Chapter Three

4 0 0
                                    

Be ready


Para akong nakalutang sa canteen habang hawak ang drinks ko. Bakit hindi ko makalimutan ang mga mata niya kanina? Bakit pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sakin kahit na sinabi niyang wala? Bakit parang hanggang ngayon ay nanlalamig pa rin ang buong katawan ko kapag naaalala ang lamig ng tingin niya sa akin kanina. What the heck is wrong with me?

Halos mapasigaw ako ng maramdaman ang malamig na dumadaloy sa mga kamay ko. Napanganga ako ng makita si Keith na basa sa may gilid ko. Nabasa ko siya pero fuck, hindi ko sinasadya.

Kinuha ko ang kinakain ng kauna unahang estudyanteng nakita ko at ibinuhos sa kaniya para pagtakpan ang kahihiyan at katangahan ko.

"Akala mo ba hindi pa ko tapos sayo? Nakakangiti-ngiti ka pa d'yan, akala mo nakatakas ka na. Ang kapal talaga ng mukha mo syet! Ngi ako nga! Hindi ko mahalikan si Romnick kahit sa pisngi lang tapos ikaw nakahalik?! Ha! Sa labi pa talaga! Sa labi!! Napakalandi mo syet!" Maging ako ay hindi na rin maintindihan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Ang alam ko lang ay nakanganga lang ngayon si Keith sa gulat dahil sa ginawa ko. Kung alam mo lang na ganyan din ang reaksyon ko nang mabuhusan kita na hindi sinasadya!

"Denice! Tigilan mo nga yan!" Napalingon ako kay Harvey ng marinig ko ang boses niya. Harvey please, 'wag ka ng makialam dito. Kung alam mo lang na hindi ko naman sinasadya!

"What now huh? Ipagtatanggol mo na naman to? Why? Why Harvey? Matagal na kong nakakahalata sayo eh. Do you like her huh?" Hindi ko na alam kung may point pa ba ang mga pinagsasasabi ko. I'm going too far para lang pagtakpan ang kahihiyan ko. Kung sana ay nagsorry na lang ako kay Keith but I just...can't.

"Hindi ako ang issue dito! Ikaw! You and your attitude!" Yes, Harvey. Pati ako ay nahihirapan na rin sa pesteng attitude at pride na 'to. Pero gustuhin ko mang magsorry ay nakalimutan ko na yata talaga kung paano.

"Oww. So, tama ako? You like her? Oh My God Harvey! Sa gwapo mong yan? Dito ka lang magkakagusto? Sa letseng nerd na to na hindi naman matalino? God!! Gamitin mo nga 'yang utak mo. Ang daming nagkakagusto sayo! Kahit nga si Louise eh! Ang ganda ganda non. Pagpapalit mo dito?" Sa lahat ng sinabi ko ay ito lang yata ang kahit papaano ay may point. Totoo naman kasing maganda si Louise pero bakit hindi niya magawang magustuhan?

"Hey Denice! Don't shout at him!" Nagulat ako nang dumating si Louise at sinigawan ako habang namumula ang dalawang tainga. I'm sorry pretty. I'm damn sorry.

Sa pangalawang pagkakataon sa araw na ito ay umalis na naman ako sa lugar kung saan ako ang nagsimula ng gulo. Ako na naman. At muli, sa ikalawang pagkakataon sa araw na ito, ay sinalubong na naman ako ng malamig niyang mga mata bago pa man ako makalayo.

"What now?" Matapang pa rin ang boses ko kahit nanginginig na ang dalawang tuhod ko na kulang na lang ay mapaluhod na ako sa harap niya. "Papapuntahin mo na naman ako sa office mo? Dahil inaway ko ang kapatid mo?! Sige lang! Ano pa bang ikakatakot ko?" Kung ngayon pa nga lang ay nanginginig na ang mga tuhod ko sa harap mo.

Nanatili lang siyang nakatitig sa akin at hindi na nagsalita. Nilampasan ko na lang siya na parang wala akong nakitang Joshua Everson Ricalde. Arggh!

Pumunta na lang ako sa room para kunin ang mga gamit ko at agad tinawagan si Mang Tingsoy para magpasundo. Uuwi na lang ako. Sirang sira na ang araw ko.

Kasalanan talaga 'to ng lalaki na 'yon na parang galing sa freezer! Why is he so cold? Siya itong malamig pero ako itong nanginginig. Kapag talaga iniisip ko siya ay nagkakasunod-sunod ang kamalasan ko. Bakit ko ba kasi siya iniisip? Argh! Nakakabuwisit talaga ang lalaking 'yon. Kung alam lang niya kung gaano ako kainis sa kaniya.

"Oh anak? Bakit ang aga mo yata?" Hinalikan ko kaagad si Manang Loyda sa pisngi ng maabutan ko siyang nagdidilig ng halaman namin.

"Wala po Manang. Pagod lang po. Deretso na 'ko sa kuwarto." May sinabi pa si Manang pero hindi ko na pinakinggan at sa halip ay dumeretso na sa kuwarto gaya ng sinabi ko.

I hate myself. Naiinis ako sa sarili ko dahil nakakagawa ako palagi ng kasalanan na hindi ko naman talaga gustong gawin para lang pagtakpan ang kahihiyan ko. I was never honest and maybe, I'll never be. Gustuhin ko man pero hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko magawa. Ako lang ang talagang nakakakilala sa sarili ko.

Bumangon ako ng marinig ang pagtunog ng phone ko. I answered the call without looking at the screen.

"Hi." Pagbati ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kabilang linya. "Hello? Who's this?" I heard a devil chuckled.

"Babe, are you crazy? Imposibleng hindi naka save ang number ko sa phone mo" Binabaan ko na lang siya sa halip na sumagot pa. Kung siya ang kapatid niya ay malamang nagsisigaw na ako sa galak.

My phone beeped for the second time pero ngayon ay text na lang.

Jomar:

I heard napaaway ka raw? Kay Keith ulit? What happened?

Napasinghap ako. Why does he care? Ano bang pakialam niya?

Tumunog ulit ang phone ko and this time, tumatawag na naman siya. Hinintay ko na lang na mapagod ang ringtone ko at tumigil na. I hate Joshua but I hate this Jomar too kahit pa magkaiba sila ng personalidad. Well, ano pa bang bago? Ayaw ko naman sa lahat.

Sa pasampong pagtunog yata ng phone ko ay hindi na ako nakatiis at sinagot ko na ang tawag dahil sa init ng ulo. "Ano ba?! Why do you keep on calling me? Ano bang pakialam mo sa akin?!"

"Is that how you greet your father a happy birthday?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. I hate Joshua so much for being so cold that I even forgot that my dad is the coldest person I know in this world. Lumunok muna ako upang bumuwelo bago magsalita.

"Dad, I'm sorry. I've mistaken you for someone else" Pagpapaliwanag ko kahit na alam kong wala naman siyang pake. Kapag tumatawag siya ay ang sariling kailangan lamang ang iniisip niya at hindi na iniisip kung ano ang magiging reaksyon ko sa maaaari niyang sabihin.

"I'm coming home soon. May mahalaga akong bagay na aasikasuhin diyan and I want you to be ready more than anyone else" Agad niya akong binabaan matapos sabihin ang nais sabihin. Napabuntong hininga na lamang ako.

You + Me = Heaven(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon