alam nyo umalis na kayo dito. Nilalanggam na ako dito sa sobrang sweet nyo hihihi." biglang singit ni Miri.

"Whatever Miri." sagot ni Satzuki. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Warriors Survival Clash Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon