KABANATA 4
"Puwede na ba akong umalis" tanong ko sakaniya
"Halika ihahatid na kita" saad niya sakin
"Wag na" agad na saad ko sakaniya
"Alam kung galit ka, pero kailangan kitang ihatid, trabaho naming mga lalaki iyon" pagmamakaawa niya sakin
Hindi na muli akong nakapag salita pa dahil agad niyang kinuha ang aking mga kamay, bakit ganun? wala akong lakas ng loob para alisin ang hawak niya sa kamay ko, habang kami ay naglalakad isang tanong lang ang pauulit ulit na bumabalik sa aking isip, "SINO BA YUNG LALAKING NASA SEMENTERYO?" naputol ang aking pagiisip ng biglang magsalita si Mark, "Malalim ata ang iniisip mo" saad niya sakin "Wala ito" agad na sagot ko sakaniya. Nagtuloy kami sa paglalakad, at nakarating na nga kami sa sakayan. "Gusto mo bang ihatid kita papunta sainyo" nakangiting saad niya "Wag na" maikling sagot ko sakaniya. Naputol ang aming paguusap ng biglang dumating na ang sasakyan, Sumakay na ako sa sasakyan at nagpaalam na sakaniya, habang ako ay nasa biyahe ay patuloy ko pa ding iniisip kung sino ang lalaking nakita ko sa sementeryo? Bakit may hawak siyang patalim? Bakit ako? paulit ulit na tanong ng isip ko, "Andito na po kayo" saad ng driver sa akin, bumaba na ako sa sasakyan at pumasok na sa aming bahayBahay
"Nakauwi ka ba ng maayos" agad na nakita ko sa aking telepono. Sino naman ito? agad na tanong ko kaya agad agad akong tumugon sa kaniyang text sa akin
"Si Mark ito" agad na reply niya sa akin
"Saan naman niya nakuha ang aking numero" tanong ko sa aking isip hindi ko na ito nireplayan pa dahil alam ko na mangungulit lamang ito
Bakit hindi kana nag reply? Agad na reply sakin
Sinarado ko na ang aking telopono at humiga na sa aking higaan, pero nabuhayan ako ng tumunog ang aking telopono
"Hello, sino ito?" saad ko "Ate, kilala mo ba si mark? nakahilata kasi siya sa kalsada duguan siya!" Putol putol na saad ng aking kausap
"Nasaan siya" utal utal na saad ko sakaniya
"Sa harapan ng bahay nila" agad na saad niya
Agad agad kung pinatay ang telepono at tumungo na roonBahay Nila Mark
Lakad, Lakad, Lakad halos madapa na ako sa kakahanap kung nasa naroroon si Mark. Pero wala akong makitang duguan, pero ikinagulat ko ng marinig ko na may tumatawa "hahahahaahahahahahaha"
ikinalat ko ang aking paningin at nakita ko ang lalaking halos sumakit na ang tiyan kakatawa "Si mark" anong kalokohan na naman ito, tinignan ko siya ng masama at agad na umalis na sa aking kinatatayuan, "Ayaw mo kasi akong replayan eh, ano bang kasalanan ko sayo, kailan mo ba mapapansin yung nararamdaman ko sayo" malungkot na saad niya, tama ba ang aking narinig? panong nararamdaman? humarap ako sakaniya at agad na nagsalita "Ano bang kalokohan ito?" saad ko sakaniya, "Kung talagang nagpapasalamat ka sakin, bakit kahit pangalan mo hindi mo sinasabi? masama bang malaman yun?"malungkot na saad niya at nararamdaman kung tumataas na din ang kaniyang boses tumalikod na ako sakaniya at nagsimula ng maglakad, pero natigil ako sa paglalakad na pigilan niya ang aking kamay, at kinaladkad ako papunta sakanilang bahay, "Ano ba mark? Tigilan mo na ako please?" nagmamakaawang saad ko sakaniya pero hindi pa din siya nagpatigil at patuloy pa din akong kinaladkad patungon sa kanilang bahay
Hanggang sa nakarating na kami sa kanilang bahay, pinaupo niya ako sa kanilang upuan, "Upuan ka muna diyan, kukuha lang ako ng iyong maiinom?" saad niya, habang kumukuha ng maiinom si mark ay ikinalat ko ang aking mata sa paligid, pero nabuntong ang aking paningin ng may makita akong maskara, kinuha ko ito at.... teka ito yung nasa.... "Bog" nakuha ng aking atensyon ang basag na baso, at ang kahalataan sa mukha ni Mark na nagulat.Wakas
BINABASA MO ANG
Dark
Mystery / ThrillerSa bawat araw, may bagong buhay na dumadating at sa bawat liwanag ay may kaakibat na pagasa? Pero pano kung kadiliman ang bumabalot sa iyong pagkatao? Isang gabing nakapagpabago sa aking pagkatao gabing binalot nang kadiliman ang liwanag na sumasako...