KABANATA III: Tulak ng bibig, Kabig ng dibdib

20 1 0
                                    


"Kasalanan mo to Ash, kung sana tumigil ka na sa pangaasar sa akin hindi aabot sa puntong mahuhulog ako sa kanya."



"HOOOOOYYY Maverick Jillian de la Fuente, nung nagka crush ka dati ganun din naman diba? Let's just say, it's a cycle of your weird feeling."


"Pektusan kita mga 12x gusto mo"


"Subukan mo! (Habang bumubulong sa tenga ni Mav) Kung ayaw mong mapahiya sa crush mo."


"Mabungal ka sana. Bye!"


"Hep-hep-hep-hep-hep (pinigilan niya si Mav). Tama bang pagkakarinig ko, nahulog ka na sa kanya?"


"Huhhhhhhh? Sinabi ko ba yun? Hindi ah! (Pagtatanggi ni Mav)


"Ahhhh, so hindi mo sinabi yun? Eh ano to (may pinarinig siya kay Mav mula sa kanyang phone)."

Hindi alam ni Mav na habang nag-uusap silang dalawa ni Ash ay nirerecord pala niya ang mga sinasabi nito. Kahit ano pang tanggi ni Mav, hindi na niya maikakaila ang mga sinabi niya. Isang ALAS na naman ang hawak ngayon ni Ash pangontra kay Mav.



[Ash's POV]



"I'm thinking of a better plan para mapaamin si Mav."


"Ash, ano na naman ang binabalak mo kay Mav? Gusto mo ba talaga siyang mapahiya?" pagaalalang sabi sa kanya ng kanyang kaibigang babae na si Gab.


"Syempre hindi, ang gusto ko lang naman maging honest siya sa kanyang nararamdaman. Ang hirap kasi sa mga lalaki, akala nila sa mga babae manghuhula." sagot naman niya kay Gab.


"Paano kapag napuno sayo si Mav sa mga pinanggagawa mo?"


"Hindi niya yun magagawa sa akin noh. At sa tingin mo gagawin ko to para sa ikakasira ng pagkatao niya? He must be thankful to me kasi gumagawa ako ng paraan."


"Hiniling niya ba yun sayo."


"Hindi na niya kailangang sabihin yun sa akin no? Basta ako, tinutulungan ko lang naman siya."


"Bahala ka, basta siguraduhin mo lang na magiging worth it lahat ng plano mo."


"Kailan ba ako pumalpak?"



[End of Ash's POV]



"I'm not aware na naka-record pala kanina si Ash. Putakte, matatanggi ko pa kaya ang mga binitawan kong mga salita?"


Pansamantalang kinalimutan ko muna ang nakakabwiset na pang-aasar sa akin ni Ash. Naghanda muna ako sa next class, ang aming specialization, Theater Arts. Inatasan kaming gumawa ng short skit sa lesson naming believability. Kailangan naming umarte na kunwari may kausap kaming tao sa aming harapan. We should use resources sa aming paligid na hindi nakikita ngunit parang meron.

A Teacher's LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon