KABANATA 1
“TAMA NA! TAMA NA!” umiiyak na sambit ko sakaniya, habang patuloy pa din siya sa pagalis ng saplot sa aking katawan, hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil sa maskarang nakabalot sakaniyang mukha, pero ako'y nagulat ng makita kung hubarin niya ang kaniyang maskara at, "Anak gising na oras na para uminom ng gamot” iminulat ko ang aking mga mata at nakitang panay puti ang aking nasa paligid kaya agad agad akong nagtanong kay nanay “Nay? Nasan ako?”at ang saad niya “ Hindi mo na naaalala, naaksidente ka anak” tama ba ang aking narinig? Naaksidente ako? Pero tungkol saan yung napanaginipan ko kanina? Hayaan ko na nga lang, baka masamang panaginip lamang iyon. Naagaw ang aking atensyon ang isang lalaking papasok sa aming kwarto, sino naman ito? Kaya agad agad akong nagtanong sa aking ina, ”sino po to inay?” turo ko sa lalaki ”Hindi mo na ba naaalala? Siya ang iyong ama” nagulat ako sa aking nalaman kaya agad agad akong nagtanong “Panong ama? Hindi ba patay na yung tatay ko?” at bigla namang nagsalita si nanay "Stepfather mo siya” hindi na ako muling sumabat pa baka tama nga si nanay dala ito ng aksidente na nangyari sakin, pero nagulat ako ng biglang magsalita ang stepfather ko daw “Iha, masyado naman ata ang pag ka untog mo, nakalimutan mo na agad ako” nang makita kong tumawa siya nang bahagya, “Patawad po, dala nga po siguro ito ng aksidenteng nangyari sa akin” saad ko sakaniya. Naputol ang aming paguusap ng magsalita si nanay, ”Sandali lamang at bibili ako ng inyong makakain” umalis na siya at naiwan kaming dalawa ng aking stepfather, nagulat ako ng biglang lumapit sa akin ang aking stepfather at dahan dahan niya inilagay ang kaniya mga kamay sa aking balikat, at saad niya “Masyado mo naman ako kinakalimutan alam mo bang sobrang close natin” hindi ko na siya pinansin pa at inalis na ang akbay niya sa aking balikat, "Lalabas lamang po ako saglit" paalam ko sakaniya, lumabas na ako sa aming silid at nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo, nang bigla akong makarinig ng iyak ng isang babae, “Tulong, tulong” paulit ulit na saad nito na tila parang humihingi ng awa sakaniya, palakas ng palakas ang sigaw na tila parang mabibingi na ako sa lakas, kaya agad agad kong tinakpan ang aking mga tenga nang biglang…… bumagsak ako sa aking kinatatayuan at panay itim na lamang ang aking nakikita
Wakas
BINABASA MO ANG
Dark
Mystery / ThrillerSa bawat araw, may bagong buhay na dumadating at sa bawat liwanag ay may kaakibat na pagasa? Pero pano kung kadiliman ang bumabalot sa iyong pagkatao? Isang gabing nakapagpabago sa aking pagkatao gabing binalot nang kadiliman ang liwanag na sumasako...