Kabanata 1

137 4 0
                                    

Kabanata 1
Little boy in all-black outfit



"Ciara!"

"Yes, Mama?" agad kong sagot. "Wait lang, ah. Tawag ako ni Mama." sabi ko bago ko sila iwan.

"Aba't naglalaro ka na naman ng lupa, ha! Ilang beses ko ba sasabihin na iwasan mo ang paglalaro sa labas ng bahay!" namumula na sa galit si Mama.

"Ipasok mo na yang mga laruan mo! At kumain ka na dahil may pupuntahan pa tayo!" nakapamewang niyang sabi at pumasok na ng bahay.

Agad agad akong bumalik sa ilalim ng malaking puno kung saan ako naglalaro at kinuha 'yung mga laruang iiwanan ko sana doon.

"Pasensya na kayo," pinunas punas ko yung mga duming dumikit sa mga manika ko, "Strikto talaga si Mama eh. Kaya sumunod nalang tayo." duktong ko pa at nginitian sila.

Bata palang ako, lagi nang nagagalit si Mama sa akin tuwing mahuhuli niya akong nagsasalita magisa o naglalaro ng lupa.

Wala naman akong ibang makausap kasi wala namang gustong kumausap o kahit makipaglaro sa akin.

Sa tuwing makikita ako ng mga tao, lagi na lang akong kinakatakutan dahil sa itsura ko— matitingkad na kulay asul na mga mata, napakaputing kulay ng balat na parang wala akong red blood cells, at higit sa lahat ang pointed medium ears ko na kakaiba sa lahat ng mga tao.

Kaya naman noong lumipat kami sa syudad malayo sa probinsya namin, sinubukan kong baguhin ng kaunti yung sarili ko, pinahaba ko yung mga buhok ko at lagi ko itong itinatakip sa kakaiba kong mga tenga para hindi nila ako katakutan.

Pumunta kami sa isang pribadong school. Ito ang unang beses na inilabas ako ni Mama simula noong lumipat kami dito sa syudad. "Ano pong gagawin natin dito, Mama?" pagtataka ko.

"I-eenroll na kita—"

"—dito na po ako mag-aaral ngayong grade 1?" sabik kong tanong.

"Oo, kaya pagbutihin mo ang pagsasagot sa exam para ma-enroll na kita dito agad."

Hindi malawa yung ngiti ko sa labi dahil sa excitement na nararamdaman ko, kaya naman, wala pang isang oras at tapos na agad akong magexam.

Dahil high-tech ang mga kagamitan dito, sinuot lang yung papel na sinagutan ko sa isang malaking machine at nalaman na namin agad ang nakuha kong score.

"Mrs. Villafuente, based sa standards na hinahanap ng school sa isang estudyante, pasado po ang anak ninyo.

Sa katunayan, nakakamangha po ang inyong anak dahil kung babasihin natin sa ratio na sa isang libong kukuha ng entrance exam ay isa lang ang nakakakuha ng perfect score at yung anak po ninyo yung nakakuha ng perfect score. Maaari po siyang ma-accelerate dahil dito, kung nanaisin niyo po—"

"—So are you saying that my daughter is abnormal?!" paglingon ko nakita kong tumaas ang mga kilay ni Mama.

"Hindi po Mrs. Villafuente. Ang ibig ko lang pong sabihin ay isa pong genius ang anak ninyo."

"My daughter is normal, so we'll just stick to the normal curriculum." ganoon tinapos ni Mama yung paguusap nila.

Pagkatapos ay dumeretso na kami sa shopping mall at bumili ng mga gamit na gagamitin ko para sa school.

Ito rin ang unang beses na nakapasok ako sa isang mall dahil buong pagkabata ko ay puro pader lang nung bahay namin yung lagi kong nakikita kahit na sa bukirin kami nakatira.

Noong pauwi na kami, may misteryosong matanda kaming nakasalubong. Mukha siyang pulubing nakahukot. Nakakatakot ang kanyang awra. Lahat ng taong nakakasalubong niya ay nilalayuan siya; at nagtatakip ng ilong dahil sa masangsang niyang amoy.

Magic in the MoonlightWhere stories live. Discover now