Janina's POV
Nakalabas na ako nang Hospital at nandito ako ngayon sa dating kong bahay nilisin ko na din to kasi matagal hindi natirahan kaya ang dami alikabok agiw kaya nilisin ko pag labas ko pala nang Hospital sa bahay muna ni Andrei ako pumunta dahil kinuha ko yung mga gamit ko iyak nang iyak si Fancy naaawa tuloy ako si Ate Andy naman para hindi ko na siya kilala nag bago na siya sa akin si Andrei naman ayun wala na kami tinapos na niya yung kung ano mang namamagitan sa amin galit na galit kasi siya sa akin, pero kung ano man yung ikinagagalit niya sakin ay yun yung sigurong akala niya pinagpalit ko siya at nakipaghalikan at nakipaglandian ako hindi yun totoo may nag set up sa akin at alam kong si Faith yun
Hahayaan ko nalang yung karma ang maningil sa kanya.
"Tao po!" May biglang kumatok kaya binuksan ko naman
"Ano pong kailangan nyo?" Tanong ko
"Makaka-alis na po kayo sa bahay na ito" sabi niya na ikinagulat ko
"Ano po bang pinagsasasabi niyo? Ako na po ang may-ari nang bahay at lupa na ito dugo at pawis ang nilaan ni Lolo at Lola mabili at maipatayo lang ang bahay na ito kaya ngayong wala na sila ako na ang bagong mag aalaga at mag babantay sa bahay na ito" paliwanag ko
"Pasensya na po pero matagal na pong nakasangla ang bahay at lupa na ito at hindi na rin naman po nabayaran kaya po nung may bumili na agad agad din naman po naming pinagbili" ano bang pinagsasasabi niya!?
"Hindi ko po kayo maintindihan ako, kami ang may-ari na ito kaya wala akong karapatang kunin sa akin ang bahay na ito" sabi ko
"Nag paliwanag na po ako kailangan niyo na pong umalis kung hindi pa po kayo aalis mapipilitan po kaming kaladkarin kayo palabas" sabi niya
"Wala kayong karapatan!" Sigaw ko
"Paano mo naman nasabi?" Tanong nang isang pamilyar na boses na ngayon ay nakatayo sa harapan ko biglang umurong ang dila ko hindi na ako makapagsalita, bakit pag dating sayo nagkakaganito ako?
"Mukha wala ka nang masabi, makaka-alis ka na rin dahil ako na ang bagong may-ari nang bahay na ito" sabi niya at biglang pumatak ang isang butil nang luha, hindi ko dapat pinapakita sa kanya na mahina ako pero hindi ko mapigilan eh!
"Ano pa bang hinihintay mo?! Inuubos mo ang oras namin!" Sigaw niya sa akin "Tabi nga!" Sigaw niya at binunggo ako kay muntik na akong mapaupo buti nalang at naalalayan ako nung babae
"Maam pasensiya na po kailangan niyo na pong umalis" sabi niya
Wala na rin naman akong magagawa, La! Pasensiya na at hindi naipaglaban yung bahay na binuo mo yung bahay na kung saan ka nalagutan nang hininga pasensiya na La ah? Ginawa ko naman yung makakaya ko eh,
At sunod sunod nang tumulo yung mga luha ko kinuha ko nalang yung mga gamit ko at umalis na sa bahay ko bakit sabay sabay naman yung mga problema ko? Iniwan na nga ako nang Lalaking pinakamamahal ko tapos galit na galit din sakin si Ate Andy tapos yung bahay nawala na rin
Saan na ako pupunta? Kung kailan kailangan ko nang masasandigan tyaka pa wala.Habang naglalakad palayo sa bahay iyak lang ako nang iyak hindi pa ba ito mauubos?
Tawagan ko nalang si Beshung
"(Oh beshung napatawag ka? Kamusta ka na pala?!!?)"
"(Ayos na ako pera kailangan ko talaga ngayon nang kaibigan)"
"(Hala! Beshung! Pasensiya na nasa Japan kasi ako ngayon eh next week pa uwi ko, wait! Umiiyak kaba?!?!)"
"(Naku ayos lang, hindi, hindi ako uniiyak sige baka nakaka-abala ako)"
Pinatay ko na yung tawag at tiningnan kung magkano nalang yung pera ko
800 nalang paano na ako mabubuhay nito? Malapit na rin yung resume nang pasukan malapit narin naman yung graduation ko kaya makakahanap narin ako nang magandang trabaho
Pero sa ngayon iisipin ko muna kung saan ako matutulog mamayang gabi, Darren, Tama! Si Darren baka si Darren na ang makakatulong sa akin
Nag punta muna ako sa isang waiting shed umupo kasi ang bibigat nang mga dala ko
"(Hello? Darren?)"
"(Janina napatawag ka?)"
"(Kailangan ko kasi talaga nang tulong)"
"(Nasan ka ngayon?)"
"(Text ko nalang)"
"(Sige bilisan mo pupuntahan kita agad)"
"(Sige)"
At pinatay ko na yung tawag at ti-next kaya Darren kung nasaan ako wala pang 10 mins nandito na siya agad!
Pinuntahan niya ako agad at n-niyakap
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya tumango naman ako
"Bakit dala mo lahat nang gamit mo?" Tanong niya
"Pinalayas na kasi ako nila Andrei sa bahay nila tapos pinalayas na din ako dun sa bahay namin dati" paliwanag ko
"Kumain ka ba?" Tanong niya umiling ako
"Tara na kakain tayo tapos bibilan kita nang condo para doon kana tumira" sabi niya
O___O
"Hindi mo naman kailangang gawin yun" sabi ko
"Kailangan ko" sabi niya "alam kong wala ka nang mapupuntahan kaya ako na mismo ang tutulong sayo" sabi niya
>_____<
"Baka naaabala ka ah?" Tanong ko
"Hindi no" sabi niya "tara na kakain na muna tayo at alam kong guton kana" sabi niya tumango nalang ako at sumakay sa kotse niya at siya naman ay pinasok na loob nang kotse niya lahat nang gamit ko
Nang makasakay ako at makasakay na din siya nag punta na kami mall para daw kumain, laking pasasalamat ko dahil kung wala siya paano nalang ako hay!
"Janins" ha? Janins?
"Janins?" Tanong ko
"Pwede bang Janins nalang tawag ko sayo?" tanong niya
"Bahala ka" sagot ko
"Sige sige, Saan mo gustong kumain?" Tanong niya
"Kahit saan" sabi ko nalang
"Mag Korean Resturant nalang tayo" sabi niya
O___O!!!!!
"SIGEEE! GAMEEE!" excited na sabi ko matagal ko nang gustong kumain sa Korean Resturant pero ngayon palang ako makakakain doon at si Darren pa ang una kong makakasama
Anong kayang ginagawa ni Andrei ngayon? Kahit ipagtabuyan niya ako hindi parin siya mawala wala sa isip ko'Hindi mabubuo ang araw ko pag hindi ko siya inisip'
A/N: Kamusta kayo? Tatapusin ko muna itong story na ito bago ko ituloy yung Undiscovered Place okie?
Also follow nyo rin mga Sweeties ang username na ito sa Wattpad Salamuch! ^____^
= raleigh_phichi
YOU ARE READING
One Roof With Mr.Sungit (COMPLETED)
Teen FictionOne roof with mr.Sungit omgiiiiiiiiii!!!!!