TOLY (RORAJ) 4: Agreement

4 0 0
                                    

TOLY (RORAJ) 4: Agreement

Maxine's POV

"Your appointments are all cancelled mam. But your appointment with Mr. Ramirez is on going" Denise said.

"Okay. Im on my way na. Kapag nauna siyang dumating, let him wait inside my office okay?"

"Yes mam"

"Okay" Then I ended the call.

Ilang minuto pa ay dumating na din ako sa lobby ng building. Nag pahatid ako kay manong Percy ang driver ko.

Naiwan nanaman si Yaya Mayeng dun sa bahay. Bigla akong nalungkot ng maalala ang paalam ni yaya Mayeng.

Flashback ...

"Ah Maxine" tawag sakin ni yaya Mayeng. Agad akong kinabahan. Kapag kase tinawag ako ni yaya Mayeng ng ganyan, papagalitan niya ako.

"Bakit po yaya?" tanong ko.

"Mag papaalam na sana ako" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang sinabi ni yaya.

Bakit?

"A-Alam mo naman, anak na ... Matanda na ako at marami ng naitulong ang pamilya mo sa akin" hinarap ko si yaya Mayeng, direkta lang itong nakatingin sakin.

No please yaya, dont leave me.

"Y-Yaya naman..."

"Mahina na ako, anak. At hindi ko alam kung magagampanan ko pa ba ang mga tungkulin ko dito bilang katulong" dagdag pa niya.

"N-No yaya! Kukuha nalang ako ng ibang maids para may katulong ka dito. O kaya naman wag ka nalang kumilos, sila nalang ang papakilusin ko bast----"

"Iha ... Gusto ko munang umuwi sa probinsya namin at makita ang mga anak ko bago ako lumisan sa mundo"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala.

Matagal tagal ko na ding nakasama si yaya Mayeng dito sa bahay. Bata palang ako siya na ang nag alaga sakin sa tuwing aalis ang mga magulang ko.

Siya ang nag paramdam sakin kung gaano ako ka-espesyal na tao na hindi nagawang gawin sakin ng mga magulang ko.

"Y-Yaya naman e.. Alam mo naman pong wala na akong kasama diba?" I said between my sobs.

"May nakuha na po akong kapalit dito mam ... Si Jana po. Pamangkin ko at sa kamakalawa na po siya makakapunta dito" yaya Mayeng wiped my tears.

Lalong kumirot ang puso ko. Ayokong umalis si Yaya pero kaylangan. Mahina na siya at hindi na kayang kumilos pa.

"Mamaya na po ang alis ko mam Maxine. Gusto ko lang po sabihin na naging masaya ako kasama ka. At gusto ko lang din po ipaaalala sayo na mahalaga kang tao. Maraming nag mamahal sayo anak kaya sana ... Kung pwede buksan mo na ang puso mo"

"Buksan mo na ang puso mo at hayaan mo itong magmahal ng ibang tao. Hwag mong hayaang maging bulag ka anak. Hwag mong gayahin ang mga magulang mong naging bulag sa katotohanan" I smiled bitterly.

Maraming salamat yaya.

"Ipapahatid nalang po kita kay manong Percy" tumango naman siya.

"I will never forget you, Yaya Mayeng"

End of Flashback ...

"Ah mam?"

"Mam?"

"Mam Maxine? Ayus ka lang po?" napaflicker ako ng mag salita si manong Percy. Binuksan ko ang pintuan saka bumaba.

Torment Of Loving You {Revision of Romeo And Juliet}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon