Simula

290 5 0
                                    

Simula



"Ito."

Hindi pa ako nagsasalita pagkapasok ko pero inabutan na agad ako ng isang matandang babae ng maliit na transparent na bote na may nakatakip na maliit din na kahoy. Makikita mo mula sa labas ng maliit na bote ang kumikinang na kulay blue na fluid.

Sa unang tingin, pagkakamalan mo siyang matandang bulag, dahil sa lawak ng puti sa mata niya kumpara sa itim na parang tuldok lang; kulay gray ang mabuhaghag niyang buhok na parang ilang taon na ang nakakalipas noong huli siyang nagsuklay; at sobrang kulubot at mapekas niyang mga balat mula ulo hanggang paa.

Sabi ng nanay ko, siya raw ang pinakamagaling na albularyo sa amin— si Aling Esperanza, o kilala bilang Espi. Hindi na ako nagdalawang isip pa dahil baka siya na ang sagot sa mga hiling ko. 

Hindi ko agad inabot ang bote. Itatanong ko pa lang sana kung ano iyon ay agad na siyang nagsalita, "Alam ko na ang pakay mo. Ayaw mo matulad siya sayo, 'di ba?" kinilabutan ako at hindi ko magawang makapagsalita. Marahil nga't tinagurian siyang magaling na albularyo.

"Ipainom mo ito sa kanya. Gawin mo ito bago lumubog ang araw sa mismong araw bago siya mag-isang taon." duktong pa niya.

Dali-dali kong hinablot ito sa kanya dahil baka magbago pa ang isip niya. "Opo, tatandaan ko. Maraming salamat!"

"Kailangan ubos at—" Hindi ko na natapos ang sasabihin niya dahil sa excitement na nararamdaman ko para sa anak.

Flashback

"Anak ko..." bakas sa aking boses ang pagkahina matapos kong mailuwal ang dinadala kong anak, pero dahil sabik akong makita at mahawakan siya, pinakiusapan ko sila na iabot sa akin ang anak ko, "Gusto ko siya makita."

Tinignan lang nila ako.

Alam ko na. Tingin pa lang nila, alam ko na ang ibig sabihin. Pero kailangan ko pa rin kumpirmahin sa sarili kong mga mata. Hindi ko ininda ang sakit at nagmatigas na utusan sila na iabot sa akin ang anak ko.

"Akin na! Iabot niyo sa akin! Ngayon na!" maiyak-iyak ako dahil sa kirot na nararamdaman ko sa mga tahi sa tiyan ko.

"Hindi ka pa pwedeng gumalaw. Baka bumuka ulit ang tahi mo." nag-aalalang bilin sa akin ng kumadrona. Kaya naman dahan-dahan niyang ipinatong ang aking anak sa mga braso ko na kanina pa handa para kunin siya.

Tumambad sa akin ang agaw atensyong kulay asul na kanyang mga mata, pointed ears, at higit sa lahat, nagniningning na kulay asul na tattoo sa kanyang kanang dibdib. Ang tattoo na simbolo ng pagiging hindi normal na nilalang.

Nanghina ang mga kamay ko ng makita ko iyon. Nalulungkot ako para sa aking anak. Hindi niya kasalanan maging ganito. Kasalanan ko 'tong lahat.

Hindi maikubli ang aking mukha at marahan akong hinawakan ako balikat ng nagpaanak sa akin. "May magagawa pang solusyon, hangga't hindi pa siya nagiisang taon, maaari pa rin siya maging isang normal na tao. May pagasa pang maputol ang sumpa."

Kinuha ni Nanay ang aking anak, "Huwag ka mawalan ng pagasa. Baka matulungan tayo ni Aling Epsi."

"Oo nga," pagsang-ayon nang kumadrona sa nanay ko. "Siya ang pinakamagaling na albularyo sa barrio na ito. Walang hindi niya kayang gamutin." duktong pa niya.

Gagawin ko ang lahat ng paraan para lang hindi matulad ang anak ko sa nangyari sa akin.

End

Magic in the MoonlightWhere stories live. Discover now