PROLOGUE

40 1 0
                                    

Ang karunungan ng tao ay nagsisimula sa bahay. Ang ating mga magulang ang ating naging unang guro upang buksan ang ating isip sa paglinang ng ating katuturan. Sa paaralan, ang ating mga guro ang nagsisilbing pangalawang mga magulang na patuloy na magpapayabong ng ating pagkatao sa pamamagitan ng kalidad na edukasyon.


Si Ma'am, Si Sir, Si Teacher, ano man ang tawag mo sa kanila, sila ang magpapatunay na handa nilang ialay ang kanilang buhay para sa kinabukasan ng kabataan. Si Ma'am na buhat-buhat ang dalawang bag araw-araw habang pumapatak ang kaniyang pawis sa kanyang mukha. Si Sir na wala ng oras manligaw at maghanap ng mapapangasawa dahil subsob sa nakatambak na gawain. Si teacher na kahit may iniindang sakit, pumapasok pa rin dahil naghihintay ang kanyang mga estudyante sa loob ng silid-aralan.


Minsan sumagi ba sa isip niyo kung paano mainlove si Ma'am? Si Sir? HAHAHAHA, oh di kaya'y kayo ang inlove kay teacher. Ang kwentong ito ay tungkol sa tunay na buhay ng isang guro na nasaktan, umasa, naniwala, at niloko ngunit patuloy pa ring naghihintay ng tamang pagkakataon sa ngalan ng PAG-IBIG.


Magsisimula ang kwento sa kabataan ng pangunahing karakter hanggang sa kasalukuyan. Tampok dito ang kanyang mga naging karanasan sa crush hanggang sa seryosong relasyon. Bawat pangyayari ay tiyak na kakapulutan niyo ng aral na magbibigay sa inyo ng dahilan upang hindi sukuan ang PAG-IBIG.


PAALALA: Ang mga pangalan ng karakter na tampok sa kwentong ito ay pinalitan. May idinagdag na mga pangyayari upang maging kapanapanabik ang daloy ng kwento. Pasintabi din po sa mga salitang hindi kaaya-ayang pakinggan dahil ito po ay hango sa tunay na buhay. Sa madaling salita, ito'y nangyayari sa lipunan na ating ginagalawan. Sana po'y inyong magustuhan! 

A Teacher's LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon