CHAPTER 3: CARRY ON

114 57 40
                                    

AN: I CUT SOME PARTS OF THE PREVIOUS CHAPTER, I THINK ITS TOO LONG TO READ.. SO HERE IT IS THE CONTINUATION. SHORT UPDATE.
ENJOY READING.

____________x__________
MC AIZEN AKIRO ALONSO PAZ POV

"Kuya pa help na naman na tanggalin siya" sambit ko sa katabi naming upuan na lalaki pero tumaas lang ang kilay niya pati ang mga matang nakatingin sa amin ay walang balak na ilayo sa akin ang babae.

My gahd! Nasaan ba ang mga kasama nito! Napapadyak sa fustration. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa higpit ng yakap niya. Wag naman sanang tama ang iniisip ko sa paraan palang ng tingin ni Japs gusto ko ng sikmuraan ang artistang babaeng 'to tapos hayaan siyang mamilipit sa sakit. Tsk!

"Girl.. I think this actress needs you, I uwi mo na bahay niyo." Japs pointed her.

Hindi makapaniwalang namimilog ang mga mata ko sa turan niya. No! No! Noo!!

Dumating sina Gasel at Aris na may dalang wine sa mga baso nila, manghihingi din sana ako ng tulong ng ipinahawak sa akin ang Susi nang kotse ni Aris! Hindi ito ang kailangan ko tinapik ni Gasel ang balikat ko saka nginuso ang linta na Babae. Gosh! Sinira niya ang gabi ko!

"Go na..." Hindi ako nakapalag sa utos ni Gasel. Umuusok ang mga ilong kong pinasa sa mga bouncer ang bad trip na babae.

__
Buryong buryo akong sumalapak sa kotse. Napabusina pa ako ng malakas bago pinaadar at tinulin ang takbo ng sasakyan. Sa lahat ng babaeng makikita ko ito pang babaitang kinahuhumalingan ng kapatid ko. Gosh! Nilingon ko siyang nakahilig ang ulo sa kabilang side. I sighed in deep breath, kumukulo ang dugo ko.

Expected ko ng makikita ko siya pero hindi sa ganitong paraan at ka aga. Kaya nga diko sinasagot ang tawag niya dahil kahit pangalan palang niya naiirita na ako. Bukod sa pang iiwan niya sa akin at pagtalikod noon, may iba pang pinanggagalingan ang sakit ng loob ko, kaya hangga't maari wag muna sanang magtagpo ang landas muna namin pero see what happened. Napaaga ang reunion!

Umilaw ang phone ko at kinuha ko ito para basahin. Galing kay Gasel.

From: Gasel
Chill yourself. It doesn't help the situation, be nice to her okay? Text me when you get home.

Binalik ko ang phone sa bag ko. Kahit labag na labag sa kalooban ko ay sinubukan kong ichill ang sarili ko. Kung ganito kainit.. baka mabangga kami.
__

Halos patay na ang ilaw ng iparada ko ang kotse sa garahe namin. Namewang ako ng buksan ko ang kabilang side na pintuan. Payapa ang itsura niyang nakapikit. Gahd! I can't believe this, hindi ko akalaing sa pagtatapos ng araw ko makikita at bubuhatin ko itong babaeng ito.

Urg! Sobrang late na. Malamang kuya Elvis and Tony are sleeping na. Kahit masama ng slight ang ugali ko nahihiya naman akong gisingin sila.

Gigil na gigil ko siyang nilapitan para buhatin. Natigilan pa ako saglit ng ipulupot na naman niya ang kamay sa leeg ko. Nakakarami na siya ah! Mababali na leeg ko 'nu ba!

Dahan dahan akong pumasok sa bahay. Para akong teenager na tumakas tapos bumalik ng walang paalam takot na takot na mahuli baka pagalitan pero parang ganun narin, baka nga malintikan ako kila mother kapag nakita nila kami sa position namin nitong si Ellaine.

Huminto ako ng marinig ko ang tila nag aaway na tinig sa kwarto ni Ermat at Erpat kalako kung ano ng kababalaghan ang ginagawa nila pero ng marinig ko ang pangalan ko. Tinakpan ko ang bibig ng babaeng karga ko ng umungol ito at magising.

"Honey wag na natin pilitin si Akiro. Mukhang kahit anong gawin natin 'di siya papayag" I heard my father said. Okay 'gang madaling araw 'yun parin ang topic nila?

"No Victor! Kailangan gawin iyon ni Akiro. Ayokong paggising ng anak ko mawala ang pangarap niya, ayokong makita siyang nahihirapan o nalulungkot. Ibabangon ni kiro ang kakambal niya."

"Honey, paano naman si Akiro? Nahihirapan din 'yon"

"Hindi victor. Kahit yun nalang ang pakinabang niyang bakla mong anak. Tinanggap na natin ang pagkatao niya, sana naman marunong siyang tumanaw ng utang na loob diba? 'Yan nalang ang paraan na magagawa niya matapos ang kahibangan niya noon."

Tinuloy ko ang paglakad ko tungo sa guess room namin. Tahimik kong inilapag si Ellaine saka ito kinumutan.

Kinunot ko ang ilong ko ng nangangati ito. Inihipan ko ang mata ko habang ino-on ang aircon. Hanggang ngayon pala hindi pa maayos para sakanila ang nangyari noon. It hits me.. Nagets ko na kung bakit galit ang kakambal ko sa akin. I thought were okay. Everything we're okay but it was all fake.. Hindi pa sila nagmo-move sa nakaraan.

Tinitigan ko siyang bumangon na nakahawak sa noo niya. Our eyes met, tumaas ang mga kilay ko.

This is all your fault Elaine Ranaikka. You made the heartaches.. Your the reason behind those roots.. But however, Im hoping that the incident today will give the chance to start and fix everything that broke from yesterday.

I rolled my eyes when she fell sleep again. Pinatay ko na ang ilaw saka umalis.Hindi pa ako inaantok sa dami ng iniisip ko. Pumasok ako sa kwarto at tinignan ang sarili sa salamin.

Tomorrow is announcement day. Tomorrow is hell day. Good luck Akiro! It's time to pay your bills.

DO HEAL? (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon