TOLY (RORAJ) 4: PART TWO THROWBACK
Third Person's POV
Masayang nag lalaro ng gaming pc sina Olivia at James. Mag o-over night kasi sila sa bahay nina Maxine.
Ng makaramdam ng gutom si Olivia ay pumunta ito sa kusina. Naabutan niyang kumakain ng chocolates si Maxine.
"Hey Liv? Want some?" she said. Tumango naman si Olivia saka tumabi sa upuan ni Maxine at kumain ng chocolates.
"Asan si Jammy?" tanong ng batang si Maxine.
"Andun nag raralo" sagot naman ni Olivia. Tumango lang si Maxine bilang sagot.
"Wait nga Maxxy.. Bakit tawag mo kay Jems, Jammy? Tapos tawag niya sayo Zanaya?" napatigil sa pag kain si Maxine. Dahil kahit siya ay hindi niya malaman kung ano ang dahilan.
"A-Ano kase... h-hindi lang namin---"
"May gusto kaba kay Jems, ha Maxxy?" tanong ni Olivia.
"P-Pano mo naman nasabi yun?" maang ni Maxine. Napairap naman si Olivia.
"Alam ko naman yun! Kaso lang mas nauna ako!" pasigaw na sabi nito.
"H-Hindi naman Liv---"
"Anong hinde!? E halata naman sayo e!! MAS NAUNA AKO!" nag dabog si Olivia sa lamesa dahilan para mapapunta si James ng di oras doon.
Agad na lumapit si James kay Maxine.
"Zanaya okay ka lang?"
"Anong nangyare? Bakit nagagalit si Olivia? Bakit kayo nagaaway?" sunod sunod na tanong ni James.
"W-Wala ... Hindi naman kami nag aaway e" sagot ni Maxine. Lalong nag init ang ulo ng batang si Olivia dahil mas inuna ni James si Maxine na lapitan kesa sa kanya.
"BAKIT BA KASE AYAW MO SAKIN JEMS!?" tumulo ang mga luha ni Olivia.
"Anong sinasabi mo Liv? Gusto naman kita ah! Kaya nga tayo mag kakaibigan kase gusto natin isat isa e" walang muang na sagot nito.
"HINDI MO KASE AKO GINUGUSTO! PALAGI KA NALANG NAKAY MAXXY! TAPOS PALAGI NALANG AKONG WALANG NAG GUGUSTO!" natahimik silang dalawa.
"DI MO BA NAPAPANSIN YUNG MGA LETTERS NA BINIBIGAY KO SAYO? YUNG MGA CHOCOLATES NA INIIWAN KO SA ILALIM ARMCHAIR MO!?" umiiyak na sabi ni Olivia.
Napahinto si James.
"S-Sayo galing yun?" takang tanong nito. Hindi niya inakalang kay Olivia nanggagaling ang lahat ng iyon. Dahil ang akala niya, mula iyon kay Maxine.
"Hindi mo naman kelangan gawin yun e" dagdag pa nito.
"Wag kanang umiyak Liv... Besfrend tayo e" tinangkang lapitan ni Maxine si Olivia pero lumayo ito.
"UUWI NAKO! HINDI KO NA KAYO BESFREND!" saka tumakbo paalis si Olivia.
"Pano na yan? Iniwan na tayo ni Olivia? Hindi na niya tayo bate!" naiiyak na sabi ni Maxine. Niyakap siya ni James.
"Jammy ... Napaka daya naman ni Liv" hinagod ni James ang likod nito at pinatahan.
"Hayaan mo yun. Babalik din yun dito, hindi niya tayo matitiis" sabi nito.
"Jammy ... Alam mo ba? May gusto sayo si Liv" huminga ng malalim si James.
"Kaya siya nagalit sakin kase nalaman niyang may tawagan tayo" pinahid ni Maxine ang luha niya saka humiwalay sa yakap ni James.
"Z-Zanaya ... Sorry" sabi ni James.
"Hayaan mo na, Jammy. Basta wag mokong iiwan ha? Tayong dalawa nalang mag besfrend" she tried to cheer up.
Hinawakan ni James ang kamay ni Maxine. Saka ito tinitigan sa mata.
"Z-Zanaya ... Tandaan mo to ha?" tumango naman si Maxine.
"Babalik ako. Babalikan kita"
Napakunot ang noo niya at hindi maintindihan ang sinasabi ni James.
"Anong babalikan? Aalis ka ba?"
"Oo. Zanaya e. Kaylangan kong pumunta sa States para dun mag aral. Para to sa kumpanya nila mommy" malungkot na sabi nito kay Maxine.
"I-Iiwan mo din ako?" pumatak nanaman ang mga luha ni Maxine. Hindi niya malaman ang gagawin dahil aalis na si James at maiiwan nanaman siyang mag isa.
Lingid sa kaalaman ni James ay may malaking problema din si Maxine ngayon.
Dahil aalis ang mga magulang ni Maxine sa parehong araw na aalis si James. Kaya maiiwang mag isa si Maxine sa bahay nila.
"Sige. Umalis kana. Wala naman kayong pakealam sakin e! Lumayas ka na!" saka ipinag tabuyan ni Maxine si James papalabas ng bahay nila.
"Zanaya naman e! Sabi ko sayo babalikan kita e! Wag mo naman ako palayasin!" naiiyak na din na sabi ni James.
"Hindi! Iwanan nyo na akong lahat! Dyan naman kayo magaling e! Wala nang nag mamahal sakin!" saka isinarado ni Maxine ang pintuan.
Narinig niya pang kumakatok si James pero hindi na siya nag abala pang buksan itong muli.
-----------
After 17 years.
Dumating ang ika-24 taong gulang ni Maxine at napasakamay na niya ang kumpanyang iniwan ng magulang niya na nag punta sa Canada.
Makalipas ang ilang taon na iyon ay hindi na muling umuwi ang mga magulang nito pero patuloy naman itong nangangamusta through e-mail.
Lumaking matalino, maganda, may dignidad, at kagalang-galang si Maxine. Kilala din siya bilang sikat na model ng kanilang kumpanya.
Sa kabila nito ay lumaki din siyang walang puso, walang emosyon, at walang paki-alam sa mundo. Tanging kaibigan niya lang ang kinakausap niya at mga katulong sa bahay.
Hanggang sa muli silang magkita ni James. Na kasalukuyang may ari ng bagong kumpanya na umusbong at mas lalong sumikat kaya naging ka-kumpitensya ng kaniyang kumpanya.
Lalong uminit ang dugo niya kay James ng sa hindi inaasahan ay kalabanin siya nito sa larangan ng kumpanya.
"Nakakalungkot isipin na yung dating kaibigan mo, kalaban mo na ngayon" sabi ni Kia sa kaniya.
"Tingnan natin kung sino ang mananalo sa huli. Alam mong hindi ako basta-basta nag papatalo, Kia" seryosong sabi nito kay Kia.
"Yeah. That's our Maxine Zanaya Gonzales" sabay halakhak.
"Ipaparanas ko sa kanya yung naranasan ko nung araw na iniwan niya ako" bulong ni Maxine sa sarili.
~••~••~••~••~••~••~••~••~••~
P I N K W A T C H Y
#romance #romeo #juliet #friendzone #lovestory #sweet #bittersweet #torment #loving #fiction #badboy #revision #pinkwatchy #james #zanaya
WALA NA! NAGING DEVILISH NA SI MAXINE HAHAHA SORRY.
-Ey🌻
BINABASA MO ANG
Torment Of Loving You {Revision of Romeo And Juliet}
RomanceAyaw na ayaw ni Maxine kay James na dati naman ay bestfriend niya pero iniwan siya. Ngunit ng bumalik siya kay Maxine ay pawang balik lahat ng ala-ala nito sa kanya. Muling binawi ni James ang dating pag tingin ni Maxine sa kanya. Hanggang sa dumati...