🌸 | O52

382 15 0
                                    

Jeni Lee's POV

Nataranta ako dahil sa chat namin kanina ni Renjun. Jeni anuena?? Paano ka na magluluto niyan?? Ayan kasi, napaka pabibo mo talaga jeni!

Nilabas ko ang mga kubyertos at ang mga ingredients na nasa loob ng ref. Anong gagawin ko dito??

Pagkalabas ko ng lahat ng gamit ay biglang mag kumatok saakin pinto. ANUNA??

"Ren-- Kuya? Anong ginagawa mo dito??" lito kong tanong.  Akala ko binisita niya lang ako kahapon eh.

"May nakalap akong impormasyon na magluluto ka daw. Gusto mo bang magkasunog???"  tanong ni kuya Eui.

"Hindi naman kase-- sinong nagsabi sayo??"

"Source. Ano ba ang lulutuin mo?"si kuya eui.

"Hotpot?" hindi ko siguradong sagot.

"Hindi ka na ba nagsasawa sa hotpot?? Tuwing pupunta tayo sa Chinese restaurant iyon ang binibili mo... tapos ngayon lulutuin mo na??" frustrated na tanong niya. Pinang gigigilan niya pa talaga ang hotpot ha?

"Kuya!! Don't judge me! I like hotpot, I love hotpot, I am hotpot!" madrama kong saad.

"Ala basta! Mag search ka na lang ng ibang Chinese Foods!!" reklamo niya.

Psh, di naman para sa kanya ang lulutuin ko. At tsaka paborito kaya ni Renjun ang hotpot.

At dahil mas bata ako ay wala na akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi saakin ni kuya eui.

Kung nandito sila mommy, baka nagalit na iyon saakin dahil ayaw niyang nagluluto ako dahil "baby" niya daw ako.

May walong suggestions si kuya eui at sa walong iyon ay wonton ang napili ko. Maganda kasi iyon dahil may sabaw.

"Wonton lang? Wala ka nang idadagdag?" tanong ni kuya eui.

"Wala na kuya. Turuan mo na lang akong magluto para hindi mo na kailangang pumunta diro kapag may bisita ako." sumang-ayon siya sa sinabi ko at nagsimula nang magluto ng wonton.

Habang nagluluto si kuya ay pinapanood ko lamang siya. No fun! Para din pala siyang si mommy! Akala ko pa naman ay hahayaan niya akong magluto.

Nang matapos siya sa pagluluto ay sinalin niya ito sa isang malaking lalagyan at tinakluban.

"Now. Cook your own." saad niya. Eh??? Di nga?? Eh para saan iyong niluto niya?

Mukhang naintindihan ni kuya eui ang gusto kong iparating kaya nagsalita muli siya.

"Pag nag fail ka, ito na lamang ang ipakain mo sa kanya. Okay?" ani ni kuya. Umupo siya sa sofa at binuhay ang tv.

Ginawa ko ang lahat ng ginawa ni kuya. Minsan, pagtitikman ko ang aking ginagawang wonton ay napapaso ang dila ko o kaya'y nadadali ng braso ko ang lutuan.

Grabe sobrang saya na nakakakaba sa pakiramdam ang magluto.

Pina-tikim ko kay kuya eui ang aking niluto at sinabi niyang mas masarap pa daw ang niluto ko.

Nagluto din ako ng tikoy, just in case kapag gusto niya ng sweets.

Pagkatapos maglinis sa kusina ay umalis na si kuya eui dala dala ang kanyang nilutong wonton.

Hindi pa nagtagal ay dumating na din sa wakas si Renjun. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Paano kung hindi niya magustuhan?

"Hi, welcome. Come in!" maligaya kong bati.

Nginitian niya ako at nagtanggal ng mask at cap. Umupo siya sa upuan sa dining area.

Now, the moment of truth.

❛ ᵒᵒᵖˢ ً ʰ‧ʳʲTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon