CHAPTER 2: PARTY NIGHT!

129 59 58
                                    

MC AIZEN AKIRO ALONSO PAZ POV

I sighed in a deep breath when I enter in our palace. Inaayos ko ang bangs ko bago dire-diretsong pumasok, naabutan ko si Inang na nasa sala pati ang bunso kong kapatid busy sa pagtitipa sa kani-kanilang loptop. Yayamanin diba!

"Nandito ka na pala princess!" Tinaas ko ang kamay ko ng akmang yayakapin ako ni pudrabels.

Medyo nagbent lang ako at bumeso beso.

"No dad wala ako dito kaluluwa ko lang 'to" maarte kong sabi.

Kinurot niya ang rosy cheeks ko at tinulak papunta kila mudra. Here we go again! Gusto kong pumadyak sa panunulak niya but when I caught my mother's eye, jusko! nakakatakot! Napamake face nalang ako. Maririndi na naman ang precious ears ko sa pajulit-julit nilang say! Urg!

Dade pull me to sit. I just cross my legs, walang ganang tumingin sa kawalan. Kinamot ko pa ang likod ng ear ko sa tagal nilang maglita. Nakakainip! I wanna sleep! Gusto ko ng pumunta sa wonderland.

"Pumasok ka pa. Bagsak ka naman.." mother coldly said. Urg! Ba't ba pag diko sinunod ang mga gusto nila pinapamukha nila sa magandang mukha ko ang mga failures ko!

"Aminin mo nga ang totoo Akiro. Saan napupunta ang mga allowances na binibigay namin sayo? Sa mga lalake mo ba?" Sinulyapan ko si Dad pero tahimik din itong hinahagod ang likod ko.

"Kung labag na labag sa kalooban mong maging ang kapatid mo, isipin mo nalang na utang loob mong tulungan siya.. Dahil siya ang mas may silbi sainyong dalawa." Ang hard ni mother ah! Napalabi ako sa naging tunog ng salita niya.

"So yun ang paksa ng usapan mother no'h?" Lumipat ako ng upuan sakanila, hinawakan ko ang kamay niya at napuppy eye.

"MOTHER! SIGE NA! AYOKONG MAGING SI AKIKO! DUH! MOTHER! SOBRANG LAYO KO KAY KAMBAL! PHYSICALLY! EMOTIONALLY! SPIRITUALLY! ACTUALLY!" Pag aalburoto ko kay inang.

Pinalo niya ang kamay ko at dinuro. Napaatras ang ganda ko sa amazonang si mudra. Inirapan ko si bunsoy na pangisi ngisi, kinatutuwa niyang makita akong 'di makapalag. Bwisit na bubwit!

"Princess.. pag nagising naman na ang kapatid mo pwede ka ng bumalik sa dati mong buhay. Why don't you visit him? It's been a long time since you see each other, sa TV mo na nga lang ata siya nakikita." pang aalo sa akin ni Dade.

Nakahalukipkip ako at sandal sa upuan. Nakikita ko naman siya araw araw, tumingin lang ako sa salamin Akiko na ang nakikita ko. Diko naman kasalanan kung 'di sila umuwi dito ni ate, iwas na iwas pa sila kapag nasa iisang place kami o kahit na makita niya lang ako sa malayuan para akong init na ang sakit sakit tignan para sakanila.

Sobrang laki ng galit niya sa akin na diko alam ang rason. Tuwing maliligo ako, mag papalit, palagi nitong pinapaalala ang mga kasupalpalang ginawa ng kakambal ko sa akin. Ang panunulak niya na matamaan ako sa pagbagsak na nag aapoy na kahoy noon sa isang sunog. Mabuti at naitalikod ko ang sarili ko kundi malamang wala ng magandang dilag na kasama nila sa bahay na ito ngayon. Malaki ang naging sugat sa akin ng pangyayari na iyon, inaya ako ni mother na ipasurgery ito pero ayoko.

I want to keep it as a remembrance.

Tumayo ako at kinuha ang bag kong kasing pretty ko, but before I take step, mom words stop me.

"Son, please do this for your brother. Ayokong paggising niya wala na siyang babalikang trabaho sa industrya." How sweet mother!

Nilingon ko sila and shrugged my shoulders.

Gahd! Ang sakit sa head ko maipag usap sakanila! Ano pa kaya kapag nakasalamuha ko na ang mga naghihintay sa isang AR PAZ? Mahihimatay siguro ako. Napaka friendly kuno daw pa naman ng kakambal ko tss! Hindi tulad ko na shy shy!

DO HEAL? (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon