"TORPE"

3 1 0
                                    

Oo, ako na yung duwag.
Yung loser na may unrequited love.
Ako yung tanga na umiibig sa taong di kayang mahalin ako ng pabalik.

Oo, ako rin yung palaging nasa tabi mo na di mo naman nakita.
Ako yung tagasuporta mo kahit di mo halata.
Ako yung instant katuwang mo kapag nahihirapan ka.

Oo, ako pa din yung taong nandyan para sayo.
Ako yung nagpapasaya sayo kapag di maganda araw mo.
Yung taong nagmamahal sayo ng husto.
Kaso di mo alam yun kasi nga TORPE AKO!

Oo, ako pa rin yung weak na mahiyain.
Di kasi ako katulad nila na kaya kang hilahin palapit sakin.
Di ko masabi hinaing ng aking damdamin
Dahil isa ako sa mga dakilang martyr ng lahi namin.

Ang tanawin ka lang sa malayo ay sapat na.
Sanay na kong makita kang may kasamang iba.
Di mo man alam na minamahal kita
Basta-ba't hayaan mo lang ako ay okay na.

Ang kilig at ngiti kong di mo nasilayan.
Mga tingin mong di ko nasuklian
Dahil hindi naman ako ang iyong katipan
Ngunit iyon ang masasabi kong aking kasiyahan.

Sa bawat araw na ika'y iniisip ko,
di ko mahanap ang sagot kung bakit sayo ang tama ko.

Bakit ba kasi ako pa ang tinamaan ni kupido?
Bakit sakin pa na sobrang TORPE KO!

Matagal na ang mga dinaramdam ko na to.
Kaso wala na mang patutunguhan to, kasi nga di ko naman masabi-sabi sayo.

Kaya sana sa pamamagitan nito malaman mo na mahal kita.
Hindi naman ako umaasa na ang pag-ibig ko ay suklian mo pa.

Ang gusto ko lang naman ay malaman mo na to.
Sakit kasi sa dibdib eh, sa araw-araw nasasaktan ako.
Ewan kung huli na ba ako o may pag-asa man.
Sana'y malaman ko man lang ang iyong sasabihin kahit na ako'y masaktan.

Pero sana kung maaari ay sabihin mong naging parte ako ng buhay mo.
O kung nagkaroon ba ako ng maliit na puwang diyan sa puso mong bato pagkatapos mong mabasa to.

Hindi man ako ang laman ay sapat na saking sabihin mong "Salamat kaibigan",
Dahil yan ang mga salitang nakagisnan
ng aking mga taenga, isip at puso kong nahihirapan.

Hindi man ako ang mahal mo...
Kahit papaano ay minahal kita kahit TORPE AKO.

____________________
Hope you like it guys...
pls like, share,vote and comment down below... thanks ... 😘😘
lablotss!!!!

Just Random ThoughtsWhere stories live. Discover now