KABANATA II: Head Over Heels

21 3 0
                                    


[sa loob ng kwarto]


[listening to music; earphones on]


... But she wears short skirts

I wear T-shirts

She's cheer captain

And I'm on the bleachers

Dreaming about the day when you wake up

And find that what you're looking for has been here the whole time

If you can see I'm the one who understands you

Been here all along so why can't you see

You belong with me

You belong with me ...



Yun! Hindi ko magawang hindi mainis sa pinanggagawa ni Ash sa akin. Hanggang dito ba naman sa bahay? Fvck this! Ash is such a damsel in distress. She causes a lot of trouble, pro hanggang inis lang ako. Kaya eto, pangpakalma ng nararamdaman, si Taylor Swift ang kasagutan. I have been an avid fan of Tay since I heard her Love Story song for the first time on the radio. Bakit siya? Hindi ba nakakabakla? No, it isn't. I like her so much because she is very versatile. She writes her own songs. Most of them are catchy and realistic. Tiyak na makakarelate ka talaga sa bawat lyrics ng kanta niya. Narerelax ako kapag nakikinig ako sa mga kanta niya.



Lahat na ng kanta niya sa Fearless Album napakinggan ko na pero hindi pa rin nawawala sa aking isip ang mga nangyari sa loob ng election room. Namumutawi ang inis ko talaga kay Ash! Pero (napaisip) ang ganda ng pangalan ni babygirl. Si Megan pala siya. Pagnakangiti talaga siya, mas lalo gumaganda. Alam mo yun, parang may kakaibang aura na sumasanib sa kanya. Hala, bakit ko naman siya iniisip? Balik tayo kay Ash. Iiwasan ko siya bukas para matigil na ang pangaasar niya sa akin.


"Mav, kain na! Gusto mo bang ipalunok ko yan sayo ang cellphone mo?" galit na sigaw ni inay.


"Hindi ako gumagamit ng cellphone nay. Huwag mo naman akong talakan, gulong-gulo na nga yung utak ko ehhh. Please, not now (birong pagkakasabi ko)."


"Abahhh, eh kung ihagis ko kaya ang palanggana sa pagmumukha mo."


"Wow, talent ba yan nay? Naglalaro ka na ng frisbee? (tawang-tawa) Mamaya na ako kakain, kumain kasi ako ng isaw pagkauwi ko ng bahay, tatapusin ko nalang muna to. "



[Kinaumagahan, may Holy Mass sa school]



"Mav, tabi tayo. Dun tayo malapit sa electric fan," sabi ni Ash habang nakaakbay kay Mav.



"Bati ba tayo Ashoong? Ayaw kong tumabi sayo mas lalo lang akong nagiging makasalanan. Gusto kong matapos ang misa na hindi ka nakikita."



"Grabeee ka Mav, magsisimba ka tapos ganyan ugali mo? Anak kaba ng demonyo?"



"Ikaw na po ang anghel na bumagsak sa kalangitan dahil makasalanan ka," sagot ni mav sa kay Ash.



Nagsimula na ang misa, hindi ako tumabi kay Ash kasi alam kong magagambala lang ang akingkonsentrasyon habang sa kalagitnaan ng misa. Hindi kasi tumitigil sa kakaputak si Ash kahit saan siya magpunta. Kaya ako na mismo ang lumayo para naman may kapayapaan pansamantala ang aking utak, kahit sa misa man lang.



[Let's give each other a sign of peace. Peace be with you!]



Nag sign of peace si Ash sa akin, syempre ako din naman kahit alam kong pagkatapos ng misa magsisimula na namang mang-asar yun. Hindi ko rin inasahan na Si Megan nag-sign of peace sa akin habang nakangiti. At bigla nalang, dugdug-dugdug-dugdug-! Hindi ko alam kung bakit yun ang naramdam ko. Natameme nalang ko bigla. Hindi ako makapagsalita, pinapawisan na hindi mapalagay ngunit hindi ko pinapahalata.


Hanggang matapos ang misa, hindi pa rin matanggal sa aking isip ang nangyari. Para bagang nakaukit na sa aking utak ang kanyang mukha.


"Shit! Ooooppps. Sorry Lord. Tama kaya si Ash?" tanong ko sa aking sarili.


"Oyyyyyy! Mav. Parang tulala ka? tanong ni Ash.



"Ash."



"Yes, Mav?"



"I guess, tama ka. TINAMAAN NA AKO."

A Teacher's LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon