Chapter 20:Yakap
Janina POV
Kagigising ko lang at namumugto yung mga mata ko..napag-isip isip kong kalimutan nalang yung nangyari kagabi, Pero diko mapapangakong makakalimutan ko rin yung nararamdaman ko kay Andrei, I still love him,kahit na hindi niya ako gusto.
Bumaba na ako para kumain at papasok pa ako..
"Good Morning Janina!" Biglang may bumati sakin si Darren pala anong ginagawa nya dito? Ng ganito kaaga
"Good Morning din ang Aga mo ah, ay wait tatawagin ko si Andr-- James!!" Sabi ko
"Ay hindi kailangan, Ikaw talaga ang sadya ko" sabi niya
"Ha? Bakit naman?" Tanong ko
"Sabay na kako tayong pumasok kaya sinundo na kita at meron din akong gustong sabihi--" hindi pa niya natatapos yung sinasabi niya ng mag salita si Andrei
"Ang aga nyo namang magligaw! At sa pamamahay ko pa talaga...tss" ano bang pinagsasasabi niya! Ang aga aga na mumuwisit siya!
"Hindi kami nag liligawa--" hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko ng sumabat si Darren
"Ano naman kung nag liligawan kami!? May masama ba?" Ano bang pinagsasasabi ni Darren
"Oh well wala namang masama pero wag naman sa bahay ko" sabi ni Andrei at nag punta na sa kusina para kumain
"Ano bang pinagsasasabi mo darren!" Tanong ko sa kanya
"Sinasabi ko? Ahh! Nililigawan kita!" Sabi niya ano daw!
"Ano! Sino namang nagsabing magpapaligaw ako sayo?!" tanong ko
"Wala, Kaya nga nandito ako para itanong sayo eh, Janina pwede ba kitang ligawan!?" Napa-nganga ako sa sinabi niya! WUWAT!!
"Darren ano bang sinasabi mo!? Isang mabuting kaibigan ang tingin ko sayo eh! Ayoko namang mailang sayo!" Sabi ko
"Wag mo naman akong i-FriendZone, at hindi mo naman kailangang mailang sakin eh" hay ano bang sinasabi niya!?
"Ewan ko sayo!" sabi ko
"Basta simula ngayon nililigawa na KITA!!!" sigaw niya sa sobrang lakas napa takip ako ng tenga ko
"Sige na kumain ka na Prinsesa ko at ihahatid pa kita sa School" nakangiti niyang sabi, Hay nako! Siguradong malulungkot si Isha pag ganito ang pakikitungo ni Darren sakin! Ayokong saktan ang bestfriend ayoko rin saktan si Darren! WAAAHH!
-
"Hi Beshung!" Bati ni Isha sakin ng naka ngiti ng pumasok ako pero ng makita niya na kasunod kong pumasok si Darren ay biglang lumungkot ang mukha niya!
"Beshung!" Bati ko sa kanya
"Sabay tayo mamayang mag Lunch at Breaktime Janina ah?" Sabi ni Darren at naka ngiti pa sa akin! haisttt...
"Buti naman at nag kakamabutihan na kayo ni Darren" sabi ni isha pero ramdam kong malungkot siya
"Hindi no! Sinabi niyang liligawan niya ako pero hindi ako pumayag pero ang kulet sa nililigawan na niya daw ako!! Naka kulet" ngumisi siya pero alam kong pilit lang iyon nananaig parin yung lungkot buo na ang desisyon ko lalayuan ko na si Darren!
-Canteen
"Prinsesa ko! Dito na kayo tumabi samin! Dali na!" sigaw niya samin ni Isha tumango nalang ako katabi niya si Andrei at naiilang akong tumingin kay Andrei kasi naaalala ko yung mga sinabi niya sakin nung gabing nag away kami!
Umupo na kami ni Isha at nung oorder na kami, ay sabi ni Darren siya nalang daw ang Oorder at mag babayad wala na rin akong nagawa pumayag nalang ako at si Andrei naman napaka sama ng tingin sakin!
"Eto na oh! Kain kana Prinsesa k--" pinutol ko yung sinasabi niya nakakairita na eh
"Tumahik ka na nga nakakairita na!" Sabi ko at nag tawanan naman yung mga kabarkada niya pero si Andrei ayun ang sama parin ng mukha pero gwapo parin at mahal ko parin! Waah!! Lantod
"Hindi ko na pala nakikita si Faith?" Tanong ni Darren
"Bumalik na sa America" sabi ng isa sa kabarkada niya
"Ahh! Kaya pala, Janina ako ang maghahatid sayo pauwi ah!?" Sabi ni Darren tumango nalang ako at may roon din naman akong sasabihin sa kanya eh
-
"Janina sama ka samin bukas ah!?" Tanong sakin ng kabarkada ni Andrei "isama mo narin si Isha para masaya tayo tayo nalang naman sumama na kayo!!" Pamimilit niya
Tumingin ako kay Isha at tumango naman siya ibig sabihin pumapayag siya
"Ah Sige ba! Bukas saan naman!?" Tanong ko
"Basta pag-aari nila James yun siguradong mag e-enjoy tayo dun tutal wala rin pasok bukas at Apat na araw walang pasok kaya 3 days tayo dun" sabi niya tumango nalang ako
Gusto ko rin sumama para makasama si Andrei wala eh mahal ko na talaga eh
-
"Tara na Janina hatid na kita!" Tumango nalang ako nag punta na kami sa kotse niya at pumasok na rin ako sa loob
"Wait lang Darren wag mo munang paandarin yung kotse may sasabihin lang ako" lakas loob kong sabi sa kanya
"Sure ano yun makikinig ako" eto na
"Sorry Darren pero hindi talaga kita gusto hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa iyo sorry talaga at mayroon na ring mahal ang puso ko at kahit anong gawin ko hindi ko na siya maalis sa puso ko kasi mahal na mahal ko na siya" Sabi ko at napa yuko nalang
"Si James yan hano?" Tanong niya at ang lungkot ng boses niya, Pero pano niya nalaman!?
"Oo! Hindi ko alam nung una naman inis na inis ako sa kanya kasi ang sungit sungit niya pero kahit masama ang ugali niya ay mayroon parin siyang side na matulungin mabait maunawain kaya ko siguro siya nagustuhan, at sa mga oras na kailangan ko siya at dumadating siya, pero ang sama hindi niya ako gusto" tumulo na yung mga luha ko
"Sabi pa niya kahit kailan daw at hindi niya ako magugustuhan pero ako itong si tanga mahal parin siya!" Hindi ko na mapigil yung mga luha ko
"Okay lang yan hindi mo pa rin naman nasisiguradong hindi ka talaga mahal ni James" sabi niya
"Alam ko at ramdam ko na yun eh hindi niya talaga ako gusto! At sobrang sakit para sa kin pag nakikita ko sila ni Faith na mag kasama!" Hagulgol na ako ng hagulgol kay niyakap na ako ni Darren!
"Umamin ka na sa kanya yung ang pinaka magandang gawin mo! At para rin malaman mo kung mahal ka niya o hindi" sabi niya
"Hindi ko kaya wala akong lakas ng loob!" Sabi ko
"Kaya mo yan magtiwala ka lang sa sarili at tandaan mo, Kung hindi ka niya kayang saluhin ay nandito lang ako palagi at kaya kang mahalin ng sobra sobra at higit pa sa inaasahan mo.." Sana mahalin din ako ni Andrei gaya ng pagmamahal sakin ni Darren huhuhu
"Tara na hahatid na kita" tumango nalang ako at pinunasan yung mga Luha ko..
Umaasa parin akong darating ang araw na mamahalin rin ako ni Andrei...
May mga tao talagang palaging nandiyan sa tabi mo pero hindi naman sila ang kailangan mo....
YOU ARE READING
One Roof With Mr.Sungit (COMPLETED)
Teen FictionOne roof with mr.Sungit omgiiiiiiiiii!!!!!