KABANATA 2
Dahan dahan kung iminulat ang aking mga mata, at bumungad sa akin ang puting paligid na bumabalot sa aking silid, at agad kung naalala ang nangyari sa akin, ako pala ay nawalan ng malay at…. Sandali? Ano yung mga narinig ko, iyak ng isang babae na nagmamakaawa para sa sa tulong, bakit ako? At sino yung babaeng na iyon? Nagulantang ako ng makita ang isang ginang na papasok sa aming silid, ang aking ina. Saad niya “Magayos kana ng iyong sarili dahil oras nang ating pagalis ngayon” ngayon na pala ang araw na iyon, kaya agad agad akong nagayos ng aking sarili
Kinabukasan
Kringggg! Kringgg! Nagising ako sa tunog ng aking orasan, kaya agad agad akong bumangon upang ayusin ang aking sarili, ngayon pala ang araw ng pagpasok sa paaralan.
Paaralan
Pagpasok ko sa aming paaralan ay nakita ko ang mga dalaga at binata na sobrang naglalambingan, at mga binata na nagtatakbuhan, Kaya hinanap ko na ang aking silid aralan. Nang mahanap ko na ang aming silid aralan ay agad agad akong pumasok upang makahanap ng mauupuan, nang makahanap na ako ay ang sabay na pagdating ng aming guro, “MAGANDANG UMAGA. NGAON ANG UNANG ARAW KAYA INAASAHAN KO ANG INYONG KOOPERASYON” saad ng aming guro, kaya agad agadna nag si pag ayos ang aking mga kaklase
LABAS NG AMING SILID
Palabas na ako ng aming silidng maramdaman ko ang papel na tumama sa aking ulo, sino naman ito? Lumingon ako sa pinanggalingan ng papel at nakita ko ang isang lalaki na halos sumakit na ang tiyan sa kakatawa, sino naman ito? Kaya agad ko itong pinuntahan, SINO KA BA? BAKIT MO GINAWA SA AKIN IYON? Galit na saad ko sakaniya, hindi niya ako sinagot at agad agad na umalis na sa aking harapan, Hindi ko na lamang ito pinansin at nagtuloy na sa king paglalakad. Habang akoy naglakakad ay nakuha ng aking atensyon ang isang lalaking papalapit sa akin, at nang bigla niya akong kausapin, ”Halika na, pinasusundo ka ng stepfather mo” saad niya sa akin. ”SINO KA PO?” agad na tanong ko sakaniya, ’”WAG KA NG MAGTANONG PA SUMAMA KA NA LAMANG SA AKIN” saad niya at agad agad niyang hinila ang aking
kamay, at kinaladkad ako papunta sakaniyang sasakyan, “HINDI KO PO KAYO KILALA, WAG PO” nagmamakaawang saad ko sakaniya. Nagulat ako ng biglang makita ko ang lalaking nakahiga na sa sahig, ng itaas ko ang aking tingin ay nakita ko… ito yung lalaking nagbato sakin ng papel kanina, agad agad akong umalis sa king kinatatayuan at nagsimula ng maglakad at biglang…. “ABA MISS, PAGKATAPOS KITA ILIGTAS WALA MAN LANG SIMPLENG SALAMAT” panganagtwiran niya sa akin. Humarap ako sakaniya at agad agad na sinabi ang “SALAMAT” maglalakad na sanaulit ako nang biglang…. ”Ano pangalan mo?” tanong niya sa akin, Hindi ko na muling sinagot pa at nagpatuloy na lamang sa paglalakadSILID ARALAN
Papasok na ako sa aming silid ng may biglang tumawag sa akin, “Maria! May sulat ka may nagpapabigay hindi pa nga alam pangalan mo, sabi niya lang may salamin daw at dito daw ang room, kaya alam ko ikaw yun” saad niya “Salamat” sagot ko sakaniya, agad agad akong pumasok sa ming silid upang buksan ang nilalaman ng sulat na ito,
“DEAR MATARAY NA BABAE:
WALA KA TALAGANG UTANG NA LOOB HANO? PANGALAWANG BESES NA KAYA KITANG TINULUNGAN,NUNG UNA SA MAY OSPITAL, NAKITA KITANG BUMAGSAK KAYA TINULUNGAN KITA, TAPOS PANGALAWA ITO NAMANG TINULUNGAN KITANG ILAYO DUN SA LALAKING GUSTONG KUMIDNAP SAYO,TAPOS SALAMAT LANG AYAW MO PANG IBIGAY? ISA LANG KAILANGAN KO SAYO KUNG TALAGANG NAGPAPASALAMAT SA AKIN,PUMUNTA KASA SEMENTERYO AT MAGKITA TAYO DOON”
Nagmamahal, MarkWAKAS
BINABASA MO ANG
Dark
Mystery / ThrillerSa bawat araw, may bagong buhay na dumadating at sa bawat liwanag ay may kaakibat na pagasa? Pero pano kung kadiliman ang bumabalot sa iyong pagkatao? Isang gabing nakapagpabago sa aking pagkatao gabing binalot nang kadiliman ang liwanag na sumasako...