Chapter 24:Pag amin
"Ayos ka lang ba Janina?" Yan yung kanina pa tanong ni Darren sakin nandito kami sa isang Kubo pero hindi ko parin pinapansin si Darren may iniisip kasi ako
"Uy! Sumagot ka naman" Mukhang naiinis na siya eh may iniisip nga ako
"J-A-N-I-N-A sumagot ka naman! Para na akong baliw dito!" Gusto kong matawa sa kanya kasi iritang irita na siya
"Janina naman" Kawawa naman
"Aamin na ako!" Sabi ko
"Buti naman at nag salita kan-- Ano?! Aamin kana?! Kanino? Kay James?" Tumango ako
"Sigurado kaba diyan? Pero wag muna Janina!" Sabi niya
"Bakit naman wag pa?" Tanong ko
"Basta magtiwala ka nalang sakin" sabi niya may tiwala naman ako sa kanya kaya sige. Tumango ako
"Salamat di ka mag sisisi" Nginitian ko nalang siya pumayag narin ako kasi mukhang diko pa talaga kayang sabihin sa kanya Hayst.
"ISHA!" tawag ko sa kanya "Kasama mo pala si Xander?" Sabi ko lumapit naman sila dito sa inuupuan namin ni Darren
"Ah? Oo nalibot libot lang kami" sabi niya at halatang ilang yung tingin niya kay Darren
"Oh Lance hingal na hingal ka?" Tanong ni Darren
"Ah sasabihin ko lang na uuwi na tayo" Ha? Ang aga naman?
"Ang aga naman?" Tanong ni Xander
"Ewan ko nga rin eh sabi lang ni James" Tumango tango nalang kami at nagpunta sa kanikaniyang kwarto para mag ayos na ng gamit
"Beshung kanina kapa tahimik ah?" Tanong ko kay Isha nandito kami sa kwarto namin at inaayos na yung gamit namin
"Ah wala to" mahinang sabi niya may problema nga siya tinigilan ko muna yung pag aayos ng gamit at nilapitan ang bestfriend ko
"Ano yun Isha? Alam kong may Problema ka" sabi ko sa kanya at tumingin naman siya sa mata ko bigla nalang siya naiyak kaya niyakap ko siya
"Ano yun Isha sabihin mo sakin bestfriend moko" sabi ko sa kanya
"E-Eh k-kasi t-tumawag si D-Daddy" nauutal utal nyang sabi
"Oh? Ano daw?" Tanong ko
"Ipapakasal na daw ako!" Sabi niya at tumingin sakin ipapakasal na siya!!?
"At beshung! Kay James!" Sabi niya at umiyak ng umiyak
Natigilan ako sa sinabi niya yung puso ko unti unti nang nawawasak alam kong wala akong pag-asa kay Andrei kasi hindi niya ako mahal pero lalong gumulo kasi ikakasal na siya wala na talaga paraan para mag katuluyan kami
"Sorry beshung Sorry talaga!" Sabi niya at iyak parin ng iyak
"Hindi mo kasalanan talagang hindi lang kami ni Andrei para sa isa't isaa" sabi ko
"Sorry magulo na nga noon mas pinagulo ko pa" sabi niya
"Wag mong sisihin ang sarili mo swerte mo kasi si Andrei ang papakasalan mo" sabi ko at nilabas ang pekeng ngiti para hindi niya makitang nasasaktan ako hindi ako galit sa kanya dahil mahal ko siya dahil bestfriend ko siya
Kasalanan ko to kasi na fall ako sa taong hindi ako kayang mahalin
"Maswerte? Hindi kaya! Dahil kay Darren ko gustong makasal hindi kay James" sabi niya
"Tama na ang Drama gumayak na tayo beshung" sabi ko
Inayos ko na uli ang mga gamit ko nasan na kaya si Kristine isosoli ko sa kanya itong hiniram ko eh
-
Nasa sasakyan na ako ni Darren at nasa Passenger Seat si Lance at ako naman ay na sa tabi ng bintana ng kotse katabi ko si Isha at katabi ni Isha si Xander muhkang close na silang dalawa si Darren naman yung nag di-drive
Nasan kaya si Andrei hindi ko pa siya nakikita mula ng makalabas kami sa bogedang yun.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako
James Andrei POV
"AYOKO DAD!" kanina ko po yan sinasabi sa kanya pero ayaw niya akong pakinggan
"Dahil kay janina? Si Darren ang gusto niya ana--" binato ko yung babasaging vase kaya hindi niya natuloy yung sinasabi niya
"Alam kona yun Dad wag mo nang ipaalala pero mahal na mahal ko siya Dad! Mahal na Mahal ko si Janina!" Sabi ko
"Alam ko anak pero kailangan mong mag pakasal sa anak ng isang business ma--" pinutol ko na yung sasabihin niya kasi alam ko naman
"Oo at si Isha pa nga yung papakasalan ko eh pero Dad bestfriend ni Janina si Isha! Ayoko!" Sabi ko
"Hindi ko papakasalan ang babaeng hindi ko mahal!" Sabi ko pa uli "Si Janina lang ang babaeng ihaharap ko sa Altar!" Sabi ko at lumabas ng bahay namin kanina pa ako nakauwi nung pag ka labas ko sa bodega tinawagan ako ni Dad at pinauwi
Hahanapin ko si Janina at sasabihing siya lang ang babaeng PINAKAMAMAHAL KO!
JANINA POV
Papasok na ako ng bahay ni Andrei aalis na rin ako ngayon dito kasi kasi basta naiiyak nanaman ako medyo palubog na ang araw pipihitin ko na ang door knob ng.
"JANINA TAYLOR VELA!" ng biglang tawagin niya ako napaharap nalang ako sa kanya
"Baki--" diko natuloy ng yakapin niya ako
"Wag ka munang mag salita! Yayakapin muna kita!" Ano bang ginagawa niya naguguluhan ako pero minsan minsan lang to kaya susulitin kona at ikakasal na siya! Kaya niyakap ko siya pabalik!!!
"Very Good" bulong niya para san naman yung very good?
"Wait lang Andrei wag ka namang ganyan! Ikakasal kana eh kaya aalis na rin ako dito sa bahay nato" sabi ko at yumuko
"Hindi! Hindi ka aalis!" Sabi niya
"Bakit naman? Nahihirapan na ako!" Sabi ko
"Bakit naman?" Tanong nya
"Kasi ikakasal na yung taong mahal ko" sabi ko wala na ring dahilan kung ililihim ko pa to sa kanya
"Ako naman aalis na sa bahay ko yung taong mahal ko!" Sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya ano daw? Aalis ng bahay nila? Ako bayun? Sorry assuming ako eh
"Malulungkot ako pag nangyari yun kaya pwede ba janina sabihin mo sa kanya na wag na siyang umalis kasi mahal na mahal ko siya" sabi niya at naiyak nalang ako! Mahal din ako ni Andrei! Mahal din ako ng taong mahal ko Niyakap ko nalang siya ng sobrang higpit
"Mahal karin kasi niya kaya di na daw siya aalis" sabi ko dahilan para yakapin nya ako ng mahigpit!!
"SA WAKAS" nagulat nalang ako ng may magsalita kaya napalingon ako anong ginagawa niya dito NILA PALA
YOU ARE READING
One Roof With Mr.Sungit (COMPLETED)
Teen FictionOne roof with mr.Sungit omgiiiiiiiiii!!!!!