Chapter Five

5 0 0
                                    

Selfish Princess






"Denice?" Nagising ako sa katok ni Mommy sa aking kuwarto. 

"Yes Mom!" I opened the door and found her looking a little bit formal. "Bakit hindi ka pa nag aayos?" Napakunot noo ako.

Why should I? May pupuntahan ba kami? Bakit parang wala naman siyang nabanggit sa akin? Nagpuyat pa man din ako kagabi. I heard her sighed when she saw that I'm clueless.

"It's your brother's death anniversary, Denice. Nakalimutan mo na ba?" I was shocked na nakalimutan ko ang isa sa pinakamiserableng araw ng buhay ko pero hindi ko iyon ipinahalata kay Mommy.

"I didn't, Mom. I'm sorry, tinanghali lang po ako ng gising. Just wait for me downstairs o kung gusto mo ay mauna ka na. Puwede naman po akong magpahatid kay Mang Tingsoy." She smiled.

"No, honey. Hihintayin na kita. Bilisan mo lang at alam mo namang ayaw kong magtampo ang kapatid mo kapag tinanghali tayo"

Agad akong nag ayos at pinili ang bestidang puti upang isuot. I always wanna be pretty kapag dinadalaw namin siya. Kagaya ni Mommy ay ayaw ko ring nagtatampo siya. I always want him to feel that he's still so important to me kahit na wala na siya.

Pinagpatuloy ko lamang ang paghawi ng mga damo sa kaniyang lapida hanggang sa mabasa ko na ang pangalan na nakaukit.

Billy Greg Montemayor

Inilapag ko ang dala namin ni Mommy na bulaklak para sa kaniya. For me, he deserves everything in this world except death. Hindi deserve ng isang anghel na kagaya niya ang mamatay ng maaga, hanggang ngayon ay hinihiling ko pa rin palagi na sana ay ako na lang ang nawala. Mas deserve niya ang mabuhay ng mas matagal sa mundo kaysa sa akin. I'm a devil while he's an innocent angel.

Noong araw na iyon ay masaya kaming mag anak sa bonding namin. Kuya, Mommy, Daddy and I are just so happy na hindi namin inakalang may isang bagay na hindi inaasahan ang mangyayari.

Mom went back to the hotel to get something habang kaming tatlo nina Daddy at Kuya ang natira sa tabing dagat. Kuya and I were building a sand castle nang nagpaalam din si daddy na bumalik sa cottage di kalayuan sa amin upang kumuha ng juice.

"Just watch me, Denice. One day, I'm going to be an engineer and I'll built a huge castle just for you." Kuya said while stopping my hand from helping him. I'm only six years old that time while Kuya Billy was eight.

"But Kuya! I also wanna help! I wanna play with you" Pagmamaktol ko noon but I remember him still insisting that I shouldn't.

"You shouldn't! You're my princess. You shouldn't be helping me to built a castle for yourself!" Sa pagtatampo ko ay nagtatakbo ako papunta sa dagat upang hintaying suyuin niya ako because he's always like that. Kapag nagtatampo ako ay hahabulin niya ako at yayakapin at pagkatapos noon ay ayos na kami. I'll kiss him on his cheek and he'll do the same thing as well.

"Princess!" Narinig ko pa siya noon na tinawag ako bago ako makalayo at tangayin ng alon.

I'm really born so selfish. Sarili ko lang ang iniisip ko at ang mga pagtatampo ko. Masyado akong nasanay na mahal na mahal ako ni Kuya. Masyado akong nasanay na mahal na mahal ako ng lahat.

That day, Kuya Billy died because of me. He died because of me at kasabay noon ang pagkamatay rin ng pagmamahal sa akin ng Daddy ko. I can still remember clearly how cold his eyes were when he looked at me after the doctor told us that they can't do anything. My dad didn't cry pero hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano niya pinamukha sa akin na ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Kuya gamit lamang ang malalamig niyang mga mata.

Tumalikod ako para hindi makita ni Mommy ang namumuong luha sa aking mga mata but when I saw his eyes, the coldness in his eyes that didn't change from that day on, agad umurong ang mga luha ko.

"Dad" Singhap ko.

Sobrang tahimik naming tatlo sa lamesa habang kumakain ng hapunan. Ayaw kong magsalita at wala akong balak. I know that no one will dare to listen to me. Kahit pa sabihin ko sa kanilang aakyat na ako sa taas para magpakamatay ay baka hindi pa rin nila ako intindihin.

Sa sobrang tagal ni Dad na hindi nakabalik dito ay akala ko nakalimutan ko na kung ano ang itsura at ang pakikitungo niya sa akin pero ngayong kasama na namin siya, I just realized that nothing really does change.

"I didn't know that you'll be home this early, hon. Sana ay sinabi mo sa amin para napasundo ka namin sa airport." Si mommy, sinusubukang pasayahin ang kaniyang tinig.

"No need. Actually, next week pa dapat ang dating ko pero may mga bagay na mahalaga akong kailangang asikasuhin kaya kinailangan kong umuwi ng ganito kaaga" Matigas ang salita niya na para bang bawat kataga ay mahalaga.

Katahimikan muli ang naghari pagkatapos ng palitan nila ng salita. Hindi na ako makatiis at talagang kating kati na akong umakyat sa kuwarto para magkulong.

"Mom, Dad. I'm done eating. Aakyat na po ako" Papatayo pa lang ako ng biglang tumingin si daddy sa akin at magsalita.

"No, you stay. May mahalaga tayong paguusapan" I almost rolled my eyes. Kung may mahalaga palang paguusapan eh bakit hindi pa sila kanina nagsalita? Hindi na lang ako umimik at bumalik sa pagkakaupo.

"This coming Aug. 23, we're going to Ricalde's Residence and I want you to be ready, Denice" Ayan na naman 'yang ready ready na yan. Ano ba ang dapat na ipaghanda ko?

"Why, Dad? Why are you always telling me that I should be ready? Ano ba talagang meron?" I saw dad tried to oped his mouth to say something pero inunahan s'ya ni Mommy.

"Ahm, it's...nothing, Denice. Your dad is only reminding you to be ready about the Ricalde's  unico hijo's birthday party" Nakita kong kinakabahan si Mommy sa simpleng pagsagot niya sa akin.

"Is it really just that? Iyon lang ba talaga?" Nakakunot na ang noo ko sa pagtatanong sa kanila. Kung iyon lang talaga iyon ay bakit kailangan pa nilang sabihin sa akin na maghanda ako and why would mommy need to get nervous?

"Yes, honey. Tomorrow, I'll call someone to make our dress. Papapuntahin ko na lang dito. You should be really pretty on that day." I know that I always need to be pretty everytime pero hindi ko alam kung bakit sinasabi sa akin ni Mommy na kailangan ko talagang maging maganda sa araw na iyon.

"Ok, Mom. Is that it? Aakyat na po sana ako." Sabi ko sa halip na magtanong pa ng katotohanan. I just wanna get out of dad's cold stares.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You + Me = Heaven(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon