Chapter Four

8 0 0
                                    

Busted



"Did your father talk to you already?" Mom asked habang kumakain kami ng agahan.

"Yes po. Uuwi raw siya to took care of something. What is it Mom?" I asked, real curious.

"It's...it's just nothing. Kaya na namin iyong asikasuhin hija" Napakunot ang noo ko sa naging sagot ni Mommy.

"Kaya na ninyong asikasuhin? Ang alin? Ang problema? Meron ba Mom?" Uminom muna siya ng tubig bago sumagot at napansin ko na parang hindi mapakali ang kaniyang mga mata.

"No, honey. Wala naman. It's just about business. You shouldn't be involved"

Hindi na ako sumagot pero hindi ibig sabihin noon ay naniwala ako sa sinabi ni Mommy na walang problema at kung meron man ay I shouldn't be involved. Kung hindi dapat ako involved ay bakit kinailangan pa akong tawagan ni Dad para sabihin na uuwi siya and that I should be ready? Why should I be ready? It's not like we're so close that I have to throw a party dahil lang sa paguwi niya.

"Hey there sexy!" I showed him my most dangerous look para lumayas na kaagad siya kahit hindi pa gaanong nakakalapit.

"Let's have lunch together?" Mukha mo, mukhang paa.

"Ayaw mo? Dinner na lang? Kaya lang kapag dinner ay baka bukas pa kita maiuwi" Kumindat siya at agad akong huminto sa paglalakad upang harapin siya.

"Jomar, puwede bang 'wag mo akong kulit kulitin? Mas matanda ka pa sa akin pero ang tigas tigas niyang ulo mo"

"Aling ulo" Tumawa siya at muntik ng maginit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Puwede bang tigilan mo na lang ako? Why are you so makulit?" This guy is slowly getting into my nerves.

"Denice, bakit kita titigilan eh nanliligaw nga ako? Why are you so makulit?" Napapadyak ako ng paa sa sobrang inis nang magawa pa niyang tumawa matapos akong gayahin.

"Then, busted ka na! Kaya would you please just leave me alone?" Naglakad na ako palayo sa kaniya pero nahawakan niya ang siko ko.

"I won't" Seryosong sabi niya, dahilan kung bakit napalingon ako sa kaniya. "Bakit ba inis na inis ka sakin? Mabuti nga at nanliligaw ako sa'yo dahil kahit papaano ay may nakakasama ka. You're always alone. Walang gustong makipagkaibigan sa'yo bukod sakin." Iniwas ko kaagad ang siko ko mukla sa pagkakahawak niya at sinamaan siya ng tingin.

"Correction, ako ang ayaw makipagkaibigan. It's my choice. At kung sabihin ko sa'yo na busted ka na at ayaw kong nakakasama ka, it's also my choice kaya tigilan mo na lang ako bago pa may dumaan na estudyante dito na may dalang pagkain dahil pag nagkataon ay alam mo na kung ano ang mangyayari sa'yo" Pagbabanta ko sa malambing na boses.

Hindi na siya umimik kaya tumalikod na ako para sana makalayo na pero dalawang pares ng malalamig na mata ang muling sumalubong sa akin. Natigilan ako saglit pero agad din siyang nilampasan.

"Alam mo na ba?" Narinig kong tanong niya bago pa man ako makalayo.

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya just to confirm kung ako nga ang kausap niya pero hindi naman siya nakatingin sa direksyon ko. Nanatili siyang nakatalikod sa akin, nakaharap sa direksyon na pupuntahan niya bago ko siya lampasan. Nagkibit balikat ako at aalis na sana ulit ng marinig ko siyang magsalita.

"Kaya mo ba binabusted si Jomar kasi... alam mo na?" This time ay napakunot na ang noo ko at agad lumapit sa kanya.

"Ako ba kausap mo Mister?" Hinarap ko siya pero nanatiling lampas ang tingin niya sa akin.

"Alam mo na?" Napabuntong hininga ako dahil sa pagpipigil ng inis.

"Ano ba ang alam ko na ha?! Ako ba kausap mo? Kung ako kausap mo, tumingin ka sakin! Huwag kang bastos!" Kulang na lang ay ipagdasal ko na sana ay hindi ko na sinabi ang sinabi ko ng biglang tumama sakin ang malamig niyang mga mata. Bakit ba nakakalimutan ko palagi na kahit sino ay mangangatal yata sa titig niya?

"Bakit ba hindi mo na lang sagutin ang tanong ko at ang dami mo pang sinasabi?" Nilagay niya sa magkabilang pocket niya ang kaniyang mga kamay at bahagyang tumuwad para mas makita niya ng maayos ang mukha ko, or maybe, para mas makita ko ng maayos ang mukha niya. Alin man sa dalawang iyon ay hindi ako komportable kaya bahagya akong humakbang palayo sa kaniya.

"Paano ako sasagot eh kung hindi ko naman alam kung ano bang tinutukoy mo o kung ako ba ang kausap mo?" Matapang kong sagot, kunyari ay hindi naaapektuhan sa titig niyang nakakamatay.

"Then I guess.... I should wait a little more. I'll give you one more week at kapag hindi mo pa rin alam ay ako na mismo ang magsasabi sa'yo. We don't have much time" Umayos siya ng tayo at nilampasan na ako.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa pagtataka.

"What the heck is he talking about?!"

Baka naman may nalalapit na event na naman na inaasikaso ang Presidente na iyon at gusto akong isali. Well, kung ano man iyon, basta't siya...... I'll never cooperate! Siya naman ang manigas this time! Hindi yung mga tao lang sa paligid niya ang nahihiraapan sa kalamigan niya.

Speaking of being cold. I'm not stalking him pero madalas ko naman siyang nakikita na maayos na nakikisalamuha sa iba. I mean, he doesn't seem cold to them. Bakit sa akin ay ganiyan siya makitungo? Life is always so unfair to me.

"Hi Rom!"

Binati ko si Romnick pagkapasok pa lang niya ng classroom namin. Nagulat ako ng lumingon siya sa akin at nginitian ako pabalik. Bibihira lang niya gawin sa ibang tao iyon kaya sa simpleng ngiti lang na iyon ay masaya na ako. After all, I'm not expecting anything beyond that from him. I mean, I like him, but not to the point na mangingisay ako sa kaniya. I just like him as a person because I can see that just like me, he's also not that good in expressing his feelings. Nakadagdag pa na talagang cute siya kaya naging crush ko. I have to admit that Keith have a good taste when it comes to men.

I really feel sorry for Keith dahil palagi ko na lamang sa kaniya naibubunton ang galit at inis ko sa mundo. And I feel sorry for myself dahil hindi ako marunong humingi ng kapatawaran mula sa isang tao. Balang araw ay makakabawi rin ako sa kaniya for making some of her days miserable. But making some of her days miserable is just a little fair right? After all, ilang araw lamang sa buhay niya ang nagawa kong miserable habang ako ay buong buhay ko na yata ang magiging malas forever.

You + Me = Heaven(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon