Triple Chocolate Cake

52 6 1
                                    

Karylle's POV

Kanina pa ako tingin ng tingin sa wall clock na nasa itaas ng pintuan ng maliit kong cafe.

11:55pm.

Ewan ko ba pero inaabangan ko talaga yung 12 midnight palagi dahil yun yung oras na biglang may kulay blue na kotse na hihinto sa harap tapos bababa mula dun yung lalakeng... babaeng... bakla, na nagpapangiti saakin.

Isang linggo na niyang ginagawa yun. Walang palya.

"K! Isang slice pa nga ng chocolate cake, please?"

Sabi ni Diana, isa sa mga suki kong customer kaya napatingin ako sakaniya at ngumiti. Kasama niya nun sa table si Jordan, yung girlfriend niya.

Sinilip ko muna yung display cabinet ko, iisang slice na lang ang andun. Napakunot ako ng noo, gusto ko kasi sanang ipatikim yun kay Vice kasi yung ang special ko today.

"Ahh, Diana? Wala na eh. Citrus cupcakes na lang, gusto mo?"

Napatingin siya saakin. Inilabas ko mula sa display cabinet yung last na slice at iniligpit ko muna sa chiller.

"Meron pa kaninang isa ah? Sige na nga. Mukhang nireserve mo nanaman dun sa manliligaw mo."

Biro niya saakin. Napayuko naman ako dahil naramdaman kong biglang uminit yung mga pisngi ko. Kunwari na lang eh kumukuha ako ng cupcake. Nilagay ko yun sa isang platito tapos dinala sa table nila.

"Manliligaw ka jan. Bakla nga yun. Di ako bet nun."

Sabi ko sakaniya kasunod naman nun eh tumunog yung wind chime ng pintuan ko napalingon ako kaagad para tignan kung sino ang pumasok.

"Wow ah. Talagang inaantay niya. Yiiieeee!"

Kantiyaw ni Jordan bago sumubo ng cupcake. Inirapan ko lang siya bago bumalik sa counter para kunin ang order ng bagong dating na hindi si Vice.

"Hi Sir, ano pong order niyo?"

Nakangiti kong tanong dun sa lalakeng bagong dating. Pasimple kong pinadaanan ng tingin yung wall clock.

12:10am

Napakunot ako ng noo dahil wala pa din si Vice. Baka hindi talaga siya darating. Artista yun kaya busy yung for sure.

"Miss? Narinig mo ba ako?"

Natatawang sabi nung lalake saakin na nagpabaling ng atensyon ko sakaniya. Ngumiti lang ulit ako.

"Sorry Sir, ano po ulit?"

Sabi ko. Natawa siya ng kaunti.

"Isang Oatmeal cookie tapos hot na house blend lemon tea."

Sabi niya. Tumango naman ako bago nagpunch ng order sa POS. Sinabi ko sakaniya yung total at nagbayad siya bago umupo sa pang dalawahang table sa bandang dulo. Prinepare ko naman yung order niya at dinala yun sa table niya.

"Enjoy your food po, Sir."

Sabi ko bago tumalikod at aalis na sana.

"Ah, miss! Wait."

Sabi nung lalake kaya napalingon ulit ako. Napakunot noo ako tinignan yung order niya kasi baka nagkamali ako ng naibigay. Ngumiti lang siya.

"Ano pala pangalan mo?"

Tanong niya. Napamaang lang ako sa tinanong niya.

"K-Karylle po."

Sagot ko. Natawa nanaman siya at umiling iling pa.

"Wag mo na akong i-po. Grabe naman. Bata pa ako. Anyway, I'm Yael."

Sabi niya sabay lahad ng kamay saakin. Kinamayan ko yun bago ako nagexcuse at bumalik sa counter. Nangaasar naman na tumingin saakin si Diana tapos pasimple pang nagthumbs up saakin.

Sweets QueenWhere stories live. Discover now