Kabanata 5
Ikinalata ko ang aking paningin, at nakita ko ang isang maskara, teka..... ito yung... natigil ang aking pagiisip ng makita ko ang tunog ng basag na baso, nang itaas ko ang aking paningin ay nakita ko ang lalaking halos hindi na mapakali sa sobrang gulat, nang biglang hablutin niya ang maskara na aking hawak hawak, na ikinagulat ko, hindi ko na siya tinanong pa at.. "Ikukuha ulit kita ng maiinom" saad niya. Kumuha na siya ng tubig, at iniwan akong mag isa sa upuan, habang akoy nagiisa ay patuloy na tumatakbo sa aking isip ang "Bakit na sakaniya ang maskara na iyon? Ito yung maskara na nakita ko sa sementeryo?" naputol ang aking pagiisip ng magsalita si Mark "Heto na ang iyong inumin" saad niya sa akin, kinuha ko ito at agad na ininom, "Patawad nga pala, masyado ka atang nagalala sa akin" saad niya habang nakangisi, "Ikaw ba naman sabihan ng duguan, hindi ka ba naman matataranta" saad ko sakaniya, "Ayaw mo kasi akong replayan" nakangiting saad niya, nais ko sana siyang tanungin kung bakit meron siya nung maskara na iyon, pero ayokong magtanong kasi parang alam ko na din ata ang kasagutan, kaya nakikisabay na lang ako sa agos ng aming usapan, "Ayoko kasing replayan yung mga taong wala namang kwentang kausap" saad ko sakaniya, at nakita ko ang pagbago ng awra ng kaniyang mukha, nagulat ako ng lumapit siya sa akin, palapit ng palapit na tila ba may gagawin siya sa akin, pinikit ko ang aking mga ata at.... "Hahahahahahaha" malakas na tawa niya na halos sumakit na ang tiyan sa kakatawa,
inirapan ko siya at agad na binago ang usapan, "Sino nga pala ang kasama mo dito sa bahay ninyo?" pagbabago ko ng topic sakaniya. "Ako lang" malungkot na saad niya, "Simula kailan pa?" saad ko sakaniya, "Simula pag tanda" saad niya sa akin "Puwedeng magkwento?" saad ko sakaniya, "Pag ba nagkwento ako sasabihin mo pangalan mo?" saad niya sa akin. "bakit ba interesado ka sa pangalan ko?, kung yun ang gusto mo okay?" saad ko sakaniya. "Simula bata pa lang ako, iniwan na ako ng nanay ko, hindi ko alam, dahil siguro sa wala akong kwentang anak, at yung tatay ko, walang kwenta yun" malungkot na saad niya sa akin, "Pano namang naging walang kwenta yung tatay mo?" saad ko sakaniya "Ano na pangalan mo? Na sagot ko na ang tanong mo" sagot niya sa akin "Minsan kasi matuto kang magseryoso, hindi panay kalokohan, walang masama kung magsasabi ka sakin diba" saad ko sakaniya, "Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan mong malaman ang katotohanan, dahil minsan mas pipiliin mo na lang na itago kaysa malaman ng iba" saad niya sa akin, at halata sa kaniyang mukha ang pagseryoso, "Puwede mo namang ikwento para mas gumaan yung pakiramdam mo, pero kung ayaw mo, maghihintay ako kung kailan ready ka ng ilabas yung sarili mo" saad ko sakaniya at agad na tumayo
"Uuwi na ako, baka hinahanap na ako sa aming bahay" saad ko sakaniya
Aalis na sana ako ng bigla akong may maalala... "Ako nga pala si Maria Reyes" saad
ko sakaniya, nagulat ako ng makita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukhang, at nakita ko rin kung paanong lumaki ang kaniyang mga mata ng sabihin ko ang tanong na paulit ulit niyang tinatanong sa akin
BINABASA MO ANG
Dark
Bí ẩn / Giật gânSa bawat araw, may bagong buhay na dumadating at sa bawat liwanag ay may kaakibat na pagasa? Pero pano kung kadiliman ang bumabalot sa iyong pagkatao? Isang gabing nakapagpabago sa aking pagkatao gabing binalot nang kadiliman ang liwanag na sumasako...