Chocolate Mousse

51 5 0
                                    

Vice's POV

Nakaupo nanaman ako sa loob ng kotse ko habang nakapark sa harap ng Sweet K. Malapit na akong mabaliw, pangatlong araw na to na para akong tangang nagppark sa labas ng cafe tapos papanoodin ko lang yung nag-iisang empleyado ng cafe sa mga ginagawa niya.

Kanina lang nagdeliver siya ng slice ng cake tapos nalingat lang ako eh biglang nawala sa paningin ko.

*knock *knock

Nagulat ako nung may kumatok sa bintana ng kotse ko. Napakurap kurap ako nung makita ko kung sino yun.

"Shit. Nahalata na ata ako."

Bulong ko sa sarili ko habang hindi mapakali sa loob at nagkikipag-away pa sa sarili ko kung bubuksan ko yung bintana.

*knock *knock

Katok ulit niya. Tinted yung bintana ko kaya alam kong hindi niya ako makikita kahit titigan ko pa siya. Nakakunot ang noo niya bago tumalikod at naglakad ulit papasok.

"Vice! Go na ano ba!"

Bulong ko sa sarili ko bago dali daling bumaba ng sasakyan. Napalingon yung babae na may paflip pa ng hair. Natulala ako katulad kung pano ako matulala tuwing nakikita ko siya. Napalunok ako nung ngumiti siya at naglakad papalapit saakin.

"Sir, ikaw yung bumili ng cupcakes sakin di ba?"

Nakangiti niyang sabi saakin. Parang kinain naman ng pusa yung dila ko at hindi ako makasagot kaagad.

"Ehem. Ah, oo. G-gusto ko lang sabihin na... Na.. Masarap yung.. Ano... Ano nga yun?"

Parang tanga kong sabi sakaniya. Napailing na lang siya at natawa sa sinabi ko.

Vice! Snap out of it! Ano ka ba! Bakla ka!

Sabi ko sa sarili ko. Umiling ako na parang may inaalis na kung ano sa buhok ko. Ngumiti ako sakaniya.

"Where are my manners. I'm Vice."

Sabi ko sabay lahad ng kamay ko sakaniya. Kinuha naman niya yung at kinamayan.

"Karylle. Uhm. Siya nga pala, may kailangan ka bang bilhin? Kasi ilang araw na kitang nakikita dito."

Sabi niya habang nakakunot ang noo at nakatingin saakin. Mejo nagpanic ako kaya natawa na lang ako kunwari habang nagiisip ng idadahilan.

"Hindi.. Ahhh... Ano kasi, baka kapareho ko lang ng sasakyan yung nakikita mo.."

That was the lamest excuse. Napakamot pa ako sa batok ko.

"Oohhhkaaayy. Lika pasok ka muna. You should try my chocolate Mousse."

Sabi niya sabay lakad pabalik sa cafe parang robot naman akong sumunod sakaniya na para nanamang nabudol budol. Nagcheck ako ng time, 2am na pala. Pagpasok namin sa cafe eh binaliktad na niya yung karatula, sign na sarado na ang cafe.

Sumenyas siya saakin na umupo ako sa isang bakanteng upuan kaya umupo naman ako sa isang bakanteng upuan sakto namang palabas na yung nagiisang customer sa loob. Napalingon pa siya saakin at napahinto nung makilala ako.

"Oh! My! Gosh! Vice!?? Ikaw nga!! Oh my gosh. Pwede bang magpapicture!!??"

Hysterical na sabi nung babae. Pinagbigyan ko naman siya at after ng limang shots eh masayang masaya siyang lumabas. Kasunod nun eh pinatong ni Karylle yung isang slice ng chocolate Mousse sa harap ko kasunod ng dalawang tasa ng tea bago siya umupo sa upuan katapat ko.

"So, tell me. Bakit ang isang celebrity na gaya mo eh ilang beses naligaw sa harap ng shop ko?"

Sabi niya bago uminom mula sa tasa niya. Inabot ko muna yung puting mug at uminom mula dun.

Sweets QueenWhere stories live. Discover now