Dulce De Leche

62 5 2
                                    

Vice's POV

Pinupunasan ko yung display cabinet sa loob ng cafe ni K habang wala sa sarili na nagcocontemplate tungkol sa nararamdaman ko. Ang weird lang kasi, kung dati excited akong magwalwal after work, ngayon naman excited akong pumunta dito after work.

Nalelate pa nga ako sa Showtime dahil napupuyat ako dito sa ginagawa kong pagtulong at paghatid kay K. Ilang ulit na din akong kinukulit ng mga kasama ko sa trabaho kung saan ba ako pumupunta palagi at bakit daw hindi na nila ako nakakasama sa mga night out. Hindi ko sinasagot yung mga tanong na yun, paano? Ayokong ishare si K sa mundo ko.

"Lalim naman ng iniisip mo. Gusto mo ishare?"

Tanong niya saakin habang naglilinis ng table and chairs. Hindi ako nakasagot kaagad. Tinitimpla ko siya. Baka pag sinabi ko magging awkward na kami eh.

"Iniisip ko lang kasi, K. Alam ko kasi bakla ako. I mean... alam kong lalake ang gusto ko.. pero ngayon parang... naguguluhan ako. Confused na ako bigla.."

Unti unti kong sinabu yun sakaniya bago ako lumipat sa harap ng display cabinet at pinunasan yun. Pero wala dun ang atensyon ko dahil pinapakiramdaman ko siya.

"Anong ibig mo sabihin?"

Takang tanong niya saakin. Basta nagpunas lang ako kahit hindi ko na alam kung napupunasan ko pa ba ng maayos yung cabinet. Nagtatalo pa din ang isip at puso ko. Sasabihin ko ba? Sigurado ba ako?

"Huy! Okay ka lang ba?"

May pagaalalang tanong niya saakin kaya napalingon ako sakaniya. Nagtagpo yung mga tingin namin at nagtitigan na parang nagtatantiyahan.

"Kasi K, parang... Parang gusto na kita."

I blurted out all of a sudden. Napapigil ako ng hininga habang nakatitig sakaniya. Mukha siyang nagulat sa sinabi ko dahil napahinto siya sa ginagawa niya.

"Ahm. Say something. Palalayasin mo na ba ako or what? Say something."

Sabi ko sakaniya nung hindi pa din siya nagsalita. Bumuntong hininga siya tapos lumapit saakin bago malungkot na tumingin sa mga mata ko. Napalunok ako.

Uh-oh. Mukhang mababasted ako tonight. Niready ko na ang sarili ko.

"Vicey, you always make me smile. At kung may option lang ako, ikaw ang pipiliin ko. Kaso... Ikakasal na ako."

Sabi niya. May pinong kurot akong naramdaman sa dibdib ko. Napahawak ako dun at napakurapkurap. Tumawa lang ako kaunti para itago yung disappointment ko.

"Ganun ba? I just assumed na.... Well.. Na single ka..."

Mahinang sabi ko bago ko ibinaling ulit yung atensyon ko sa pagpupunas ng display cabinet. Hinawakan niya yung braso ko kaya napahinto ako. Hinila niya ako papunta sa table for two at sumenyas na umupo ako sa isang upuan na ginawa ko. Hinila niya yung isang upuan at umupo dun at nakangiting nanglumbaba.

"Madami ka pa kasing hindi alam tungkol saakin. Baka pag nakilala mo ako, magbago ang isip mo."

Nakangiti niyang sabi saakin na may kaunting lungkot sa mga mata niya. Natawa nanaman ako at napailing.

"These past few days yun ang hinihintay ko, yung mawala tong feelings ko for you. Pero everyday din, mas lalo lang nadadagdagan."

Sabi ko sakaniya. Nagsmile lang ulit siya saakin bago tumayo.

"Fine. Pero we will do it later. Habang nagbebake ako, okay? Kaya tapusin na natin to."

Pabitin niyang sabi. Natawa lang ako ulit bago tumayo. Tinapos namin yung paglilinis namin ng tahimik before heading out.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweets QueenWhere stories live. Discover now