Ikaw

116 8 1
                                    


Ikaw na aking hinangaan,

Patuloy kong inaabangan

Bawat nating bangayaan

Aking pinapahalaagahan


Ikaw na lagi akong inuunawa

Laging nadiyan kapag ako'y nakangawa

Hinihiling na 'wag ka sanang magsawa

Sa pag-intindi sa'king magulong diwa


Ikaw na laging sinasabayan ang aking gusto

Kahit sa bagay na hindi ako natututo

Ikaw na lagi akong winawasto

Sa paraang alam mong 'di ko ipagraramdan ng husto


Lahat sila ay iba ang sinasabi

Tayo daw ay buwa't araw na ipinagtabi

Ngunit patuloy na nakangiti ang labi

Pati puso ko'y walang ligtas mong hinabi


Nagdaan man ang buwan at mga pangyayari

Ang saya sa'king isip patuloy na naghari

Ngunit lahat pala ay 'di hanggang pari

Dahil tayong dalawa'y hindi maaari


Ikaw na patuloy akong nililito

Lahat ay magulo dahil sa'ting estilo

Iba ang ating hinahawakang titulo

Bawat isa, ayaw magpatalo


Panibagong lamat sa ating relasyon

Mga sekritong malalim pa sa balon

Iba ang pinapahiwatig ng iyong aksyon

Pilit akong tinutulak ng aking akusasyon


Ikaw na nagpasaya nang ako'y malungkot

Nais ko sanang kalimutan ang nagkalukot-lukot

Ngunit ang isip ay napuno na ng takot

Ayaw ng umibig sa taong baluktot


Hanggang dito na lang tayo aking hinahangaan

Sana'y iyong mabasa ang puno't dulo ng ating hangganan

Alam kong masaya ka sa paglaya sa walang kasiguradohan

Pipilitin ko ring maging masaya sa iyong pagliban.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon