Cupcakes

151 6 0
                                    

Vice's POV

"Are you serious!?"

Tanong ko sa kausap ko sa phone. Nagorder kasi ako ng cake para sa birthday party ni Anne, yung bestfriend ko, mamaya. Pero 1 hour before the party eh tumawag saakin yung bakeshop to let me know na hindi available yung flavor na inoorder ko.

"Sorry po. Iisa lang po yung nabake...."

Sabi nung manager pero hindi ko na pinatapos pa at agad kong binaba yung tawag dahil wala na akong oras. Nagmamadali akong lumabas ng studio kung saan katatapos ko lang magshoot ng interview para subukang maghanap ng pinakamalapit na bakeshop.

Halos nakarating na ako sa venue ng party pero wala pa din akong nadaanang bakeshop until out of nowhere, and I mean that literally, may isang maliit na bakeshop na lumitaw sa line of vision ko. Agad akong pumreno at nagpark bago nagmamadaling pumasok sa loob.
Napalingon saakin yung iilan ilang customer na nasa loob pero hindi ko na yun pinansin at agad akong lumapit sa cashier.

"Miss, excuse me. May red velvet ba kayo na cake?"

Halos pasigaw kong sabi dun sa babaeng nakaupo sa likod ng display cabinet. Napatingin siya saakin at agad kong nakalimutang nagmamadali ako. Napakurap kurap ako lalo na nung ngimiti siya at tumayo para tumapat saakin.

"Sorry, pero cupcakes lang ang available ko today na red velvet eh."

Sabi niya habang nakangiti. Napakurap ulit ako at napatango na lang na parang nahipnotismo sa mga ngiti niya. Nakatali ng maayos yung buhok niya pero halatang kulot yun at itim na itim.

"Kukunin mo ba? May 40 pieces pa ako dito. Ibabox ko na ba?"

Nakangiti pa ding tanong niya saakin. Hindi nanaman ako nakasagot agad at napatango na lang ulit ako.

The next thing I knew eh palabas na ako ng bakeshop at nagdadrive na ako papunta sa venue ng party ni Anne habang pasulyap sulyap sa isang box ng cupcakes na nakapatong sa kabilang upuan.

"Nabudol budol ata ako nung babaeng yun ah."

Natatawang sabi ko sa sarili habang papasok ng parking lot ng events hall. Bababa na sana ako nung mapansin ko yung isang maliit na box na nasa ibabaw nung malaking box. Yung exta cupcake na binigay nung babae para daw masample-an ko. Napangiti habang inaabot yun.

I opened the box at kinuha yung isang red velvet na cup cake na nasa loob. It was topped with cream cheese icing and dusted with red powdered sugar, I guess? Not sure. Tinikman ko yun at napapikit ako sa sarap.

"Damn. Sinong may kailangan ng cake kung ganto kasarap yung cup cake na dala mo."

Sabi ko sa sarili ko habang ngumunguya. Sinubo ko yung half ng cupcake bago bumaba at kinuha yung box ng cupcakes at pumasok na sa loob.

"Vice! There you are! Akala ko hindi ka nanaman sisipot!"

Masayang bati sakin ni Anne na noon eh naka emerald green na long gown. Bumeso ako sakaniya bago ko inabot yung box na dala ko. It was tradition for us na pagbirthday nung isa eh dapat may cake na ibibigay yung isa at dapat yung favorite niya ang ibibigay.

She opened the box at napangiti ng pagkalaki laki.

"Wow ha. Cupcakes. Parang binabali mo yung cake tradition natin. Pero thanks padin! Love you, Vice."

Sabi niya sabay yakap ulit saakin. Yumakap din ako sakaniya. Sa totoo lang namimiss ko na din siya. Sobrang hectic ng schedule namin pareho at halos wala na kaming time para magkita.

"Cake pa din naman yan. Plus! Super sarap as in, no joke."

Sabi ko. Nagmake face lang siya saakin bago ako inakay papunta sa isang table para maupo.
Umupo din siya sa tabi ko at humarap saakin.

"So, tell me. Ano tong nababalitaan ko na may dancer kang pinopormahan sa Showtime? Spill."

Excited na sabi niya. Natatawa naman ako sakaniya dahil yun pa talaga ang una niyang itinanong saakin. Pailing iling lang ako bago sumagot.

"Ikaw, minsan ayoko nang maniwala na busy ka sa business mo eh. Lahat ng chika sa showbiz alam mo."

Natatawang sabi ko. May dumaang waiter na may dalang tray ng champagne kaya agad akong kumuha ng dalawa para saamin. Uminom muna ako mula dun bago sumagot.

"Zeus and I are just friends. Ano ka ba."

Sabi ko and yes, I'm gay by the way. Pero hindi ako cross dresser. She just smirked at me.

"Vice, ganyan din sinabi mo saakin before. Nalaman ko na lang nung break na kayo at umiiyak iyak ka na dahil broken hearted ka."

Natatawang sabi niya saakin. I just rolled my eyes at her.

"Well, tama ka naman dun pero this time, totoo na to. Friends lang talaga kami nun."

Sabi ko sabay inom ng champagnes. Ngumisi ulot siya saakin at uminom ng champagne mula sa flute niya.

"Eh yung isa pang dancer? Yung babae."

Sabi niya. Natawa ako ng malakas dun. Meron kasing isang female dancer ni pinipair saakin. Si Jaki.

"Showbiz. Alam mong bakla ako di ba. Ano ka ba, girl!"

Sabi ko sakaniya habang tatawa tawa. Tinignan niya lang ako ng makahulugan almost as if she's mocking me. Muntik ko na siyang batukan kung hindi lang siya ang celebrant.

"Well, sabi mo eh. Halika na, kumain na muna tayo."

Aya niya saakin bago siya tumayo at hinila yung braso ko patayo para hilain palapit sa buffet table. Sabay kaming kumain at nagkwentuhan pa ng saglit bago ako nagpaalam.

"Maagang maaga ang call time ko bukas. I really have to go. Happy Birthday ulit."

Sabi ko sakaniya sabay beso. Yumakap lang siya ng mahigpit saakin bago nagsalita.

"Siya sige. Fine."

Sabi niya sabay tulak pa saakin ng kaunti. Natatawa akong lumabas ng venue at naglakad papunta sa kotse ko. Nung makasakay ako eh napabaling nanaman yung tingin ko sa box ng cupcake na kinain ko kanina. Napangiti ako bago nagdrive.

Hindi ko napansin na unconsciously pala eh huminto ako sa tapat nung maliit na bakeshop na binilhan ko ng cupcakes kanina. Hindi ako bumaba, nagobserve lang ako. Tinignan ko yung oras, 12 midnight na pero bukas pa yung bakeshop at mukhang may mga customers pa. Nakita kong lumapit yung cashier sa nagiisang occupied na table at nagdeliver ng isang slice ng cake at ngumiti.

Napangiti ako kasabay ng ngiti niya. Sumandal ako sa upuan ng sasakyan. Ano ba tong nararamdaman ko, nagagandahan ako sakaniya eh bakla ako. Maputi siya at ang hubog ng katawan, grabe. Kurba kung kurba.

Bababa na sana ako pero napigilan ko yung sarili ko. Tinignan ko na lang yung name ng bakeshop bago ako umalis. Alam kong babalik pa ako dun. I have a feeling na babalik pa ako dun.

Sweet K

That was the name of the cafe. Simple at madaling tandaan. Kaya for sure hindi ko yun makakalimitan katulad kung paanong hanggang makauwi ako eh hindi ko makalimutan yung ganda nung nagwowork dun na babae.

Sino kaya siya.

Sweets QueenWhere stories live. Discover now