🌸 | O35

410 13 0
                                    

Renjun's POV

Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong ko si Haechan na nakaakbay kay Mark hyung at kasama nila si Jeni na nakikitawa sa pang aasar ni Haechan kay Mark hyung.

"Paano ba yan markue parehas na tayong 3 units!! I'll be close to youuuu hehe kilig ka naman." pang aasar ni Haechan.

"Hahaha nalabas na yung wrinkles ni kuya mark!!" natatawang sabi ni Jeni.

Tiinanggal ni mark hyung ang pagkakaakbay ni Haechan sa kanyang balikat at inis na iniwanan ang dalawa.

Nag-apir si Jeni at Haechan habang tawa padin sila nang tawa. Hindi man lang nila ako napansin na dumaan.

Sa first class ko ay nasa harap ko si Hue at Jeno na magka-holding hands habang nagaklase ang aming teacher. Sa gilid ko naman ay si Jeni at Haechan ay humahagikhik. Pagkatingin ko sa labas ay may isang batang babae na humahabol kay Jisung habang may dalang mga libro.

Yumuko ako at hindi namalayang may natulo na palang mga luha galing saaking mga mata. Tinapik ni Jaemin ang akin balikat.

"Bro. Tapos na ang tatlo nating subjects... recess na." sabi ni Nana. Iiwan niya na sana ako ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay. Nagkatitigan kami kaya lumapit saakin si Jaemin.

"Hyung ano ba? Tayo na kasi."

Ano to? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bading na ba ulit ako? Bumuntong hininga na lamang ako at sinantabi ang mga kabaliwang naiisip.

Renjun kay Raejin ka.

Nagulat ako nang bigla akong sampalin ni Jeni habang nagoorder ako ng pagkain sa canteen.

"Oops, mali pala ang nasampal ko!"

Halata namang nagulat din ang ibang studyante doon. Baliw na ba siya??? Paano kung atakihin siya ng fans ko???

"Diba si Jeni Huang iyon?"

"Oo, papansin daw iyon sabi nung kaibigan ko."

"Gumawa daw ng fake account ni Jeni Lee yan para lang mapansin ni Renjun!!"

"Grabe talaga!! Balita ko nabugbog daw si Jeni Lee dahil sa babaeng iyan!!"

"Kawawa naman si Jeni Lee!! Porket parehas silang Jeni!"

"Hanggang ngayon kita ko padin ang pasa ni Jeni Lee eh!"

Hinila ako ni Jaemin palabas ng canteen para sa garden kumain.

"Mahal mo pero di mo masabi... magkaibigan kayo, pero hindi niya alam na may gusto ka sa kanya. Second role forever na ba?"

Natawa na lang ako sa sinabi ni nana. Ako third wheel kay haechan at jeni, siya naman ay kay hue at jeno.

"Hindi ko naman gusto..."

"Alamin mo muna bago ka magsabi ng ganyan Renjun hyung. " sabi ni jaemin habang kumakain ng steak.

"Tss."

"Balang araw mauunahan ka, saka mo lang malalaman kung gusto mo ba talaga." sabi ulit ni nana.

"Salamat."

Iniwan ko na siya sa garden at nagsimula nang mangulit kay Jeni. Buti talaga hindi ko pa nililigawan si Raejin.

❛ ᵒᵒᵖˢ ً ʰ‧ʳʲTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon