Chapter Two

10 0 0
                                    

Unfair


Nakabalik na ako sa classroom nang maabutan ko ang mga kaklase kong lalaki na muntik na akong mabiktima sa kanilang munting patibong, mabuti na lang talaga at hindi ako pinanganak na bulag at tanga. There's this mapayat na tali na nakaangaat just an inch above the floor ang nakabuhol sa kanan ng pinto habang hawak naman ng ni Geremy ang kabilang dulo. Sino si Geremy? Aba ewan ko, gawa gawa ko lang yon, hindi ko kasi maalala ang pangalan ng kaklase kong mayabang.

"Woah"

"Haha, ang galing!"

"Si Denice pa?"

Narinig kong kantyawan nila nang nakatawid ako sa tali at hindi natalisod. Pinuri nila ako but I feel offended. Really? Hindi nila inexpect na kaya kong tawiran iyon? Ang akala ba nila ay mabibiktima nila ako?

"What are you guys doing? That's so cheap" Maarteng sabi ko bago umupo sa katabing upuan ni Wesley. Nasabi ko na ba kung sino si Wesley? Yung may hawak nung tali? Yun ba pangalan nun? Ah, ewan!

"Cheap? Ito namang si Denice. Hindi naman kami katulad mo na pang high class kung manira ng araw, simpleng tawa lang, maligaya na ang mga araw namin." Singit nung Wesley, yung nakatayo? Siya ba yung Wesley? Anyways, sino man siya, ang mahalaga ay alam niyang high class ako.

Biglang tumahimik ang nagtatawanang mga lalaki at naging alerto ang may hawak ng tali na hindi ko matukoy ang pangalan. You know, Keith The Bruha, Joshua The Mr. Masungit, and Jomar The Feeling Pogi, are very lucky that I can remember their names. Si Romnick my only one rin naman, syempre, ay hindi ko nakakalimutan ang pangalan pero kailangan pa bang imention 'yon? That was jus....

Naputol ang aking mga iniisip when silence ruled the whole room followed by.....

"Hahahahahaha"

"HAHAHAHAHA. YUNG MUKHA PARE"

laughter. Napatawa na rin ako nang makita ang isang lalaking nakasalampak sa sahig. He doesn't look familiar like anybody else is but he looks cute. Cute sana pero weirdo. Hindi ko mapigilan ang paghagikhik lalo na ng may dumagdag pa sa eksena.

"Hahahahaha" Ako na yan. Talagang nakitawa na rin ako kina Wesley at Geremy. Wesley at Geremy? Sinabi ko bang Wesley at Geremy? Sino yung mga yon? Ah, ewan! Basta nakakatawa. Bakit ba naman kasi sila nagdadive eh wala naman akong nakikitang tubig? Tapos si Keith naliligo sa sahig kahit hindi pa nagsusuklay! Hahaha.

Dahan dahang tumayo si Keith kasabay ng pagliwanag ng mundo ko dahil sa anghel na nasa tapat ng pinto. My mouth opens when I saw my Romnick outside. Papasok na siya pero hindi katulad ko ay hindi niya nakita ang tali! What should I do?! What should I do?!

"Wait Romnick!! Wag kang...." I can hear the bruha shouting pero ako ay nawalan na ng lakas para gawin pa iyon. Parang nag slowmo ang paligid sa unti unti niyang pagbagsak at....at

My heart suddenly....

suddenly....

AYOKO NA MAG ENGLISH! BASTA'T NAWASAK ANG PUSO KO! KAILANGAN KO PA BANG IPALIWANAG?

Kung kanina ay nag slowmo lang dahil sa takot na makita si Romnick na nakasalampak sa sahig, ngayon naman ay parang tumigil na ang buong mundo ko sa nakita.

Romnick's lips are pressing Keith's while he's holding her waist habang siya naman ay nakahawak sa mga balikat niya. Umasim ang sikmura ko na parang pinagsisisihan kong kumain pa ako ng recess kanina. Sana pala ay ginamit ko na kanina ang buong lakas ko para pigilan sina Wesley at Geremy sa ka-cheapan nila sa halip na nakinood pa. Now, I'm hurt like hell.

"Walanghiya ka!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad ko siyang sinugod pagkatapos ng kissing scene nilang kasing tamis ng pukyutan. Utot niyo!

"Ang harot-harot mo talagang babae ka! Hindi ka na nagbago! Ang kapal ng mukha mong halikan si Romnick! My God!" I shouted while pulling her hair. Napaupo na siya sa sahig pero hindi ko magawang pigilan ang sarili ko dahil gusto kong masaktan din siya dahil nasaktan ako! She should be fair!

"Napakaharot mo talaga! Grrrrr!! Feeling mo maganda ka?! Ha?! Kaya hinalikan mo si Romnick?!" Halos mapaos na ako sa pagsigaw dahil pakiramdam ko ay hindi pa sapat ang sakit na ibinigay ko sa kaniya. Humahapdi na ang kamay ko but I just can't stop myself from hurting her!

"Ta---ma na De.....nice. Hi-hindi ko na....man s-sinasadyyyya ehh" She said, crying in pain. Gusto kong sigawan siya at sabihin na nasasaktan rin ako! Gusto kong humagulhol rin para ipakitang umiiyak rin ako! I'm also hurt Keith! Nasasaktan rin ako. At katulad mo ay umiiyak rin ako!

Why is it so unfair? Why is it so easy for them to show what they really are? Bakit ang dali nilang naipapakitang nasasaktan sila? Bakit ayos lang sa kanilang ipakita na nahihirapan sila?

Parang wala na akong marinig sa lakas ng pintig ng puso ko. All I know is that someone push me dahilan para bumagsak ang pwet ko sa sahig. Nasaktan ako. Gusto ko ring sabihin na nasaktan ako pero bakit hindi ko kaya?

Umiiyak ako at nanatiling nakaupo sa sahig. I'm crying, alright, but my expression is still as cold as ice and as hard as stone. Pakiramdaam ko ay lalong nanlamig ang buong katawan ko nang mag angat ako ng tingin at makita si Romnick na nakatayo sa harapan ko. Tulala siya pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nanlamig, but because I can see in his eyes that he's also hurt. Hindi niya pinapakita pero nakikita ko pa rin. Bakit kapag ako ang nasasaktan ay parang wala namang nakakakita? Life is unfair, indeed.

Bago pa may makapagsalita ay tumayo na ako at dahan dahang naglakad palabas ng classroom para sana pumunta sa comfort room. Umaasa ako na baka there's a possibility that I might find the comfort I want sa comfort room pero bago pa man ako makalayo sa classroom ay sinalubong na ako ng isang pares ng malamig na mata.

"Miss Montemayor, in my office, now" Kung gaano kalamig ang kaniyang mga mata ay ganoon rin ang boses niya na nanatiling mababa.  Wala na akong lakas na makipagtalo sa kaniya ngayon kaya sumunod na lang ako sa gusto niya.

Pumasok siya sa Student Council Office at sumunod naman ako katulad ng ipinagutos niya. Pumuwesto siya sa lamesa kung saan nakadeklara ang kaniyag tungkulin bilang President. I sat in front of him. Mukha siyang principal ngayon at ako naman ang pasaway na estudyante na pinatawag mula sa away dahil katutuyo pa lang ng luha ko.

"Ba't dito pa? Bakit hindi ka na lang magsumbong sa principal para mapagalitan kaagad ako ngayon? Agad-agad boss" Tinutukoy ko ang hindi niya pagsusumbong sa principal namin para agad akong mapagalitan imbis na siya lang itong kakausap sakin sa pananakit na ginawa ko sa kapatid niya. That's unfair! Kapatid niya yun!

"What are you talking about?" Kunot noong tanong niya na parang wala ngi isang letra na naunawaan sa sinabi ko. Napakunot na lang rin ang noo ko dahil hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi niya ako maintindihan.

"Anyways. Bakit pugto ang mga mata mo?" Tanong niya sa akin sa tono na palaging ginagamit ni daddy. I rolled my eyes. That's one of the reasons why I hate him. He always sounds like a 32 years old man kapag kinakausap niya ako.

"They aren't. Why can't you just go straight to the point. May klase pa po ako Mister. Bakit ba ako nandito talaga?"

"I wanna talk to you" I rolled my eyes once again. Sht. Naguusap na kami kung hindi pa halata sa kaniya. 

It was like he knew that the goddess in front of him will turn into a dragon any minute now that's why he spoke.

"Nothing"

"Nothing? Pinatawag mo 'ko dahil sa nothing?"

Hindi naman siya umimik. Hindi rin naman siya mukhang nahihiya sa katotohanan na pinatawag nya ako ng walang dahilan. He just kept his cool.





You + Me = Heaven(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon