CHAPTER 12: QUEEN OF ALL TIME

67 27 6
                                    

MC AIZEN AKIRO ALONSO PAZ POV

Napalipbite ako pagpasok ko sa isang private restaurant. Nakaglasses ako and wearing my favorite tubeless dress, kitang kita ang maliliit kong boobs. Hindi talaga ako pinagpala pero yaan mo na atleast meron diba saka incase na may maghabol later, no problem ako walang tatalbog talbog like bouncing ball sa harapan ko sa baba lang siguro,(My Squid balls) ,but Im also wearing my twins favorite jeans, kaya safe ang babies ko.

"Good noon maam, woah! nice shoes kaso ang lips sabog! Bakla!" pagpapansin ng security guard.

I should not given my precious time to this guys, and just let it slide.. Tutal, sanay naman na akong madiscriminate ng mga tao kahit hindi pa ako nakikilala ng mga ito. Kaso..

"Seryoso Mister? Ay miss pala haha. Pare, kung babae lang sana yan type ko na eh kaso hipon! Nyetang bakla"
Nagtawanan sila ng kasama niya.

Masyado silang dakdakero.. Kulang ako sa baon sa pagpapalawak ng pag intindi ngayon. Ang mga tulad nila dapat nilalagay sa tamang lugar. I don't have the intention to make trouble here because I have other business to deal. However they keep pulling my trigger, they buzzing my bitchy botton. Tsk!

Huminto ako saglit at hinimas ang shoulder ng isa. Geez! Ang tigas!

"Mga kuya.." bored kong sabi habang nililibang ko ang mata sa buo nitong katawan. "Castro.." basa ko sa pilyedo niya. Nagtaas baba naman ang adams apple niya,either natakot or naiintimidate sa akin. Tch! You've mess the wrong person.

"Bago ka manghusga ng tao tignan mo muna ang sarili mo sa salamin." I slowly forced him to turned around and face the glass window. Aangal sana ang kasama niya pero nilagay ko ang hintuturo ko sa bibig niya.

"Wait lang kuya atat ka, wait for your turn" matalim kong sabi.

Tapang tapangan ang mga gurang wala naman silang mga binatbat malaki lang ang ano. Ang katawan pero the rest wala na. Zero balance!

"ANO BA--" He have the guts to fight against me? Hell! Just the count of my fingers are allowed to do that. Well, I smirk..

Mabilis kong pinaikot ang braso nitong si Mamang Castro ng sinubukan niya akong bulyawan at labanan, ayan uminda tuloy siya sa sakit.

"Mukha na nga kayong mga kulang sa pansin, pinapahalata niyo pa. Wag gano'n dearest in--securities. Tsk tsk!" Iling ko. Bwenas ako sa mga kaaway ngayon hah, 'di ako malubaylubayan. Pag maganda ka andaming napapansin sayo my goodness!

"Sino ka bang gago ka! Hindi 'to bar para sa mga kagaya mo!" Dagdag pa kahit namimilipit na sa sakit.

Naagaw na namin ang atensyon ng mga tao, ang iba vinivideo pa.

Tuturuan ko pa sana ng leksyon ang dalawa pero hayaan mo na. Baka mas makilala ako ng mga tao, mabilis kong binitawan ang dalawa saka tumingin sa lapag, binasa ko ang lips ko then slowly look upward fixing my glasses.

"Alam mo kuya castro, napagtanto kong mas malinis pa pala ang tinatapakan mo kesa sa mismong nakaapak sayo." Mapangasar kong sabi.

"Gets mo ba? Okay lilinawin ko pasensya taas kasi ng IQ ng baklang nasa harap mo.Ibaba ko para mas magets mo" dinura ko sa kamay ko ang buble gum saka ito pinaglaruan sa mga palad ko.

"Ang ibig kong sabihin, dinaig ka pa nitong simento kasi kahit naapak-apakan na ng mumurahin mong sapatos, kahit walang buhay wala itong na aagrabyadong tao, pero ikaw na mismong may buhay anak ni pilato hindi alam ang salitang respeto." Irap ko saka pinasok sa bulsa niya ang bubble gum ko.

Nagbulungan ang mga tao sa loob na may kakaibang tingin sa akin. Kalamo naman minurder ko na yung dalawang in--security guards. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko sa mga taong mapang api, kung magviviral eh 'di maganda. Maisisiwalat na sa buong mundo ang natatanging angking pagkadyosa ko. Mabebless pa sila tsk!

DO HEAL? (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon